Sabi nila greatest love is all about sacrifices, kaya mong itaya kahit pa sariling happiness mo , kaya mong magbulag bulagan kahit nakikita mo na ang katotohanan , kaya mong magpasaya kahit di ka naman tunay na masaya, at kahit pa ata ilang beses kang mapagod basta't andyan ang taong pinakamamahal mo lahat ng pagod mawawala. Pero pano pag yung pinagaalayan mo ng greatest love ay mawala? Masasabi pa bang greatest love yun? Pano???.......

*and takee, take her to the moon for me ,
take her like you promised me ,
Say you love her every time
Like how you told me the last time
I know someday we'll meet again
In heaven by the rainbow's end
And I only wish you happiness
until we meet again* 🎶 🎶
-Moira
"Senti ka nanaman dyan eh, kelan mo kaya maiisipang iwasan lahat ng mga bagay na magpapaalala sa kanya" -zoey *my one and only beshyyy.
1:35 am na kausap ko parin ang beshyyy ko na si zoey wala lang tinatawagan nya ko pag gantong oras dahil alam nya mga pwede kong gawin ang bait talaga nya hahaha. Sa totoo lang wala naman akong gagawin eh alam nyang nalulungkot lang ako pag dating ng 1:3o am.
"Hindi ko naman kase alam kung pano ko gagawin yun eh, halos lahat ginawa ko zoey pero ang hirap , hirap na hirap parin ako." -pagiexplain ko sa kanya , ang hirap naman kase talaga.
"Arat zoey samahan moko"- dagdag ko pa
"Saan naman?" Tanong nya
"Sa beach gusto ko makita yung moon, mga stars ,yung malamig na hangin , yung katahimikan ng dagat kahit saglit lang plsss" -pagpilit ko
"Hayss nako ka naman eh. Pero wait sana tulog na si auntie para tatakas nalang ako hahaha"-sagot nya at tumayo.

@beach with my beshyyy zoey tamang pahangin Lang kami habang nagfufoodtrip di ko naman mapipilit pumunta si zoey dito kung walang kapalit syempre bumili kami ng mga snack sa nadaanang 7/11 pati narin Smirnoff pampalamig lalo.
" Hindi parin nagbabago ang moon, ang ganda parin nyang pagmasdan sa dilim kaya andaming stars na umaaligid sa kanya eh hahaha" -me sabay inom ng Smirnoff
"Oo maganda nga sya walang kasing ganda pero ria pwede mong ibaba ulo mo kakatingala pag nangawit kana hahaha di yan aalis, nakakatakot kana na di ka kumukurap eh"-pagbibiro nya
"Zoey ano ba hahaha pero sa toton lang aalis at aalis pa rin yan pag dating ng araw"- sagot ko
"korek ka naman dyan, naalala mo lagi mo akong niyaya dito kapag pumapatak ang ikaw-16 ng araw sa kalendaryo."-sagot nya at tanong nya.
"Naalala ko rin kung pano ako nagiging masaya every 15 haha."-sagot ko at di na namalayang may luha na pala aking mga mata.

Naalala ko din dati sabay kami nakatingala sa buwan ng mga gantong oras ang sarap kayang pagmasdan ang buwan pag bilog na bilog.....


TB....

"Ria kung sakaling wala ako sa tabi mo tumingin ka lang sa buwan para maisip mong andyan lang ako palagi , I can be the moon who can gives you a light in every darkness of your world, Hindi matatapos ang isang araw mo ng hindi maggagabi dahil parte na yun ng buhay o ng mundo, it means magdilim man ang buhay mo asahan mong may moon na magbibigay liwanag sayo, dahil andito lang ako, dito lang ako." -aiden ( the man I loved the most ) 

sinasabi nya ang mga bagay nayan habang nakatingin sakin. Wala akong ibang makita sa paligid kundi sya lang , the moon of the world and my own moon, andito kami sa tapat ng River, sa gilid ng Jones bridge, nakaupo sa bench . sa maliit na bench habang pinapanuod ang napakaraming water lily na umaagos sa ilog at ang buwan ang syang ilaw namin sa buong paligid wala ng ibang tao kundi sya at ako lang.

Wala akong nasabi napatingin lang ako sa kanya at napangiti ,sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya naramdaman ko ang paghingang malalim nya kaya napapikit ako. Sobrang mahal na mahal ko sya ayoko syang mawala yun lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Inaantok ka na ba?" - tanong nyang nakapagpagising sakin sa mga oras na yun kaya tumuwid ako saking pagkakaupo.
"Hindi , gusto ko lang maramdaman yung paghinga ng buwan ko haha" -sagot ko.
"Baliw ka talaga Tara nga rito"-at niyakap ako mahigpit.

Naglalakad na kami ngayon sa Jones bridge kanina pinagmamasdan Lang namin to pero ngayon nilalakaran na namin haha pano uwi na daw kase ako sya na nagdecide hahaha kulet eh.
"Kamusta sa store?"-pagbasag nya ng katahimikan.
"Ayos naman dami costumers kapagod tapos may matanda pang masungit , sinisisi ba naman nya ako na ako daw ang dahilan bakit namatay ang ilaw sa store hahah , nagkabrown out kanina tas nawalan ilaw galit na galit sakin costumer, eh crew lang naman ako dun" -kwento ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Kawawa naman yung moon ko . Ano ginawa mo?" -tanong nya.
"Wala , di ako sumagot, alam kong matanda na sya at pagod ako para pansinin sya" -sagot ko
"Pagod kana pala tas nakikipagkita ka pa sakin" -syaa
"Hindi, sa totoo nga nyan nawala pagod ko nung nakita kita , sa twing nakikita kita sa simbahan na naghahantay sakin masaya ako nawawala lahat ng pagod ko." -paliwanag ko sabay ngiti Sana nga hintayin mo rin ako sa simbahan habang suot ang napakagandang damit tapos may hawak na bulaklak nakangiti papalapit sayo in my mind.
"Talaga ba?"-tanong nya lang
" Oo naman, di ka ba naniniwala"-pagiinarte ko
"Syempre naniniwala , kahit pa nga ata magsinungaling ka sakin , maniniwala parin ako eh."-kadramahan nya.
"Hoyy edi hindi ka nga naniniwala , bala ka nga dyan."-kunyaring tampo hahhaha syempre alam kong hahabulin ako nito lab ako nito eh
"Hoyy biro lang Toyo ka talaga eh." -pinigilan nya akong maglakad at yumakap sya sa likod ko napahinto kami sa paglalakad parehas at..
"Dyan ka muna, diko napigilan sarili ko eh , wag mo akong iiwan ria, Hindi kase tayo magkikita bukas dahil 16 bukas kaya hayaan mokong yakapin ka hanggat kelan ko gusto ngayon" -bulong nya. Ramdam ko ang pagtibok ng mga puso nya at para akong manghihina 16 nanaman pala ulit bukas I hate 16 tskkk. Humarap ako sa kanya at yumakap dedma sa paligid.
"Hindi ako magsasawang hintayin ka every 17"-tanging nasabi ko at kiniss nya ako sa noo ,dito lang ako aiden mahal na mahal kita sobra.

Leisure onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon