Hiram na sandali kasama si Steve, iyan ang lalaking minahal ni Celestina, isang manunulat. Ngunit paano na nga ba sila kung sa una pa lang ay hiram lamang ang sandaling mayroon sa kanilang dalawa?
Maisakatuparan pa ba ang pagmamahalan o tila magiging nakatala lamang ito sa nobelang isinusulat ni Celestina?
~~~
"CELESTINA! Ano ka ba? You need to get up! Gumising ka nga sa katotohanan na tapos na kayo ni Andrei!" Bulyaw sa akin ng kaibigan kong si Sara sa kabilang linya.
Masisi ba niya ako kung minahal ko ng husto si Andrei? I still love him even though I caught him with another woman. Pero kailangan kong isalba ang sarili ko upang hindi ma-trap sa buhay niya.
Humigop ako sa aking kape "I know, tanggap ko naman na tapos na kami, I have to move on," Sabi kong may habol na buntong hininga.
"Okay fix yourself, pupuntahan kita diyan sa place mo"
"No need Sara, I want to be alone!" Iritang sabi ko sa kanya. Ayoko siyang pumunta, the heck ang kalat ng apartment ko, malamang kapag nandito siya para na naman siyang nanay kung makapag sermon sakin.
"Okay, call me if you need a friend. Celestina?" Untag niya sa akin nang hindi na ako sumagot sa kabilang linya. "Huwag mo masyado ibaon 'yang sarili mo sa pagsusulat, take a break and have fun paminsan minsan, just sayin' friend" Dugtong pa nito.
"Okay, bye" Iyon lang at pinutol ko na ang pag uusap naming dalawa.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng apartment ko. "Kailangan mo ng maglinis Celeste" Sambit ko sa aking sarili.
NAGISING ako nang may naramdaman akong dumapo na mainit na hangin sa puno ng aking tainga. Naisip kong nakatulog pala ako matapos kong maglinis ng mga kalat ko.
Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napag salubong ko ang aking kilay at nagtataka kung bakit sunod sunod ang pagdapo ng mainit na hangin sa puno ng aking tainga, nakakakiliti iyon na may bahid ng sensasyon.
Napagtanto ko na wala akong ibang kasama sa apartment. Hindi kaya si Sara? Pero imposible, wala siyang susi dito sa apartment ko. Isa pa, wala akong kasintahan upang tumabi sa akin tuwing himlay ang aking katawang lupa.
Sino itong katabi ko na siyang kampati pa sa pagyakap sa akin mula sa likuran na siyang dahilan ng pagkabigat ng aking pakiramdam kasabay pa niyon ang pag dantay ng kanyang mga hita sa akin na akala mo'y ako ang kanyang butihing asawa.
Hindi kaya'y minumulto ako? Lilingon ba ako? Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na dahan dahang hinarap ang nilalang na nasa likuran ko.
Natuptop ko ang naka awang kong mga labi at namilog ang mga mata dahil sa gulat. Isang hindi ko kilalang lalaki ang nasa aking kandungan. "S-sino ka?" Munting salita ang nabitawan ko.
"Sino ka!" Buong lakas na sigaw ko dahilan ng pagising ng lalaking nasa tabi ko.
"Good morning hon" Iyon lang ang tugon at hinagkan ako sa labi. Natulala ako sa kanyang ginawa.
"H-hon? What did you call me?"
"Hon-honey, nakalimutan mo na?" Anito na nakangiti sa kanya.
Hinampas ko sya ng unan "Sino ka ha? Sino ka! Paano ka nakapasok dito? Siguro magnanakaw ka no?-- at pinagsamantalahan mo ba ako?! Sumagot ka!" Hestirikal kong tanong sa kanya habang patuloy ko siyang pinag hahampas at siya naman ay umiilag at sinasalag bawat hampas ko.
"Look at me" Anitong nahawakan na niya ang dalawa kong pulso upang pigilan ako sa aking ginagawa. "Hon, look at me!"
Natigilan ako sa aking ginagawa at bahagya ko siyang pinagmasdan, mula ulo hanggang paa. Matangkad ito, ang mga mata ay nangungusap, ang ilong ay matangos, at ang mga labi niya ay nang aakit. Itim na t-shirt ang kanyang suot at hapit niyon sa kanyang katawan at mababakas roon ang kanyang kisig, Adonis, he's almost perfect. No, I must say, he is perfect na tila isang perpektong pantasya ng lahat ng kababaihan.
BINABASA MO ANG
Untold Stories
Short StoryShort stories in a book! Mga pinagsama-samang kwento sa loob ng isang libro. Hindi mo malalaman kung hindi mo ito tutunghayan. ✔ "How am I supposed to live without you" ✔ Ang Puso ng Isla ✔ Little crazy love: The promise ✔ Blue Iris: The faith and h...