Prologue

27 1 1
                                    


"Pabebe ka pa, halata naman na gusto mo rin eh!" Sambit ni Mia habang isinusuot kay Emily ang puting veil.

Si Paula naman ang nagsarado ng zipper ng gown ni Emily sabay sabing, "Konti na nga lang, maiihi ka na sa kilig!" 

"Hindi ko pa nga sinasagot, tapos ikakasal na kami?" Sagot ni Emily sa mga kaibigang hindi maitago ang kilig.

"Ano pa nga ba? Ganon lang, speed lang!" Natawa na lamang sina Mia at Emily sa pahayag ni Paula.

"OA mo din Em, marriage booth lang nga 'to. Gusto mo na ata totohanin eh!" Tukso naman ni Mia.

Biglang nag-play ang tunog na wedding march mula sa speakers na nasa Marriage Booth, hudyat na sisimulan na ang kasal-kasalan.

Hawak ang plastic na bouquet sa kanyang kamay, naglakad si Emily sa aisle na red carpet na may mga naka-scatter na rose petals.  Tumili-tili naman ang dalawang malapit na kaibigan ni Emily na sina Paula at Mia na naka pwesto sa right side ng booth.

Sa may altar naghihintay ang matagal nang nanliligaw kay Emily, si Peter. Simula ng manligaw ito kay Emily, napalapit na rin ito sa kanilang magkakaibigan dahil palagi itong naka buntot sa dalaga. Botong-boto naman ang lahat kay Peter, pati ang pamilya ni Emily dahil halos nasa kanya na ang lahat. 

"Tignan mo 'yang mga selosa na mga hipon oh," bulong ni Paula kay Mia sabay turo gamit ang kanyang nguso sa mga babaeng todo tingin at irap kay Emily. Kilala si Peter sa university nila dahil nanalo siya bilang Mr. Intrams 2 years ago, noong freshman pa siya. Dahil sa angking kagwapuhan nito, marami ang nagkakagusto sa kanya.

"May mga nag-aaligid ngang mga dugong 'don oh," sagot ni Mia sabay turo rin gamit ang kanyang nguso sa mga lalaking halata ang panghihinayang sa mga mukha dahil hindi na sila kailanman makaka-diskarte kay Emily. Maganda si Emily kaya it's not surprising na marami rin ang gusto siyang ligawan.

Nagkakilala sina Emily at Peter dahil sa Mr. and Ms. Intramurals kung saan pareho silang contestant. Naging magkaibigan at last year lang ay nagtapat si Peter sa namumuong feelings niya para kay Emily. Emily has special feelings for Peter too, kaya binigyan niya ito ng chance para siya'y ligawan.

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ng lalaking uma-acting na pari. Nagtilian na naman sa kilig sina Mia at Paula at sumisigaw pa ng "kiss!"

Peter lifted Emily's veil. Lumapit ito at hinalikan ang noo ng dalaga.

"Ako, Peter! Ikasal mo rin ako!" Sigaw ni Paula. Nakatanggap tuloy ito ng hampas mula kay Mia. 

"Sige na, mag close na tayo! Battle of the bands na eh. Nood tayo!" Yaya ni Mia sa barkada. Sila ang handler ng Marriage Booth at last day na ng kanilang University Fair at mas marami pang exciting na events ang pwedeng i-attend kaysa magbantay ng booth nila.

"May last couple pa," sambit ni Emily habang tinatanggal na ang veil at gown habang naglalakad palapit kay Mia.

"Ito talaga hinihintay ko," kinikilig na bulong ni Paula at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Oh sige na, dali na. Lapit na mag 5 eh. Mags-start na 'yong Battle of the Bands."

Hinila ni Paula si Mia paatras at dinala sa dulo ng aisle. Inabot nito ang bouquet at tinanggap naman ni Mia.

"Aanhin ko ba 'to?" Nagtatakang tanong ni Mia.

"Try mong kainin kaya. Kaloka naman!"

"Ha?"

"Isuot mo 'yang gown, dali!"

"Ha?"

"Isa pang 'ha' Mia, talagang hahampasin na kita!"

"Ano bang—"

Napatigil siya ng pagkakita niya sa altar ay naka pwesto na doon si Caleb. Ngumiti pa ito sa kanya.

Napakunot-noo siya pero bahagyang natatawa.

"Caleb!" Naaasar ngunit natatawang tawag niya.

Muling tumunog ang wedding march at tinulak-tulak siya nina Paula at Emily para maglakad papuntang altar.

Caleb is Peter's bestfriend na naging malapit na rin sa barkada ni Emily. Dahil sa closeness nilang magkaka-barkada, may special bond na nabuo sina Mia at Caleb.

Mia and Caleb are not together but they act as if they are. Hindi rin manliligaw ni Mia si Caleb although they are both vocal with how they feel with each other. Mia loves being with Caleb but she's not ready for a serious relationship, she wants to keep it casual between them. Caleb on the other hand, is a pure romantic and is now certain that he is in love and is ready to take the risk.

"You may now kiss the bride," sabi ni Kris, parte siya sa barkada at siya ang nag-act bilang pari sa wedding rites.

"I can't kiss you unless..."

"Unless?" Takang tanong ni Mia.

"Unless I ask you this," sagot ni Caleb.

Mia fell silent and she was now nervous. Nawala ang kanyang ngiti. Meanwhile, her friends were so loud dahil sa panunukso.

"Can you be my girlfriend?"

Maybe it had to be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon