Chapter 1

26 0 0
                                    

Pinunasan ko munang maigi ang kamay ko bago ilahad. Dahan-dahan niya itong inabot at sinundan ng kanyang daliri ang mga linya sa palad ko. Sa pagkabalisa, inangat ko ang ulo ko at naabutang nakatingin siya sa akin ng maigi. Lumunok ako.

"Single ka iha?" Aniya sabay ngisi. "Mukhang hindi ka pa nagkakanobyo."

"Ate naman! Pati ba naman yun kailangan sabihin?" Inis kong sabi sabay padyak ng paa. Humalakhak siya.

"Bakit kasi ayaw mo? Mukha namang marami kang manliligaw." Sabi niya.

Tumikhim ako. "Masisira lang pag-aaral 'ko. At tsaka isa pa, wala akong time!"

"Responsableng anak." Tango ni Ate habang sinusuyod pa rin ang palad ko. "Ika nga nila, kapag dumanas ng hirap sa kabataan ay may masaganang buhay na naghihintay."

"Talaga ba, ate?" Excited kong sabi. Baka maging successful nga talaga akong architect!

Napatigil siya bigla sa isang hibla ng linya. Tumingin siya sa akin ng diretso. "May nakikita akong tao na darating sa buhay mo."

"Sino naman kaya 'yan?" Tanong ko.

"Matangkad, matipuno, namumukadkad sa yaman." Sagot nito na para bang naka-jackpot ako sa lotto. "Siya ang magbabago ng buhay mo."

Pinigilan kong hindi matawa ngunit tumakas na ang sunod-sunod na tawa mula sa bibig ko. Naguguluhang tumingin sa akin ang manghuhula.

"Ate ha, binabawian mo 'ko!" Tawa ko pa ulit. "Hindi mo ako makukuha sa ganyan ah."

"Ay ayaw maniwala nito!" Singhal niya. "Makikita mo rin."

"Mas gugustuhin ko pang maka-uno sa design ko 'no!" Ngiti ko at inabutan siya ng bayad. Tumayo ako. "Babalik ulit ako ate, okay? Dapat ikaw ang manghula sa akin next time!"

Tumalikod na ako at hinarap ang plaza ng Quiapo Church. Biyernes ngayon kaya napakaraming debotong nagsisimba, maya't maya ang pasok ng mga tao at mahaba na rin ang pila ng pahalik. Paborito ko itong pasyalan sa tuwing may problema ako at gustong mapag-isa.

Kagat-kagat ko ang isang stick ng inihaw na pusit nang tumunog ang phone ko. Madali ko itong sinagot.

"Hello?"

"Hoy bruha! Where are you?" Bungad sa akin ng kaklase at kaibigan kong si Sirius. "Bakit wala ka pa dito?"

"Quiapo." Sagot ko habang nag-aabot ng bayad sa tindero. "Wednesday ngayon ah, mamayang 3:00pm pa klase natin."

"Alam ko pero nangako ka na tutulungan mo 'ko sa rendering diba?" Bakas ang taranta sa boses niya. "Mamaya na pasa nito!"

Sinimulan ko nang maglakad papunta ng underpass. "Chill, Siri! Papunta na akong sakayan."

"Baka traffic sa Legarda!" Natataranta niyang sabi.

"Lilipad ako para sa'yo kung ganoon!" Tawa ko. "Sige na, baka maagaw pa sakin 'tong phone."

Um-oo lang siya sa kabilang linya bago patayin ang tawag. Mas binilisan ko ang paglalakad. Nang makaakyat na ako sa kabilang side ng daan ay pumara ako ng jeep at sumakay. Nag-aabot ako ng bayad nang nag-vibrate ang phone ko.

Siri:

Nasaan ka na?

Napailing ako bago tumipa ng reply.

Me:

Jeep. Mabilis na lang 'to, madame!

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at itinago ko ang phone sa bag. Hirap na, maagaw pa 'to.

Mabuti na lang at walang traffic sa Legarda kaya mabilis ang naging byahe. Halos takbuhin ko na ang distansya ng Jollibee at CEA dahil tinatadtad na ako ni Siri ng texts. This girl!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Stars AlignWhere stories live. Discover now