Prologue

80 2 0
                                    

Prologue

KAIBIGAN...

Yan yung taong laging nandyan para sayo. Sila yung mga taong saksi hindi lang sa bawat sayang nararamdaman mo. Pati na din pag nangangailangan ka ng karamay sa pagiyak mo.

Sa panahon ngayon, napakahirap ng makahanap ng mga taong pagkakatiwalaan mo. Yung taong handa kang tulungan kahit sobrang imposible, yung taong handang makinig sa mga kwento mo. Yung taong kahit kailan hindi ka tatalikuran para lang sa isang bagay.

Lahat tayo nagnanais na makahanap ng taong ganyan. May mga taong swerte at nahanap na nila. Mayroon naman na patuloy pa sa paghahanap.

Masarap magkaroon ng kaibigan. Yung tipong halos magkakapatid na ang turingan nyo at alam nyo ang kahinaan ng bawat isa. Kaya kung IKAW ay isa sa mga swerteng tao na nakakita na ng mga TUNAY NA KAIBIGAN, ingatan mo sila at mahalin tulad ng pagmamahal mo sa mga sarili mong kadugo.

Totoong kaibigan..

Yung di ikakalat ang sikreto mo.

Yung mapagkakatiwalaan.

Yung hindi ka iiwan sa oras na nagigipit.

Yung tutulungan ka sa mga problema mo.

Yung kukuha ng pagkain mo ng walang pahintulot.

  Yung uutang sayo tapos di na babayaran.

Yung tatawanan ka pag may ginawa kang nakakahiya.

Yung kachikahan mo buong araw.

Yung babatok sayo ng wagas.

Yung mga kalokohang ginawa nila pero proud ka pa rin na kaibigan mo sila. Yung mga kahiya hiyang bagay na pinaggagagawa nila pero sumasama ka pa rin sa kanila. Yung mga time na ikaw yung pinagtitripan nila but you see yourself laughing also. Yung mga kwentuhang halos wala nang bukas. At yung mga damoves nila na sasakit ang tyan mo sa katatawa.

Simpleng mga bagay pero kung iisipin mo, yung mga simpleng bagay na yun ang NAGPAKULAY SA BUHAY MO.

This is...

"MY HIGHSCHOOL LIFE."

Where I found

"MY HIGHSCHOOL FRIENDS."

My Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon