Chapter-68

1.5K 36 7
                                    


A/N: Mabilis ang po ang magiging pacing ng bawat scene sa Chapter na ito.

_____________________________





A months after...






Celine's POV...





Hanggang ngayon pakiramdam ko nasa alapap parin ako dahil sa kaganapan nitong mga nakaraan.





Tahimik akong nagmumuni-muni dito sa may terrace ng may bigla namang yumakap sakin galing sa likuran ko. Napapikit naman ako ng maamoy ko ang kanyang natural na amoy.





I really loved her scent.





"Hey? Love ang lalim naman niyang iniisip mo may problema ba?" Nag-aalalang bulong ni Diana.





"Okay lang ako Love don't worry. Hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon Love. Sana hindi ito ulit isang panaginip" Tugon ko.





"Ako rin... Akala ko noon may pamilya na tayo pero sa panaginip ko lang pala yun, but now totoo na toh bubuo na tayo ng pamilya na magkasama" Saad niya.






Pakiramdam ko we're destined for each other kasi parehas kami ng napapaginipan then we realized na kami pala yung nasa panaginip ng isat-isa and look us now dahil sa panaginip na yun ay minahal namin ang isat-isa.






"I love you Diana" Seryosong saad ko.





Kahit noong una palang mahal ko na siya. Akala ko nga noon talo na ako dahil malaki ang chance na piliin niya si Ate Chiara kesa sa akin. But to my suprise ako ang pinili niya dahil parehas kami ng nararamdaman.





"I love you more Celine" Tugon niya saka ako hinarap sa kanya. Kitang-kita sa mga mata niya ang saya





.
.
.






"Diana Anak bakit mo naman gustong ipatigil itong kasunduan?" Tanong ni Tita.






We are all shock sa siabi niya na gusto niyang itigil ang kasunduan. But why?






Tahimik naman kaming naghihintay sa sagot ni Diana.





Ano bang napag-usapan nila ni Ate Chiara, bakit ganito?





Hindi ko na kasi in-open-up kay Ate Chiara kung ano man ang napag-usapan nila ni Diana ayaw kong marinig mas masasaktan lang ako.





But I didn't expect na ganito ang manyayari.





"Gusto ko pong ipatigil ang kasunduan na ito dahil gusto ko po sanang magkaroon sila ng kalayaan pakasalan ang taong mahal nila" Sagot nito.





"Nababaliw kana ba!? Ang babaw dahilan mo Diana para ipatigil ang kasunduang ito" Seryosong saad ni Tito pero ramdam namin ang pagkainis nito sa desisyon ni Diana. Agad naman siyang pinapakalma ni Tita.




Mukhang hindi niya kinunsulta ang mga magulang niya sa desisyon niyang ito. Kasi kita ko sa mukha nila ang gulat pinahayag ni Diana.





"I know Dad but nakapagdesisyon na po ako, sorry po kung hindi ko muna sinabi sa inyo toh" Sagot nito talagang desisdido siyang ipatigil ang kasunduan.





Isn't She Lovely (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon