How Do I Say I Love You?

15 6 0
                                    

Collab: Monocarpia & Cikaylalala

"Cae! Ang pangit mo talaga! Walang makikipag kaibigan sa 'yo dahil 'di ka maganda!"

Mariin ang hawak ng kamay ko sa juice. Nagtawanan ang lahat sa klase. Maraming napahagikhik at nagtayuan sa kani-kanilang upuan upang panuorin ang panibagong linyahan mula kay Yuri.

"At alam niyo ba, girls? May gusto siya kay Luck baby," dagdag pa nito.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakahiya. Agad kong hinanap si Luck. Mariin ang tingin niya sa 'kin habang nakasimangot.

"Akala naman kasi siya ang gusto." Sumimangot siya. "Sabi kaya ni Luck na ako ang crush niya—" Mabilis ang pagtapon ko ng juice sa bibig niya—or hindi, sa ilong niya ang tama. Nagkalat ang inumin papuntang damit. Napasinghap ang mga nanunuod kong kaklase.

Nakita ko sa may pinto ang teacher namin. Halatang nagtataka sa komusyong nagaganap. Mabilis pa sa alas-cinco ang pagbalik ng mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. "Ano'ng nangyari? Yuki! Bakit basa ka?" Napailing na lang ako dahil nakaturo na naman ang hintuturo niya sa direksyon ko.

"Ms. Villaconde! Bakit ka nanaman nakikipag-away? Palagi mo nalang binu-bully ang mga kaklase mo," pagalit na sambit sa 'kin ni teacher Mari.

"Hala teacher, sila po ang nangbu-bully sa akin," pagdepensa ko naman sa aking sarili.

"Anong binu-bully ka? Tingnan mo naman ang ginawa mo. Halika, sumama kayo sa 'kin at pumunta tayo ng guidance." Tumango lang ako saka mapait na ngumiti. Isang lingon ang ginawa ko kay Luck na mariin ang titig sa papel. Tila 'yon ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo.

Walang pinagbago ang buhay ko. Madalas pa rin akong suki ng mga pambu-bully nila. Pero kung may isang bagay man na hindi ko na ginagawa, 'yon ay ang lumaban. Natutunan ko na hindi lahat ng bagay ay puwede mong ipagpilitan dahil lang mali sila. At hindi lahat ng gusto mo, ay gugustuhin ka rin. Tulad ni Luck.

"Hoy! makita 'yan ni Cae! Itago niyo!" Hindi nakatakas sa tainga ko ang mga bulungan. Sumisimsim ako sa paborito kong juice habang walang imik na pumapasok sa room.

"May problema na naman ba kayo sa 'kin?" tanong ko.

Napaismid ako dahil tawanan lang ang narinig kong sagot. Kasabay no'n ay ang eroplanong papel na lumilipad sa ere papunta sa 'kin.

Pinulot ko 'yon at laking kahihiyan ko nang makita kung ano 'tong nasa larawan. Profile picture ko 'yon sa facebook na matagal nang natabunan ng panahon. Nagluma na rin ang filter at pumangit ang quality. Pero mukhang dinagdagan nila ng filter gamit ang itim na marker at mga nakasulat na panlalait. Ayos.

Agad na nag-takbuhan ang mga katabi ko nang sumirit ang zesto kong hawak. Nakakainis!

Hapon noon, bagsak na bagsak ang balikat ko dahil sa mga nangyari. Hindi na bago ang mga ganoong eksena.

Saglit akong napatigil nang nakita si Luck na papalapit sa akin. Parang slow motion sa pelikula habang nililipad ng hangin ang ilang hibla mula sa kaniyang buhok.

Naghahabol pa siya ng hininga nang makalapit. Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon, guwapo pa rin siya. Mas guwapo pala kapag hindi naka-gatsby.

"Sabay na tayo."

Natigilan ako. May sakit kaya si Luck? O baka malabo na ang mata?

"Bakit?" iyon lang ang tanging nasambit ko. Akala ko inaasar niya ako kaya kahit kinikilig, dire-diretso pa rin ako sa paglalakad.

Pero mas ikinagulat ko nang mas nauna pa siyang sumakay sa akin. At ang walang hiya, hinigit pa ako papasok! Dapat nilakasan niya pa para sumubsob ako ‘di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romance Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon