Chapter 12

2 1 0
                                    

chapter 12

Bar

Kadarating lang namin dito sa bar at maganda naman ito at malaki din mukhang hindi ito basta bar lang parang isa itong high end bar.

hinihintay ko dito sa labas ng bar si karmen pinapark nya pa kasi ang sasakyan nya.nasalabas pa lang ako naririnig ko na ang ingay sa loob mukhang nagkakasiyahan na sa loob.

Dumating na si karmen kaya pumasok na kami.pag kapasok na pagkapasok pa lang namin sa pinto ay nakakarindi na ang ingay sa sobrang lakas ng tugtog.

Sa totoo lang hindi talaga ako sanay mag bar,kahit na may pagka gangster kami noon hindi ako umiinom at ganun din si karmen,pero nung nag trabaho na sya eh madalas sila mag kayayaan ng mga katrabaho nya kaya medyo sanay na ito.

dahil papunta pa lang kami sa table ni nireserve nya ay nag sasayaw na agad sya.nasikip at napakaraming nag sasayawan,sumunod lang ako kay karmen patigil tigil kami dahil sa sayaw nya,kaya may isang lalaking sinasayawan ako napangiti na lang ako ng pilit at umalis na sa harap nya.

merong 3 kwarto na may malaking glass window at may nakita akong kumakaway kaya alam ko na agad na iyon ang room na nireserve nila,hystt salamat nandito na kami"owww ang ganda naman ni chief"sabi ng mga kasama nya at nag hiyawan.napatingin sila sa likod ni karmen kung nasaan ako.

"Oh guys eto na nga pala ang napaka ganda kong kaibigan si Celine"sabay bumabi ng kaunti.
"hi" sabi ko sa kanila with matching kaway pa.

"ah hi miss celine ako nga pala si jeff"sabay lahad ng kamay kaya nag lahad din ako ng kamay"celine na lang ano ka ba hehehe"saad ko naman sa nahihiyang boses.ewan ko babat parang nakapa mahiyain ko na samantalang dati ang kapal kapal ng mukha ko.

"ah ako naman si Cristian,nice meeting you Celine"nag lahad din sya ng kamay at tumugon naman ako na may kasamang pah ngiti.

"hi Celine I'm Cristine nice meeting you"sabay ngiti nya sa akin medyo malayo sya kaya hindi na siguro sya nag lahad ng kamay.

may isa pang babae sa sulok hindi man lang sya tumingin sa akin at hindi rin nag pakilala kaya napatingin ako sa iba at natawa ng pilit.

"ah...wag mong pansinin yan ganyan talaga yan.sya nga pala si  Jaymie"si jeff nang napansin ako.

"ah...sabi ki na lng hi... Jaymie" sabi ko kahit hindi sya nakatingin at kumaway na lang sa kanya.

natahimik ang paligid kaya nag tawanan sila"oh upo na kayo"si Cristine umupo na kami at nginitian ko sya.

nag kwentuhan kami nag tanong sila sakin ng nag tanong."ah celine may boyfriend ka na ba"si jeff."oy jeff ikaw huh kakakilala mo pa lang kay celine nainlove ka na agad"si Cristine naman kaya bahagya akong natawa.

"Ay naku jeff tigilan mo yang best friend ko huh,kakagaling lang nan sa break up"si karmen naman na may halong pag babanta at tinuro pa si jeff.kaya natawa ulit ako ng bahagya.

"Sino bang nakipag hiwalay? I'm sure ikaw dahil sa ganda mong yan walang makikipag hiwalay sayo!at mabait ka namn"si Cristian na natawa tawa.

"Ah sa totoo nan ako yung iniwan.niloko nya ako may girlfriend na pala sya at buntis na din.pinaglaruan lang niya ako"sabi sa napaka hinang boses at naka yuko ng bahagya habang pinipilit wag tumulo ang luha kaya ngumiti na lang ako ng pilit.

"ah sorry"si Cristian"ok lang sabi ko sa kanya at ngumiti."oh sya sya tama na muna yang kwentuhan shot muna tayo"si karmen sabay taas ng inumin nya.kaya inangat din namin ang mga amin at uminom.

Napa pikit ano ng bahagya sa pag inum ng alak at napansin iyon ni jeff."celine hindi ka ba sanay uminom ng alak"tanong nito at tumango lang ako.

"Ay naku Celine kayabnga tayo nandito para mag saya pano ka mag sasaya kung hindi ka iinum?"si karmen na mukhang madami dami ng nainun.

"ok lang ako karmen"sabi ko na lang sa kanya.

"hindi....hindi oh shot!shot!shot sabi nito at inabot sakin ang isang baso ng alak.nakisali na din ang iba sa pag hiyaw kaya pinilit ko na ding inumin wala namang pasok bukas at kasama ko naman sila kaya ok lang sigurong uminom.

"Ohhhhhh"sigawan nila napangiti na lang ako.nanahimik muna akohabang nag kukwentuhan sila dahil mukhang matapang yung alak at tinamaan na agad ang sisitema ko.tanging tango lang nagagawa ko.

"oh cheer's"si Cristian sabay taas ng baso nakisali na din ako at uminom.habang tumatagal ay sumasarap ang iniinum ko at ang sarap sa katawan parang nabubuhayan ako.

"tara sayaw tayo"si karmen naman at sumunod na kami sa dance floor samantala si Jaymie ay naiwan sa table namin.

That One NightWhere stories live. Discover now