I am Trisha Jane Cruz, 25yrs old and this is my short story about my love life.
"Mama, papa. Boyfriend ko nga pala, si Clarence." nakangiting announce ko sa kanila. Agad namang nagmano si Clarence at ngumiti sa kanila.
Malugod namang ngumiti rin pabalik sina mama at papa.
"Halika kayo, maupo at kumain na muna." yaya sa amin ni mama.
Umupo naman kami kaharap nila.
"Maaa, alis na muna ako." sigaw ni ate na nasa pintuan na.
"Hindi mo man lang ba babatiin ang boyfriend ng kapatid mo?" puna ni papa kay ate.
Tumingin si ate sa amin at ngumiti. "Dalaga na ang bunso namin ah. H'wag mo sasaktan 'yan." bilin niya kay Clarence at nagpaalam na rin saka umalis.
"Pasensya ka na iho, madalas nasa labas ang ate ni Trisha, inaasikaso ang business niya."
Tumango naman si Clarence at ngumiti, "Naiintindihan ko po."
Mabilis na lumipas ang oras at kailangan ng umalis ni Clarence dahil sa trabaho niya.
"Tita, tito.. Mauna na po ako. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin." paalam niya kina mama.
"Ganoon ba, osige iho. Mag-iingat ka."
Clarence looked at me and smiled. Hinawakan niya pa ang buhok ko. "Aalis na ako, love."
"Take care, love. Masaya ka ba ngayon?"
"Higit pa sa salitang saya."
I kissed his cheek and smiled back. "Sige na. Just update me."
--fast forward--
As time passes by, masaya naman kami ni Clarence pero hindi na kagaya ng dati. Wala na akong nakikitang saya sa ngiti niya kapag kasama ako. Hindi na umaabot sa mga mata niya ang ngiting meron siya. Hindi na kagaya ng dati.
"Love, are you okay?" I asked. Mukhang malalim ang iniisip niya. Andito siya ngayon sa bahay at kaming dalawa lang naririto dahil umalis sina mama. May pinuntahan rin si ate.
Lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang meryendang ginawa ko sa mini table. I held his hand at kumunot ang noo ko dahil sa lamig nito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko ulit sa kaniya.
"What if I made a mistake? Would you forgive me?" he asked instead of answering my question.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Hindi mo naman siguro magagawang magloko. Alam ko naman kung gaano mo ako kamahal." I smiled kahit na kinakabahan na ako dahil sa kaniya.
Frustrate na inalis niya ang kamay ko sa kaniya at tumayo. He looked at me. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya.
"Trisha, just answer my goddamn question!" sigaw niya na ikinagulat ko.
Napatayo na rin ako at sinalubong ang tingin niya. "Bakit kailangan mong itanong 'yan? At bakit kailangan kong sumagot?"
Sinabunutan niya ang sarili niya. "Please love, just answer me."
I sighed, "If you made a mistake at sobrang bigat o kailangan ng responsibilidad.. Ano namang magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa kundi hayaan kang panindigan ang responsibilidad na para sayo."
Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. "Magagalit ka ba sa akin?"
"Hindi naman mawawala 'yan. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi kita mapapatawad. Mahal kita at maiintindihan kita."
Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry, Trisha.. I'm sorry.."
Hindi ko na siya maintindihan. Ano bang meron? Ano bang nangyayari?
"Why love? Ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin." naiiyak na rin ako dahil sa kinikilos niya.
"Please forgive me. It was just a mistake. Hindi ko sinasadya. Lasing ako no'n."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Your sister is pregnant.
And I am the father."
--3 months after--
Ilang calls ang natanggap ko kay Bryan magmula noong araw na nagtapat siya sa akin na nabuntis niya ang ate ko. What should I do? Sagutin ang call niya at sabihing okay lang? Okay lang na maging kami ulit at hayaan na ang ate? Hindi ako ganoon kasama.
Nakatulala lang ako rito sa balcony at wala akong maramdaman kundi awa sa sarili ko.
"Trish.."
And there she is, my sister.
I smiled. Tiningnan ko ang tiyan niya. Medyo malaki na dahil ilang buwan na rin ang lumipas.
Bukas na ang kasal nila at hindi ko alam kung pupunta ba ako.
Nagalit sina mama noong una pero tinanggap na lang nila kasi nandyan na 'yan e.
"I'm so sorry, Trish." she said.
I looked at my sister and her tummy. I smiled. "You don't have to be sorry. Just... be happy."
Bigla namang tumulo ang mga luha ko at luha ni ate. I hugged her. Nag-iyakan kami at sa huli ay nagtawanan.
Kinabukasan..
Tapos na ang kasal at ngayon nga ay magkahawak ang mga kamay nila.
And I found myself smiling taking a photo of my ex-boyfriend and my sister's wedding.
Masakit oo, pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan ang pilitin ang sarili kong maging masaya sa kanila. Hindi ito pagiging tanga, ito ay pagiging matapang na harapin ang sakit para maging mas matatag sa susunod pang chapter ng buhay ko
YOU ARE READING
Short Story: ACCEPTANCE
Short StorySometimes when the situation plays with you there's no other choice but to accept it.