RNDOM STORY #2 ( COMEDY)

12 4 0
                                    

12:00 AM // Shortstory

 By:Fanciullachespera

"Ayieeee! Naman ang sweet. Tengne kekeleg" tili ko sa binabasang story sa wattpad.

Kakatapos ko lang magbasa ng isang nakakilig na story, sa kakaisang chapter ko ay natapos ko lang to ng isang araw.

Di ko napansin kung anong oras na habang nagbabasa ako, nakita ko sa cellphone ko na 12:00 na pala ng hatinggabi.

Kinabahan ako bigla dahil ito ang isa sa mga oras na talagang kinakatakutan ko.

"Nubayan alas dose na pala di ko man lang namalayan... sabi panaman ni ate ay oras daw ito kung san madalas magparamdam ang mga multo"sabi ko sa sarili.

Nang dahil sa sinabi ay nahirapan akong matulog sa kadahilanang naiimagine ko ang multo kada pikit ko.

Nubanaman yan! Tinakot ko pa kasi ang sarili ko ayan di ka tulog ngayon!

Nagpasiyahan kong ibaling nalang ang atensiyon sa pags-scroll muna sa facebook. Sa kakascroll ko ay hindi parin ako tinatamaan ng antok , nang dahil dito'y nagpost ako sa facebook na naghahanap ako ng kachat dahil di pa ako makatulog.

May isa namang nagcomment ng
"sige, unahan ko".

Di ko naman kilala kung sino dahil wala naman itong profile na nakalagay, di rin kami friends as in friends kaya nakakapagtaka lang.

Balak ko na sanang i-stalk, bigla nalang nagpop-up ang pangalan nito sa messenger at sabi;

From Braceszxxx, At talagang may nickname pa siyang nakaset, nakakapagtaka talaga...

"Hi, goodmornight sayo. Musta?"yan ang laman ng mensahe na natanggap ko sakaniya.

Aba! Nangamusta pa, kilala ba ako nito?

"Hello , goodmornight rin. Okay lang naman buhay pa thankfully, ikaw?"

Natagalan pa ng ilang minuto nang muli ay nakatanggap ako ng reply sa kaniya.

"Hindi" reply niya.

Hindi ko alam kung ano ang irereak sa reply niya. Kahit napakasimple lang ng sinabi niya ay nakaramdam ako ng takot sa sistema ko na hindi ko mapaliwanag.

Anong hindi? Hindi okay or h-hindi..buhay?

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip kung ano ang irereply ko dito nang biglang sunod sunod naman itong nagsend ng mga larawan.

Hindi ko alam kung ano ang mga ito dahil naglo-loading pa ito. Nakaramdam din ako ng kakaibang lamig sa aking paligid.

Nang nakaramdam ng kakaiba sa ihip ng hangin at nang makita rin ang mga larawan ay sobra akong natakot at tinago ang aking sarili sa loob ng kumot.

Ano bang trip nito? Ba't send ng send to ng nakakatakot na larawan?


Hindi ito natatapos sa pagsesend ng litrato at naglalag na ang selpon ko dahil dito. Di ko magawang iexit ang convo naming o ierase man lang ang mga pictures.

Dahil sa takot ay napasigaw ang nang napakalakas ng may tumampal sa akin ng unan.

Ito naba to? Ang multo na sinasabi ni ate? Ito naba ang katapusan ko?

"HAHAHAHA ang epic mo oy! Baliw ka rin ih, takot kana niyan? HAHAHA chaka mo talaga siszt!"

Ba't ko ba nakalimutan na kasama ko pala ng bruha kong kapatid sa kwarto. Nasa taas lang pala ito ng kama—double-deck.

Tangina tong babae nato! Sumigaw na nga ako sa takot pinagtatawanan pa ako.

"Bobita ka talaga! Ako yung kachat mo oi! HAHAHAHA. Kung nakita mo talaga yung sarili mo kung panu kakatakot ay matatawa ka talaga" panay tawang angil nito.

Ay ganun sige gusto mo magkatakotan tayo ditt gamit multo ha...ito pambato ko.

Ting!* tunog ng selpon ng bruha kong ate.

"Ano to lye? HAHAHA wala kang mapantakot sa akin, di ako kagaya mo duwag—JAMES! Ba't may picture ka niya? At bakit picture niya?" pigil tawa naman akong nakikinig sa kaniya.

HAHAHA! Kala mo ikaw lang may kilalang ghost ha!

"Siya lang naman yung dakilang multo ng buhay mo. Meet James the ghost, siya yung taong pinangakuan kang babalikan ka daw tas wala na. Yun nay yun, imbes na balikan ay binali niya ang pangako sayo at di tinupad. Iniwan kang naguguluhan at broken HAHAHA. Inshort, minulto ka! Ghinost! Awuuuuuu HAHAHAHA"

Matapos sabihin yun ay dali-dali itong bumaba at nilapitan ako't sinabunotan ang aking buhok. Hindi naman ako nagpahuli at sinabunotan din ito hanggang sa biglang bumukas ang pintuan namin.

Ba't bayan nabukas? Hindi ba namin nalock ang pinto?

Nang dahil sa gulat ay lumundag ang bruha sa aking higaan at pilit nagsusumiksik.

"Ano ba?! Kala ko di ka takot?" panunudyo ko rito.

"D-di nga! Nagulat lang ako, bakit? Bawal ba?"

"Edi kung hinde ay umalis kana dito! Inis ako sayo, pwe!"sigaw ko rito.

"Tse! Kala mo naman gustio ko rin matabi sayo!" pairap nitong sabi at akmang tatayo nang may kamay na pumasok galing sa labas at bumukas ang ilaw sa kwarto namin.

Nagyakapan kaming dalawa at sabay na sumigaw.

"AAAHHHHH! MEGHED!"

"AHHHHH! LORD HELLP US!"

"Hoy! Ang iingay niyong dalawa! Kala niyo ba kinaganda niyo ang pagiingay. Tulog na ang ibang tao dito sa bahay kaya sana nanahimik nalang kayo. Takot na takot pa kayo ha... Ang tagal-tagal niyong matulog mukha namang wala kayong kachat, hala! Magsitulog na kayo atleast ay makakapanaginip pa kayo sa crush niyo!"

Awts sakit ha...Kailangang ipamukha na wala akong kachat talaga? Ha?l

Nagulat man ay kumalma naman na at pinokus ang atensiyon sa taong nagbubunganga sa harap namin and yes, mama ko nga yun hay...

Marami pa itong sinabi na kung ano-ano at pinatulog na kami nito. Lumabas na ito ng kwarto at nilock ko naman agad ito.

"Jusko naman si mama! Muntik na akong atakihin, shet lang!" reklamo ng ate at natulog na.

Ako naman ay nagsimula naring umidlip. Ang huling nakita ko ay isang pigura ng isang lalaki sa may sulok ng aming kwarto at nakatingin sa akin. Pagkatapos ay nakatulog na ako.

Narinig ko na may yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Naramdaman ko nalang na kinumotan na ako at sinabihang;



"Goodmornight and sweet dreams"





'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''"'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

@WATTPAD: DeLish// @DearmeMayliwanag

@FB: Fanciulla Che Spera

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RNDOM STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon