Five

370 10 2
                                    

 Five:

Bukas na. Bukas na ang kasal nila.

Ano ang nangyari sa amin ni Nathan? Wala, hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan kaya hanggat maari ay iniiwasan ko sya. Alam kong may mga pagkakataon na gusto nya akong kausapin pero gumagawa ako ng paraan para hindi kami makapg-usap at makapag-lapit. Hindi ko kayang kausapin sya.

Si Hannah may napapansin din akong kakaiba sa kanya, simula ng gabing umiyaka ako sa balikat nya para bang lagi na syang hindi mapakali. Siguro yan na yung sinasabi nilang wedding jitters, I don’t know pero ang alam ko lang hindi sya mapakali nitong mga huling araw.

Nandito ako ngayon sa apartment ko. hindi na ako tumutuloy sa condo ni Hannah dahil sinusubukan ko na ang buhay na malayo sa kanya lalo na at ang magiging asawa nya ay si Nathan.

Hanggang ngayon hindi pa rin kayang tumatak sa isip ko na ikakasal na sila pero alam ko na kailangan kong tanggapin. Kailngan ko ng palayain ang sarili ko sa kanya. Sa oras na to ako na ang magdededisyon. Hindi ko na hahayaan na magpadala nalang ako kay tadhana, magpadala nalang ako sa mga mangyayari. I am the master of my own destiny kaya kapag ginusto kong maging masaya magagawa ko.

*tok.tok

Nasira ang pag-iisp ko ng biglang may kumatok sa pinto ko.

Sino naman kaya ang dadalaw sa akin sa oras na ito. Si Hannah alam kong hindi yun pupunta dahil bukas na ang kasal nya. Saka gabi na. bakit naman sya pupunta dito alam kong nagpapahinga na sya sa mga oras na to.

Pagbukas ko ng pinto.

“Nathan……………”

Nabigla ako ng bigla nalang nya akong halikan. Yung halik nya na parang doon na nakdepende ang buhay nya. Pero bago pa ako madala sa mga halik nya itinulak ko na agad sya.

“Anu ba? Anung ginagawa mo dito? Gusto mo bang malaman ni Hannah na nandito ka? Umalis ka na.”

Nag-aapoy ang mata ko sag alit sa kanya.

“Kate andali mag-usap muna tayo.”

“Wala tayong dapat pag-usapan.”

Pinilit kong isara yung pinto pero mas malakas sya kaya wala akong nagawa ng makapasok sya. Naupo ako sa sofa at sumunod sya sa akin.

“Anu bang kailangan mo? Bakit ka pa pumunta dito? Ikakasal ka na bukas kaya pwede ba kung anu man ang iniisip mo wag mo ng ituloy.” Dire-diretso kong sabi sa kanya.

“I love yo kate.”

Parang nabingi ako sa sinabi nya. Napatayo ako bigla at alam ko sobrang galit na ng itsura ko.

“Umalis ka na dito Nathan. Please umalis ka na.”

“I’m sorry kate kung bakit ngayon ko lang to sinabi sayo. But I really love you.”

Pinipilit nyang lumapit sa akin pero itinutulak ko sya palayo.

“Please Nathan, tama na. ayoko ng masaktan at ayoko ding saktang si Hannah. Ikakasal na kayo bukas! Please, pinipilit ko ng kalimutan ang lahat.”

Alam ko umiiyak na ako. Kahit anung pigil ko na hindi umiyak hindi ko magawa. Ayaw kong makita nya akong umiiyak.

“Kate making ka, hindi na kami ikakasal ni Hannah. Hindi na tuloy ang kasal. Hannah set the wedding off.”

“Anu bang sinasabi mo Nathan? Hindi yan gagawin ni Hannah, mahal na mahal ka nya.kung sinasabi mo lang to para maniwala ako sayo please tigilan mo na to Nathan.” Patuloy pa din ako sa pglayo sa kanya pero pilit pa din nya akong hinahawakan at pinapaharap sa kanya.

The vacationWhere stories live. Discover now