Ako si Kat. Simple lamang ako- depende sa depende. Kakalito ano? Masama akong mabuti. Bobong matalino. Pangit na maganda. At higit sa lahat, babae pero may dugong lalake din. Hindi sa tomboy ako pero babae talaga ako na nakadepende lamang ang pagiging babae ko.
Kapag ako'y naglakad sa kalsada na mayroong mga lasing, truck drivers o kaya construction worker, lalake ako. Pag may nagchat sa akin, nakikipagkaibigan, o lumalanding hindi ko naman trip, siyempre, lalake ako sa mga panahong 'yon.
Ofcourse, hindi basta-basta pinapakita at binibigay kung kahit na sino lamang ang pagiging babae noh?
Eh paano kung magkakagusto ako?
Depende.
BINABASA MO ANG
Ang Jowa Kong Hind Ako Jowa
RomanceBakit nga ba nasasaktan ang karamihan sa atin sa pag-ibig? Pag-ibig nga ba ang dahilan? Siya nga ba ang dahilan nagdudusa ang iyong nararamdaman? O siya ay siya lamang, at sayo'y walang nararamdaman.