41.

175 9 1
                                    

yuki

[fast forward]

andito na kami sa bahay na nirent ni chenle, medyo malaki rin yung bahay tsaka ang sosyal. iba ang class ni chenle eh.

"laki ng bahay pero apat lang kwarto" rekalamo ni jaemin.

"edi wag ka dito" pabirong sagot naman ni jeno.

in-assign naman kami ni chenle by room. roomate ko si yanna, habang si jeno, jaemin at jisung at si haechan at mark naman.

"bakit solo ka lang?" tanong ni jisung.

"ako gumastos, syempre solo ako"

siya may pinaka malaking kwarto, naka king size bed yan wag kayo.

nagsimula naman kaming pumasok sa kanya-kanya naming room, may pagkalakihan naman yung room namin tsaka sobrang bago.

ibang iba sa kwarto kong napaka dumi.

"hoy, bakit di ka na sumipot kagabi sa gc?" tanong ni yanna.

"ahh, kasi pagtapos ko mag ayos nakatulog agad ako"

"kaya naman pala ang aga pumunta ng airport eh"

pagtapos naming ayusin yung gamit namin, lumabas kami at umupo sa sala. sila jeno at jisung naglalaro ng switch habang si jaemin nakatunganga, mukhang nag eemote.

si mark naman nasa kwarto pa habang si chenle inaaayos yung kitchen.

"teka asan si haechan?" isip ko.

"yuki noona, bili kayo ni haechan hyung ng pwede nating kainin hanggang bukas doon sa store" utos ni chenle.

di naman na ako nagreklamo kasi siya na gumastos lahat kaya susunod na lang kami sa lahat ng utos niya.

sinuot ko yung hoodie ko at yung long padding ko kasi sobrang lamig sa labas, (kasing lamig ni crush, joke HAHAHAHA).

lumabas na kami ni haechan at tumungong store na sinasabi ni chenle.

"ano bang bibilhin natin?" tanong ni haechan.

"d-di ko alam, wala akong alam sa pagluluto eh" sagot ko.

kumuha kami ng basket at tsaka bumili ng ramen, ramen una naming binili kasi yun lang naman busog na kami HAHAHAHA.

"bili rin kaya tayo ng pang tteobokki?"

tumango naman siya at kinuha yung mga ingredients ng tteokbokki. kumuha rin ako ng packs ng coffee, milk at bumili rin ako ng coke at ice cream. kahit malamig walang makakapigil sa trip namin.

nang matapos kaming bumili agad kaming bumalik sa bahay.

"nandito na sila mama at papa-" napatigil si yanna dahil pinalo siya ni jaemin.

"aray! masakit yon, sinaktan na nga ako sasaktan mo pa ako" ani yanna.

luh, broken siya? wala naman yang jowa eh. wala naman kasi kaming mga jowa. no to jowa.

nagsimula naman magluto si jaemin ng ramen habang kami nakaupo lang sa sala. mukha ngang talaga siyang mama.

"after natin kumain, mag hi-hiking na tayo" saad ni chenle at tumango naman kami bilang sagot.

COMING HOME ,LHC.Where stories live. Discover now