Chapter 3

59.4K 990 41
                                    

At long last.. Natapos na rin ang sembreak at pasukan na ulit namin.

I sighed habang naglalakad ako sa university grounds. Isang taon na lang ang gugugulin ko at makakatapos na 'ko. Sa totoo lang, ayoko na rin naman mag-aral eh. Nakakapagod din magreview, pumasok araw araw, mag exam. Everything feels like a routine and it's getting boring.

Gusto ko na magtrabaho. I'm looking forward to that. After school, iti-train na ko ni Daddy sa pagpapalakad ng pharmaceutical business namin. Actually, ngayon pa lang naman, tini-train na niya ako. Hindi pa nga lang puspusan dahil nga pumapasok pa 'ko sa school.

Pumila ako sa elevator. Nasa 7th floor pa kasi ng building yung classroom ko, mabuti na lang nakakaugalian kong pumasok ng maaga sa school, mahaba kasi palagi ang pila dito. Unless, gusto mo ng pang-umagang exercise, you can take the stairs. Pero ganun din, malelate ka rin. Depende na lang kung mabilis kang tumakbo. Pagdating mo naman sa room, basang basa ka na ng pawis.

"Oy, pare! Long time no see!" bungad sakin ni Chase sabay tapik sa balikat ko nang makita niya akong lumabas ng elevator.

Nakipag-high five ako sa kanya. "Ogag. Pumasok na nga tayo. Patambay tambay ka nanaman sa corridor."

"Hinihintay ko kasi yung chics na dumaan kanina."

Bukod sa madaldal si Chase. Siya rin ang resident chicboy ng university. Hindi yata lumilipas ang isang buwan na wala siyang flavor of the month. Kahit pa noong bakasyon at wala kaming pasok, napakarami niyang babaeng tinitext. Paimpleng napailing na lang ako.

"Puro ka chics." sabi ko na lang.

Pumasok na 'ko sa loob, sumunod din naman sa'kin ang kumag.

"Pre! Dito tayo!" Narinig kong sumigaw si James habang kinakawayan ako. Isa din siya sa mga kabarkada ko sa school. 

Bandang dulo kami pumwesto.

"Taena, pre. Lapit na tayo grumadweyt" nakangising sabi ni James.

"Isang taon pa, pre. Wag atat." sagot ni Chase. "Saka sigurado ka bang ga-graduate ka nga?"

Nagsimulang magsagutan ang dalawa. Habang ako, kumuha na lang ng libro at nagbasa. Bigla kong naisip kung saan ako magpa-practicum. Pahihirapan ko ba ang sarili ko na maghanap o dun na lang sa business ni Daddy? Hmmm..

After ilang minuto pumasok na ang prof.

Agad agad--walang seremonyas--nag-discuss agad ito ng syllabus for the whole sem. Ako naman, bilang isang mabuting estudyante, nag-take notes. Habang yung dalawa kong kaibigan tuloy parin sa bulungan nila na hindi ko alam kung tungkol saan.

May tatlumpung minuto na discussion na ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae.

Nagulat ako nang makita si Ms. SG.

Ano 'to? Destiny? Napailing ako. Kung anu-ano nanaman ang naiisip ko.

Tuloy tuloy lang si Ms. SG sa likod para maupo. Habang ang prof naman ay nakatingin sa kanya. Mukhang strikta pa naman si ma'am. "Excuse me, miss...?"

Lumingon si Sungit Girl. "Yes?"

Muntik na akong matawa. Ang taray niya talaga.

"Your name..?" ganting pagtataray din ni ma'am. Ayaw patalo.

"Serrano."

"Ms. Serrano, why are you late?"

Parang nainis si Ms SG. "Because I have to take the stairs. Dahil napaka haba ng pila sa elevator."

Hindi nakasagot si ma'am. I almost snickered.

"Can I take my seat now? Nakakapagod eh, ang init init pa sa labas." tumalikod na siya sa prof namin.

She's seriously fvcked up and He's the Perfect Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon