Ang kuwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ng manunulat at hindi sa totoong buhay. Ang pagkakatulad ng pangyayari ng kuwento at totoong buhay ay maaaring aksidente lamang at hindi sinasadya ng manunulat. Maliban lamang sa ibang pangalan ng karakter.
Maari kayong makakakita ng mga typical or grammatical error sapagkat tao lang po ang sumulat nito at nagkakamali din. Salamat sa pag intindi.
Sana po ay magustuhan niyo ang kuwentong ito. Nais ko lamang po na makapag pasaya sa mga mambabasa nito. Maraming Salamat po.
-Ronvict John
* * * * *
KABANATA 1
Since bago palang ako sa paaralang papasukan ko ngayong taon, sinamahan ako ni Mama na magpa-enroll. Hindi ko inaasahang andami pala ng estudyante dito at ang haba ng pila. Nang makuha ko na ang form ay agad akong umupo sa nakareserbang upuan para sa mga estudyante, habang si Mama naman ay nakikipag-usap sa mga kakilala niyang guro at magulang din.
Haysstt.. ang dami ng susulatan haha. Ang mas mahigpit pa ay apat na beses ko pa itong uulitin. Nang makatapos ako ay patuloy parin akong naka-upo habang naghihintay kay Mama dahil di ko naman alam ang susunod kong gagawin. Habang nakatingin sa paligid para i-familiarized ang paaralan ay may nakita akong grupo ng mga babae na palapit na uupo sa tabi kong bakanteng upuan. Sila ay nagtatawanan at nag-uusap habang palapit sa akin.
"Sana ay magkaklase parin tayo no?", sambit ng isa sa kanila.
"Oo nga, para masaya parin tayo!", agad na sagot ng isa nilang kasama.
At yun lamang ang mga huling salita na narinig ko sa kanilang pinag-uusapan, at agad na naghanap ng mahihiraman ng ballpen ang isa sa kanila.
"Girls, may ballpen pa ba kayo diyan?", tanong nito sa mga kasama niya.
"Hayyy.. Wala na girl. Ayun ohh, humiram ka sa kaniya. Di na naman niya ginagamit eeh", sagot ng kasama niya sabay turo sa akin.
Dahil siguro wala na siyang magawa, agad siyang naglakad palapit sa akin.
"Yieee..!", sabay-sabay na sigaw ng tatlo niya pang kasama.
Nang makarating sa harap ko...
"Hello! Tapos kana po ba? Pwede ko bang hiramin ang ballpen mo?", agad na sambit niya na nakangiti.
YOU ARE READING
School Mate
RomanceIto ay kuwento ng isang lalaki sa kaniyang pagkilala ng kaniyang schoolmate hanggang mahanap ang kaniyang soulmate.