Chapter Eight

554 12 0
                                    

HINDI din naman natiis ni Iane ang temptasyon dahil dalawang araw pagkatapos ng huling pagbisita niya sa kanyang facebook account ay muli niyang binuksan iyon. Pinuntahan niya ang page ng HIU Confession at pinindot ang message button. Hindi naman siya sigurado kung mapo-post nga ba ang confession niya kaya wala namang masama kung subukan niya. At least, may isang taong makakabasa niyon na pakiramdam niya ay makakaintindi sa pinagdadaanan niyang problema.

Nagsimula siyang tumipa sa kanyang cellphone.

TITLE: The girl who wants to mend her broken heart but doesn't want to move on because she knows that she still loves him (Pasensya ka na admin, mahaba ang title. Parang hashtag lang iyan)

FROM: Mrs. Dragon Ball

To whom it may concern,

Kung sino man ang may hawak ng page na ito, nasa sa iyo na kung ipo-post mo 'to o hindi. Gusto ko lang talagang may mapagsabihan ng nararamdaman ko at feeling ko naman mapagkakatiwalaan ka kahit na hindi kita kilala. Hindi ako ang tipo ng taong mahilig sa mga ganitong bagay pero sa estado ko ngayon, wala naman sigurong masama kung papatol ako sa confession page mo, 'di ba? So here it goes.

I have an ex-boyfriend. Wala na kami, nakipag-break kasi ako sa kanya. Ayoko sanang gawin dahil mahal ko siya pero wala akong magawa. Nasasaktan na ako at ayokong dumating kami sa point na we will hate each other. Masyado ko siyang mahal para magalit ako sa kanya ng lubos.

Mabilis uminit ang ulo niya sa'kin, wala siyang time sa'kin, ngumingiti siya sa iba pero hindi sa'kin. Naisip ko, may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Malaki ang tiwala ko sa pagmamahal na mayroon kami para sa isa't-isa pero hanggang kailangan ko panghahawakan ang tiwalang iyon kung unti-unting nagsusumiksik sa puso ko ang paga-alinlangan?

Paano nga ba malalaman kung mahal ka pa ng taong mahal mo? Paano nga ba paninindigan ang tiwala sa nararamdaman mo? Siguro nga may mga pagkakamali din ako, hindi ko pa lang nare-realize iyon ngayon. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako. I feel so lost. Parang wala akong gana sa lahat ng bagay na hindi ko naman nararamdaman noon.

Sana lang, maging maayos din ako. Kami. Maliit ang mundo para sa aming dalawa, ayokong isakripisyo ang mga kaibigan namin para lang malayuan ko siya at makapag-move on ako. Sa ngayon kasi, ayoko pa mag-move on. Parang hindi ko pa kaya pero sana soon. Mahirap din kasi pala ang ganito. Mahirap pala ang masaktan. Mahirap pala ang nagmamahal nang walang kasiguruhan.

So, excuse me for my nonsense confession. Kung confession nga 'tong ginawa ko. At siguro naman, sa dami nating brokenhearted sa school ay hindi n'yo agad-agad makikilala kung sino ang nagpadala nito.

PS: Kung ipo-post mo man 'to, admin. Puwedeng paki-edit? Feeling ko, ang nonsense talaga. J

Pikit-matang ipinadala ni Iane ang message na iyon sa admin ng page pagkatapos ay mabilis niyang itinago sa bag ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nakapagpalit na siya ng sweatpants at lose shirt kaya hindi na siya magmamadali pagdating niya sa greenhouse.

Pagkatapos niyang magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ay lumabas na siya ng comfort room at deretso nang naglakad papunta sa greenhouse.


SA MGA sumunod na araw ay lalong nahahapo ang pakiramdam ni Iane. Dapat ay nare-relax at nagu-umpisa na siyang mag-move on, hindi ba?

"Tyler naman. Ako nang ako na lang ba ang guguluhin mo araw-araw?" nabu-buwisit na tanong niya sa kaibigan. Unfortunately, siya na naman ang hinahanap nito nang pumunta siya sa greenhouse nang araw na iyon at hinila na lang siya nito basta sa kung saan nito gustong pumunta.

Love Revolution 3: Iane, The Devoted Fairy [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon