Chapter 3

16 1 0
                                    

Striken

"How's the first day?" tanong ni Tita Sarah sa amin habang nag didinner kami.

"Okay naman po, medyo nakakahilo po pala ang Accountant" natatawa kong sabi.

Nahilo talaga ako sa mga diniscuss kaninang umaga, buti na lang walang masyadong pinapagawa samin ng naghapon na.

Natapos ang dinner namin na panay tanong ni Tita Sarah sa nangyari sa first day ng school namin.

Pagkatapos kong maligo ay pagod na pagod akong humiga sa kama ko. Tanging ilaw mula sa lampshade lang ang nagpapaliwanag ng buong kwarto, wala akong ibang maisip kundi ang pagmura ni Manu sakin kanina. Kung paano nag alab yung mga mata nya sa galit.  Gwapo sana kaso ang sama ng ugali. Napailing nalang ako sa naisip hanggang sa tuluyan ng makatulog.

"Aevourie" napapikit ako ng marinig ko na naman ang boses ni Blake na tumatawag sakin mula sa likuran.

Nauna na si Janella sa building nila dahil maaga daw dadating ang Professor nila.

"Hey good morning" nakangiting bati nito sakin habang nakahawak sa braso ko. Napatingin ako sa likuran nya at doon ko nakita si Manu kasama yung dalawang lalaki. Binalik ko ang tingin ko kay Blake na ngayon ay malaki na ang ngisi.

Hilaw akong ngumiti kay Blake, narinig kong tumawa yung dalawang lalaki sa tabi ni Manu.

"Hindi ka type Blake" natatawang sabi nung isa. "By the way, I'm Tanaka Jade"  nakalahad na sya ng kamay ng nagpakilala sakin, eto yung lalaking seryoso lang nakatingin sa amin kahapon. Tinanggap ko ang kamay nya. "Aevourie" pagpapakilala ko.

"At sa tingin mo ikaw ang type nya?" biglang tanong ni Blake at hinila ang kamay ko palayo kay Jade, napailing nalang si Jade sa inasta ni Blake. Napairap nalang din ako.

"I'm Harvey" nakangiting pakilala nung isa. He's very joyful, kapag dumadapo ang paningin ko sa kanya ay lagi lang syang nakangiti. Tumango lang ako at binigyan sya ng matamis na ngiti. Unfair naman kung hindi ko sya ngingitian and besides muka syang mabait.

Bumaling ako kay Manu na ngayon ay tulala lang sa harapan ko, tumaas ang kilay ko ng maabutan ang reaksyon nya, ng mapansin nya ako ay tumaas din ang kilay nito. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang pag mura nya sakin kahapon, nakakainis nag sorry na nga ako tapos ganon pa yung sasabihin nya.

Tinalikuran kona sila don at umakyat na sa building, narinig kopang isang beses na sumigaw si Blake.

Mabilis akong umupo sa upuan ko, ilang sandali pa ng maaninag ko si Blake na papunta sa tabi ko. Naamoy ko na agad ang pabango nya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi nya sakin. Laking pasalamat ko ng biglang dumating si Prof Montenegro, alam ko kasing tahimik si Blake kapag etong Professor ang kaharap namin. Tulad kahapon ay ganon parin ang awra nya.

"Good morning" bati nito samin.

Sabay sabay kaming bumati pabalik sa kanya.

Tumalikod sya sa amin at nagsimulang magsulat sa white board, ang kaliwang kamay nya ay nasa likod nya at ang isa naman ay pinangsusulat nya.

A= L+ OE

"Alam kong familiar na kayo sa Basic Accounting Equation na nasa board, now, i want a recap, can someone explain what are the letters stand for? tanong ni Prof.  "Anyone" medyo iritado na sya,  naramdaman ko na ang galit sa tono ng pananalita ni nya. "Common, recap pa lang yan--" hindi na natuloy ni Prof ang sasabihin nya dahil nag taas nako ng kamay, naramdaman ko ang mga titig ng kaklase ko sa akin, maging si Blake ay naramdaman kong napatingin sakin. Nahihiya akong tumayo.

UNTIL YOU REMEMBER ME (Castillio Series #1)Where stories live. Discover now