Chapter 2: pwede po bang wag maingay?!

110 2 2
                                    

[A/N: hi guys! Sorry po sa matagal na update. Busy po kasi. Haha. Hi Zhaera Patricia Rivero! Loveyouss.]

**

(Czarinah's POV)

"Are you sure di ka muna magpapahinga?" - tanong sakin ni mommy pagkatapos ng napakaaaaaahabang sermon. Dinaig pa kasi ang pari. -_-

"Yes mom." - sagot ko bago pumasok ng sasakyan.

Haays. Nagcollapse kasi ako kahapon sa school gawa ng sobrang init. Kaya ngayon, ito may service na ako. Hatid sundo na naman ako.

Kaya nga ako pumasok sa ganung school para walang service diba? Tss. -_-

"Kuya wag mo na akong susunduin mamayang uwian ha." - sabi ko kay kuyang driver na busy sa pagdadrive.

"Pero ma'am sa--"

Hindi na natuloy ang sasabihin nya kasi pinutol ko na agad.

"Please. Please." - i said then a tear escape from my eyes.

"Uhm. S-sige po." - nagaalangan pang sagot ni kuya.

Feeling ko kasi pabigat na ako. Nakakainis. Gusto ko naman maging independent pero bakit parang hindi ko kaya?

Pano nalang pag nawala na ang parents ko? Ang hirap kasi dumepende nalang sa kanila at nakakahiya na din minsan. Hay, ang drama ko noh?

Pagdating ko sa school, ang ingay, ang gulo. Bawat room na madaanan ko, may nagsisigawan kahit magkalapit lang sila. Bakit kailangan pa magsigawan? Di siguro nila kailangan ng privacy. Hihi. Yung iba nagkakantahan kahit ang papangit naman ng boses (wow nagsalita) ang maganda ang boses.

Pero sana pagdating ko sa room tahimik lang ang mga kaklase ko. Baka kasi di ako makapagaral ng mabuti. Haha you know grade concious ako. Yun nalang masusukli ko sa magulang ko sa pagaalaga sakin noh. Pero pagdating sa bahay, lagi akong nagwawala, i mean kumakanta.

And finally, pagdating ko sa room. Di pa gaanong kaingay pero may kaunting ingay. Huh? Ano daw? Haha.

"Hi Czarinah!!!!!" - bati sakin ni Ayumi.

Nginitian ko lang sya pati na din yung kasama nyang cute. Haha.

"Hi!" - sabi nung cute. ^_^

"Hello!" - sagot ko.

"Hi ulit! My name is Jessica Pangilinan nga pala!" - sabi nung cute na may accent pangbata. CUTIE. ^_^

"Hehe. Czarinah Dotchzner." - sabi ko sabay lagay ng gamit ko sa upuan.

"Wooooo!" - sabi nung poging kararating lang.

Pogi sana may tama nga lang. Panay sigaw kasi. Parang unggoy na nakawala sa kulungan.

Umupo yung pogi dun sa tabi nung isang babae at dalawang lalaki.

"Uy Czarinah!!" - Ayu.

"Uy!? Hehe." - sabi ko.

"Kanina pa kaya kita kinakausap di ka naman nakikinig." - sabi nya ng nakapout.

"Ay. Haha suri naman."

   Dumating na din yung teacher kaya nagsitayuan lahat. Parang ang weird? Samin kasi pag may teacher na magsisiupuan na lahat.  -_-

Tulad ng ibang school, syempre buong week ang orientation. The most boring part of school. Paulit ulit lang naman kasi mga sinasabi ng teacher eh alam na naman naming lahat yan. Di nalang magklase at kung ano ano pa sinasabi at pinapagawa, halos lahat yata ng subject, pagpapakilala lang at pagdidiscuss sa mga rules and regulations ang ginawa. 

 So ngayon, wala kaming teacher kasi vacant? Malamang wala ngang teacher diba. May nagpunta sa room namin at may inaanounce na kung ano hindi ko sya maintindihan kasi ang ingay. At naiirita na ako sa sobrang ingay. -.- At dahil na din siguro interesado ako sa inaanounce nung babae at dala na din ng init at ingay, napasigaw nalang ako sa likod ko kung san nakaupo yung mga pogi na mukhang baliw sa ingay.

 "PWEDE PO BANG WAG KAYONG MAINGAY?!!!"

My Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon