Hayy good morning!! Grabe ang ganda ng gising ko ngayon pano ba naman first day of school kase.
Lumabas ako ng aking kwarto at bumaba sa hagdan. Nakakailang baitang palang ako ay amoy ko na agad ang luto ni mamshie. Agad kong minadali ang aking pagbaba at nakita ko si mamshie na hinahanda ang aming umagahan.
"GOOD MORNING MAMSHIE!!" Sigaw ko at niyakap siya sa likod.
"Ay! Put* kang bata ka!" Gulat na saad niya.
Hinarap niya ako habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa kanyang dibdib.
" Angela! Naku kang bata ka, kung araw-araw mong gagawin sakin yan eh baka mas mauna pa ako kesa kay mang piko." Natawa nalang ako sa sinabi ni mama.
Si mang piko na yung pinaka matanda dito sa barangay namin. 96 na pero kaya niya paring sumipa na parang kabayo.
Naupo na kami ni mama at kumain. Pagkatapos non ay pumunta na ako ng banyo at naligo. Nagmadali na ako dahil nakakahiya namang first day of school tapos malelate ka.
"Ma! Alis na ko." Sigaw ko nang natapos sa pagsu-suot ng sapatos.
"Sige nak ingat ka ha." Sabi ni mama habang siya ay naghuhugas ng plato.
Mahirap lang ang buhay namin ni mama. Si papa? Ayun sumakabilang-bahay na. Maliit palang ako nung iwan niya kami.
Nakatira lang kami sa skwater's area pero hindi iyon naging hadlang para makapag-aral ako sa isa sa mga pinakasikat na unibersidad dito sa pilipinas.
Pagkadating ko doon ay marami na agad estudyante.
"Wahh beshhyyy! A mish u!!" Excited na sigaw sakin ni yen at dinamba ako ng yakap.
"Ohmyghad!Ohmyghad!, talaga bang nagdiet ka beshy?" Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa leeg ko dahil feeling nawalan ako ng hininga ng ilang segundo.
"Ay ikaw sumosobra ka na." Sabi niya sabay palo sakin.
"Aray naman joke lang eh." Saad ko habang nakangiti. " A mish u too beshh yiee HAHAHA." Sambit ko sa kanya sabay sundot sa kanyang tagiliran.
2nd year na kaming dalawa ni beshy sa kursong architecture. Habang nagtatawanan kaming dalawa papunta sa classroom namin ay may nakapansin sa beauty ko.
"Ganda natin ngayon angela ah." Sambit sakin ni dexter.
"Syempre." Mayabang na sabi ko sabay flip hair.
"Ano sa tingin mo karl?" Tanong naman niya sa kanyang kaibigan
Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay balik sa mukha ko." Wala parin pre." Nangaasar niyang sabi sabay alis.
Wow! Wow! Ha! Anong kala niya gwapo siya. Dahil sa sinabi niya ay nag-init ang buong mukha ko at akmang hahabulin siya noong bigla nalang magbell.
Nang natapos ang unang at ikalawang subject namin ay bumaba na kami papuntang canteen at sa kamalas-malasan nga naman oh wala na kaming maupuan. Aalis na sana kami ng kumaway si dexter samin na para bang sinasabing sabay kami sa kanila.
Syempre dahil wala na kaming choice ay umupo na kami sa table nila. Para makabawi naman kay hudas ay inapakan ko ang paa niya noong paupo na ako.
"Aw. Aw." Sabi niya habang tinignan ako ng masama.
"Hindi mo naman sinabing aso na pala yang kaibigan mo dexter." Saad ko sabay ngiting mapangasar sa kanya.
Hanggang sa natapos ang break at dumiretso na kami sa next class namin at sa kamalas-malasan nga naman ay classmate ko pa si hudas sa halos lang ng subject ko after break.

BINABASA MO ANG
[ONE SHOT] The Unsaid Reason
Short StorySome of us think holding on makes us strong, but sometimes it is letting go. - Hermann Hesse