Napagandang pag masdan ang mga gusaling nakikita ko mula rito sa condo unit ko. Nakakagaan sa pakiramdam makita ang paligid, lalo na't pag sumapit na ang gabi.
May hawak kang isang basong champagne at isang musikang nag papagaan sa pakiramdam mo.
"Ahh listening to old music is one of the best medicine for me to defeat my stress"
Sobrang gaan talaga sa pakiramdam ang makinig sa isang lumang musika lalo na't maganda ang ibig sabihin ng kantang pinakikinggan mo.
Sumabay na ako sa musikang kanina ko pa pinatutugtog, ang maybe this time.
"Hmmm...hmmm...hmmm"
Hindi ko namalayang nakapasok na pala rito si tita Ruby sa unit ko. Si tita Ruby ang tumulong saakin para makapangon ulit, sya rin ang nag bigay ng bagong buhay para saakin.
Marami ng hirap at sakit ang pinag daanan ko, sapat na upang maisagawa ang matagal ko ng plano.
"Matagal ka nang narito sa condo unit mo. Wala kabang planong lumabas?" Pag aalalang natong saakin ni tita.
Simula ng mapunta ako dito sa thailand, hindi ko naranasang pumasyal sa mga sikat na lugar dito. Hindi rin ako nakikisabay sa uso, at iba pa.
Kung may gusto man akong bagay, ipag uutos ko nalang iyon kay tita. Hindi pa ako handa sa ano man mangyari sa labas, Hindi pa.
"Matagal na nating pinag usapan yan tita. I don't want to go outside dahil hindi pa ako handa." Humarap ako sa kanya at kita ko ang awa sa mga mata nya. "May talent ka talagang sirain ang mood ko"
Gulat man syang tumingin saakin pero wala na syang magagawa. Hindi ko pwedeng ihinto ang nasimulan ko.
"Hindi ba pwedeng dito kana lang sa thailand? O hindi kaya, pumunta tayo sa ibang bansa para mag bagong buhay!" Matagal ng gusto ni tita ang manirahan sa ibang bansa para mag bagong buhay.
Pero, hindi ko pwedeng iwan ang mga bagay na hindi dapat iwan basta basta.
"Wala ng makakapigil saakin tita. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya sa pag kamatay ni mama"
Hindi ko mapigilang maluha dahil sa mga ala-alang bumalik na matagal kong pilit ng ibinabaon sa limot.
"Pero Sky! Alam mon-"
Hindi ko sya pinatapos at matalim kong tinitigan ang mga mata nya. Wala akong paki-alam kung kapatid sya ng nanay kong namatay na.
"Ezra.. Ezra klein ang pangalan ko! Hindi Sky, tandaan mo yan" Madiin kong tugon sakanya upang malaman nyang si Sky ay matagal ng patay.
Hindi ako pwedeng mag patalo sa kanila. May matapakan man akong inosenteng tao, wala akong paki-alam. Maiganti ko lang ang pag kamatay namin.
"Walang sinuman ang pwedeng maka-alam kung sino ako tita." Tumingin ulit ako sa bintana kung saan makikita ang mga gusaling sa buong city ng chiang mai.
"Dahil ako si Ezra Klein, ang bangungot na sisira sa mahimbing na natutulog ng pamilyang Peterson. At wala ng makakapigil pa saakin, patay man o buhay"
-
Yung story na to ay inspired by the falling leaf. Isa sa mga hit thai drama sa thailand.Please support ezra's story until the end thank you.
PS: vote and comment po tayo para sipagin si author hehe.
YOU ARE READING
EZRA [On Going]
RandomSYNOPSIS Si Ezra Klein ay sumikat bilang isang make up artist sa Thailand. Dahil sa kasikatan nya, Maraming oportunidad ang nag bukas upang mas lalong makilala sya. Hinirang sya na isa sa pinakamagandang babae sa Thailand. Hanggang sa makilala nya s...