CHAPTER THREE: Ebs

54 9 0
                                    

Alex's Point of View.

"Oh basta ikaw alex, ikaw na bahala sa mga yan! Pakilusin mo at wag mong pagbuhayin prinsipe! SIGURADUHIN MONG PAGBALIK NG MGA YAN SA MAYNILA DINA IGNORANTE SA HIRAP NG BUHAY HA!"

"Sigurado ho ba kayo madam? E mukhang wala namang alam gawin ang mga to kundi mag pindot pindot dun sa mga selpon nila e."

"Kaya nga tuturuan mo e! Ala e naman alex! Gamitin mo naman utak mo matalino ka naman diba!? At isa panga pala ikaw alexandria! Wala akong mababalitaang mapapadamay diyan sa mga gulo ang mga apo ko ha! Nako malilintikan ka talaga saken!"

"Noted madam ako pa ho ba? Matik na ho yon, tsaka wala din ho akong lumabas na muna ng bayan para maasikaso ko ho ang mga PINAKAMAMAHAL HO NINYONG MGA APO"

"Oh eh magaling kung ganon alexandria, basta turuan mo mga yan ng gawaing bukid ha! Pero wag mo din namang papabayaan!"

"Sige po madam, pero baka naman mag ka raise ako madam kahit dalawa o tatlo lang oh. Gusto ko na ho kasing makabalik sa pag aaral sa susunod na taon pero wag ho kayong mag alala magbabantay parin ho ako dito sa bukid niyo madam"

"Hindi mo na kakailanganin yon alex! Maniwala ka sa akin!"

Napangiwi naman ako ng patayan niya ako ng telepono. Nako naman ito talagang si madam auring oh mula pagkamulat ko sa mundong ibabaw naninilbihan nako sakanya kahit kelan dipa tinaasan sahod ko.

"Magkano ho aleng minda?" Tanong ko habang natingin sa barya ko. Anak naman ng pucha oh, mukhang dina talaga ako makakapag kolehiyo. Ang mahal naman kaseng makapag-aral sa panahon ngayon. Libre nga ang papasukan pero di padin biro yung gagastusin sa mga project at requirements.

"Ala ey wag mo nang intindihin yon ineng, pasasalamat na yan sa pag papa alis mo nang tambay na sisiga siga dito sa tindahan ko" sagot naman ni aling minda. Hindi sila pwedeng mag angas dito no mga siraulo pala sila e.

"Nako eh hindi ko na yan tatanggihan aling minda kapos rin ho kase ako e, maraming salamat ho at wala ho iyon sanggol pako e sainyo na ho nautang ng gatas ang inay e hahahaha sige ho mauna na ho ako magandang araw ho ulit" paalam ko at sumakay na sa kabayo ko. Nagmadali akong umuwi sa bahay alas-diez na kailangan ko pang maghanda ng tanghalian para sa mga prinsipeng yon.

Pagbukas ko nang tarangkahan may narinig akong ingay at tawanan. Bumaba ako sa kabayo ko at-- anak ng pitumpu't pitong puting putangina este tupa!

Ang mga chingchong pinanliligo ang putik! Agad akong bumaba sa may palaisdaan at pinuntahan sila nako malilintikan talaga ako kay madam.

"Ash! Anong ginagawa niyo diyan--" napalunok ako sa katawan nila. Ang gaganda naman pala ng katawan ng mga chingchong na to hindi lang gwapo, may maipagmamalaki din..

"Alex! You're already there na pala. Halika! Join us!" Nakangiting sabi ni gabi. Nako yang mga ngiting yan paniguradong mawawala. Mas lalo akong nasuka ng nakita kong ipinapahid nila ang putik galing sa palaisdaan sa mga mukha nila. Anak ng tokneneng.

"Umahon na kayo diyan! Alam niyo ba kung ano yang ipinapahid niyo sa mga mukha niyo ha?! Nako malilintikan ako sa lola niyo e!"

"You know what alex, mud is good for our skin--" hindi kona pinatapos ang sasabihin ni ty

"Anong mud mud?! Anak kayo ng mud! Di lang naman mud yan e! MAY TAE YAN NG KALABAW! DIYAN KO PINALILINISAN AT PINAPA EBS YUNG MGA KALABAW ANAK KAYO NG MUD" Nagtakbuhan naman sila paalis ng palaisdaan. Jusmiyo marimar.

----

"Sino ba kaseng nag ka ideya na maligo kayo sa palaisdaan? At doon pa talaga sa paliguan ng kalabaw? Kaya nga walang isda yon e!" Para akong nanay na pinapagalitan ang pito kong anak. Habang tuloy padin ang bomba ko sa poso. Mahaba habang paligo ang kakailanganin nila. Pinahid ba naman sa mga mukha nila yung ebak ng kalabaw jusko.

"Si ty kase! Sabi maganda daw sa balat namin yon"
"Why me?! Sabi ko maganda sa balat ang putik. Sino bang tanga ang biglang tumalon don diba kayo lucas?"

"Pero sumunod naman kayo! Is that still our fault?!"

"Mag aaway away pa talaga kayo?! Alam niyo ba kung anong sasabihin sakin ni madam pag nalaman niya to ha?!" Diko napigilan ang sarili ko. Ayokong maalis sa trabaho ito nalang ang kinabubuhay ko. Umalis na ako at iniwan sila doon. Nakakainis! Palibhasa mga mayayaman, di iniisip ang ibang tao.

Dumiretso ako sa may dalampasigan para bumili ng hipon at tahong. Narinig ko kase kaninang umaga na gusto daw nila ng seafoods. Bago ako bumalik sa bahay ay pumitas muna ako ng ilang gulay.

Dumiretso nako sa kusina para magluto ang diko inaasahan ay nandoon ang pito.

"Alex sorry sa ginawa namin. Hindi naman namin alam na ganoon pala yon"
"Oo nga alex. We're deeply sorry for what we've done. Pagpasensyahan mo narin at diko napigilan ang mga kapatid ko, pati ako nakisali pa"

Para silang mga tutang nagmamakaawa. Ang kyuttt-- aish! Ano ba alex?!

"Ayos lang yon, wag niyo nalang sasabihin sa lola niyo. Alam niyo naman kung gano kasungit yun sakin." Ani ko. Totoo naman e pag nalaman to ni madam siguradong tatalakan ako non.

"Alex siya nga pala may magagawa ba kami para matulungan ka dito? Ang aga mo kasing umalis kanina, di ka na namin naabutan." Ani  aki.

"Sigurado ba kayo diyan sa gusto niyo? Baka umurong kayo agad?" Kung yan ang gusto nila ay sisiguraduhin kong marami silang matututunan sakin. Ipaparanas ko sakanila ang buhay na mahirap ngunit sulit. Pero kakayanin kayang magtrabaho ng mga sosyalerong chingchong nato?

•••

The Gangstress and The Seven Royalties (A BTSxIU FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon