One

15 1 0
                                    


Mia arrived an hour late. Everyone had already greeted and sang the birthday song to Mia's friend, Emily who is celebrating her 25th birthday. Pagpasok niya sa garden sa bahay nila Emily where the party is being held, kasalukuyang nagbibigay na ng kanyang message ang celebrant.

"Thank you so much to everyone who came tonight especially the ones who brought gifts," Emily says as she holds the microphone in one hand and the glass of champagne in the other. 

"Sa mga hindi nagbitbit ng gift, hindi na kayo invited sa kasal namin ni Peter," dagdag niya at natawa ang lahat.

Mia is a little drunk at pagewang-gewang itong naglalakad papunta sa pinakamalapit na table sa kanya. Umupo siya at nilapitan siya ng isang waiter bitbit ang mga wine na ise-serve sa mga bisita.

"Drinks, ma'am?" Yumuko ang binatang waiter at inilapit ang tray kay Mia para maabot nito ang mapipilian na inumin. 

Binalingan siya ni Mia, "Pwede lahat?"

"Ho?"

"Akin na 'yan lahat, uubusin ko."

"Ha? Eh- ma'am-" Napahinto ang waiter nang maanigan niya ang mukha ng bisita at nanlaki ang mga mata niya.

"M-mia Ra-ramirez?"

Natawa si Mia sa naging reaksyon ng binata. Sanay na siya sa mga ganoong reaksyon ng mga tao tuwing nakikita siya.

"Ah, ma'am sige, iwan ko na po lahat dito. M-may gusto pa bo kayo?" Nauutal at nahihiya na tanong ng lalaking waiter.

"Salamat. Okay na 'to," sagot ni Mia sabay inabot ang isang baso ng wine at mabilis itong inubos.

Nagpalakpakan ang lahat matapos ang speech ni Emily. Tatawagin na sana ng Emcee ang susunod na magbibigay ng message nang tumayo si Mia at pinutol ang pagsasalita ng lalaking Emcee.

"Me!" Sigaw na Mia mula sa likod na table na siya lang naka-occupy.

"Ang bestfriend ang susunod na magbibigay ng message!"

"Oh God," bulong ni Emily habang nakapako pa rin ang tingin kay Mia na papalapit na sa stage. Alam niyang lasing na ito. She turned to Tim, the emcee, para sabihing bigyan na lamang ng maayos na introduction si Mia.

"Now, we will hear a sweet birthday message from one of Emily's closest friends, Mia Ramirez!"

Nagpalakpakan ang mga tao, ang iba ay nagbulong-bulongan, at ang mga malapit na kaibigan ni Mia at Emily ay hindi napiligan ang tawa.

"Mianatics here!" Sigaw ni Paula mula sa table na malapit lang sa stage at kung saan naka-upo ang ilan sa mga close nilang college batchmates. Tumingin sa direksyon nila si Mia at kumaway.

"Paula! Kris!" Tawag ni Mia sa kanyang mga kaibigan. May naka-upo pang isang tao sa may gilid ni Kris pero hindi na niya ito maaninag dahil nahihilo na siya. Hindi na rin niya ito pinansin dahil naka-eyeglasses ang lalaki at wala siyang kilala na nagsusuot ng ganoon.

"Hello sa inyong lahat!" Bati ni Mia habang kumakaway at iniiwasang hindi matumba sa kalasingan. Hirap siyang gawin ito dahil nakakawala ng focus ang malakas na music at ang mga nakakasilaw na mga ilaw.

"Gago talaga 'tong si Mia," natatawang wika ni Kris.

"Emily! Sorry I'm late. Happy birthday!" Bati ni Mia sa kaibigan sabay yakap.

"Mia, nag e-eskandalo ka. Lalabas na naman 'to sa mga balita. Umayos ka," bulong sa kanya ni Emily habang nagyayakapan sila at ngumiti na lamang para hindi mahalata na may binubulong siya.

Maybe it had to be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon