Part 1:One Summer Love

4 0 0
                                    

Hi!I'm Claire Freila Agnes,isang ordinaryong babae lang hindi ganun kaganda pero panalo naman sa pagaaral,no jowa mula pa nung isinilang sa mundo at wala pa ding balak na magjowa kahit na 16 years old na ako,bata pa kaya ako Di ba?kaya wag na muna

Actually medyo may problema ako sa attitude ko dahil sa mabilis ako magtampo pero magaling naman ako makisama kung marunong din makisama yung isang tao,ganun naman siguro talaga dapat Di ba?

"Hoyyy!huwag ka nang tumulala dyan at aalis na tayo"sabi ng ate ko at Inis na tinignan ko siya,papunta pala kami sa bahay ng pinsan namin para magbakasyon since bakasyon nga at buryo na kami sa bahay namin dahil sa sobrang daming daldal ng aming mudra at nakakairita na talaga,hahahaha de joke lang pero parang ganun na nga

"Malayo ang byahe natin kaya nakaready na ang lahat ng kakainin natin sa byahe"sabi pa ng ate ko at pinakita sa akin yung laman ng bag niya at napakadaming tsitsirya nga ang nandun at inirapan ko nalang siya

Nasa bus na kami ngayon at sa hindi malamang na dahilan ay nararamdaman kong may gagawin akong kahihiyan,hindi naman namin first time na pumunta dun pero ma's marami ng beses na nakaratinh yung ate ko dun kasi masyado akong sanay na lagi lang na nasa bahay at hindi pumupunta Kung saan-saan at kaya naman yung ate ko ay marami nang tropa dun

Nang makarating kami dun ay halos maghahapon na at nagkakayayaan na maginuman,actually hindi ako ganun na umiinom since kapag may mga holidays o may birthday lang ako umiinom at hindi din kasi ako ganun kalakas uminom ehh pero dahil mga pinsan ko naman ang kasama at okay lang,mas matanda lang yung pinsan ko ng isang taon sa akin so sobrang close ko sa kanya

"Umiinom din pala sila Ken dun ohh"sabi nung pinsan ko na si Nichole,siya yung pinakaclose ko sa pinsan ko at sila Ken naman ay isa sa mga tropa ni ate,hindi sila literal na tropa ni ate na magtotropa na sobrang close siguro magkakilala lang ganun
"Oo nga ehhh,sagot daw ni Emman yung iniinom nila ehh,nagpaisang case daw"sabi naman ni Ella na isa din sa mga pinsan ko
"Hayaan mo na sila,di naman tayo sanay na may kasamang iba kapag nagiinom ehh"sabi ko at tumango nalang sila

Halos magdadlawang oras na kami na umiinom at medyo nahihilo na ako at sa hindi ko malamang na dahilan ay bigla nalang na kasama na namin sila Ken na umiinom at malamang ay dahil sa ate ko yun,siya lang naman makapal mukha na magtatawag sa kanila ehh,Di rin kasi kaclose yun ni Nichole kahit na tagadun siya kasi nga hindi ko alam haahhahaha basta ayaw niya lang daw

"Hi?Nate nga pala"sabi ng isa sa kanila at nagabot ng kamay sa akin para makipagshakehands at kinamayan ko naman siya,hindi siya ganun kagwapo na katulad nung crush ko sa tropa nila pero magaling itong mag basketball ehh, napanood ko laro nila one time ehh at siya yung pinakamadaming na shoot sa kanila

"Claire"sabi ko at nginitian nalang niya ako at nagabot ng isang beer at tinanggap ko nalang yun kahit na nahihilo na talaga ako at makalipas ang ilan pang oras ay natapos na kami ng maginuman at umuwi na din sila at natulog na kami

Lumipas ang ilang araw at halos araw-araw na din naming umiinom na kasama ang iba sa mga tropa nila at mukhang nakakasanayan na namin na kasama sila at medyo nagiging kaclose ko na din si Ken sa kanila

One time habng naglalakad ako at gabi na nun at may natripan lang ako na bilhin kaya binili ko na din ay nakasalubong ko si Nate at mukhang lasing siya so iniwasan ko nalang siya pero nung saktong lalagpasan ko na siya ay hinawakan niya ako sa braso ko at napatingin ako sa kanya dahil dun

"Anong m-meron sa inyo ni Ken?"tanong niya sa akin at takang tinignan ko siya
"Magkaibigan kami bakit?"sagot ko sa kanya at tinignan yung braso ko na hawak niya at tinanggap naman niya ang pagkahawak dun
"Mabuti naman,nagseselos kasi ako"sabi niya at inirapan ko nalang siya at umalis na

Makalipas ang ilan pang araw at nalaman ko na sa probinsiya na raw namin ako magaaral at mukhang last time ko na na makakapunta dito sa bahay ng pinsan namin at nakakalungkot naman, sanay pa naman na kami ng ate ko na dito na nagbabakasyon

"Nakakainis naman!"sabi ng ate ko at napatingin sa akin at napatingin ako kay Nichole
"Ano ba yan!Kung kailan dami na natin tropa dito tsaka naman ganyan"sabi ni Nichole at napasimangot nalang at nginitian ko nalang siya ng pilit,nakakalungkot naman

"Ano tong naririnig ko na Di ka na daw babalik dito ahh?"tanong sa akin ni Ken
"Ganun na nga, sa probinsiya na daw namin ako magaaral ehh"sagot ko sa kanya at nakasimangot na tinignan niya ako
"Ano ba yan!Kung kailan close na tayo tsaka naman aalis ka"sabi pa ni Ken at napatingin ako kay Nate na tahimik lang nakikinig sa usapin namin ni Ken,hindi ko alam pero parang masama ang mood niya ngayon

Kinagabihan ay nagyaya yung pinakakuya namin sa mga tropa nila Ken na uminom dahil sa paalis na kami bukas at mukhang ito na yung last na punta namin dito

"Sayang di nyo man lang kami nakilala ng ganun"sabi ng isa sa nga tropa nila Ken
"Di man lang masasabi ni Nate yung nararamdaman niya"natatawang sabi pa ng isa sa kanila habang nakatingin sa akin at nagpatuloy ang inhuman hang gang sa marami na sa kanila ang umuwi at dahil dito naman sa labas ng bahay ng pinsan ko kami nagiinuman ay okay lang na kahit na hang gang anong oras kami

"Samahan mo naman si Nate na bumili ng pangisang set pa natin,Claire"sabi ni ate at tumayo nalang ako at tumayona din si Nate, habang naglalakad kami ay napatingin siya sa akin at ramdam ko yun dahil sa makasabay lang kami na naglalakad at medyo naiirita na aki sa pagtingin-tingin niya sa akin

"Isa pang tingin,tatanggalin ko yang mata mo"sarcastic na sabi ko sa kanya at natatawang tinignan niya ako at tumigil kaya naman napatigil din ako at napatingin sa kanya

"Ang tagal na din pala simula nung unang makita kita at hindi man lang nagbago yung nararamdaman ko sayo simula nung una kitang makita"sabi niya at antahimik ako dahil dun
"Hindi ka naman ganun kaganda na katulad ng iba at hindi naman maganda ang ugali mo pero bakit ganun?bakit halos lahat kami nagkagusto sayo?ano bang meron sayo?bakit nagkakaganto kami sayo?"sabi niya pa at mas lalo lang akong antahimik dahil dun

"Si Ken kasi yung laging kasama mo at kahit wala man akong karapatan na magselos kasi wala namang tayo pero tang*na nagseselos ako sa inyo,sana kasinglakas ng loob ni Ken ako kasi hindi ko kayang gawin yung mga bagay na ginagawa niya kasi natotorpe ako pagdating sayo"sabi niya pa at lumapit sa akin

"Ito na siguro yung huling araw na nandito ka pa kasi mukhang wala nang pagasang bumalik ka pa kaya ito na rin siguro yung panahon para sabihin ko yung nararamdaman ko sayo,gusto kita simula pa nung una kitang makita at gusto ko ring sabihin sayo na salamat sa pagiging isa sa dahilan Kung bakit sobrang saya ng bakasyon na meron ako ngayon,salamat sa lahat ng mga lasing memories kasama ka,hiding-hindi ko makakalimutan na nakilala kita"sabi niya at hinalikan ako sa noo ko at nauna na

Hapon na at ready na din kami ng ate ko para umalis at nasa labas na halos lahat ng mga tropa nila Ken pero wala dun si Nate at umuwi na din pala si Nate kagabi after nung nangyari at hindi na kami ulit uminom after nun

"Pilitin mong bumalik ahh?mamimiss ka namin"sabi ni Ken at niyakap ko siya at napatingin si Nichole sa amin
"Yieeee,sanaol"sabi ni Nichole at iritang tinignan ko siya dahil dun
"Gaga,magpar kami nito"sabi ko nalang at hinatid na kami nila sa sakayan at nung saktong pagsakay namin sa tricycle para umalis ay dun ko nakita si Nate at nagmouth siya na 'magingat ka,hihintayin ko na bumalik ka at mananatiling mahal kita' at tuluyan na kaming umalis dun

One Shot Stories Where stories live. Discover now