Simula

4 0 0
                                    

Simula

"Maaaaaaa! malalate na po ako. Yung baon ko po" sigaw ko kay Mommy na busy sa kanyang inventory.

"Tali, busy ako anak please, kay Daddy ka huminggi muna sige na anak," sagot naman ni Mommy sa akin.

Dali Dali akong pumuntang grahe dahil andun si Daddy. Naabutan ko si Daddy na nag aayos ng kotse niya.

"Dad baon ko po? sabi ni Mommy na sayo daw po ako hihinggi," simangot kung sabi sa Daddy ko. Dahil malalate na nga kasi ako.

Kinuha naman ni Daddy yung wallet niya. Nagulat ako nung nakita ko yung ATM card niya ang binigay sabay sabi...

"Nak, magwithdraw ka nalang oh! di pa ako nakakawithdraw ee," sabay halik sa pisngi ko.

Pag minamalas ka nga naman. Actually swerte na kasi diba duh Atm card ang binigay ni Daddy sakin. Pero malas para sakin kasi anu naman ang ibabayad ko sa Jeep driver diba.

"Thanks Dad, iloveyou, can you pick me up later if tapos na klase ko? Please Dad."

"Sure anak, text me what time should I pick you up later okay. Take care, Iloveyou . Sige na at malalate kana"

Umalis na akong bahay, ganun parin late padin ako sa first subject. Ganito ako parati pag first day. Medyo naninibago padin ako kahit 2nd year college na ako this year. As usual Civil Engineering yung course ko.

Nasa bloodline na ata namin ang pagiging Enhinyero at Enhinyera. Charrr yabang mo Snow. Si Lola Architect si Lolo Industrial Engineer. Si Daddy Mechanical Engineer. Si Mommy naman Bussiness woman pero graduate siya ng Industrial Engineering. Si kuya Toffy Dusk naman Civil Engineer na din Diba bakit di nalang kaya kami magpatayo ng sarili naming Kolehiyo tapos puro field ng Engineering ang Courses diba?


Nakarating na akong University at pagpasok na pagpasok ko naka abang agad ang mga guard ng school na kung umasta akala mo naman sila ang my ari ng school. Buti nalang dala ko I.d. ko diba. Just in case lagot na pag naiwan ayoko na bumalik sa Calamba masyadong malayo. Habang naglalakad ako sa hallway ng University medyo sinasariwa ko pa ang lugar.

Ang dami na namang di pamilyar na mukha ang daming tumatambay sa hallway diba nila alam na bawal magtumpukan. Pero siguro mga freshmen sila kaya di pa siguro sila orient.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Pagkakuha ko sa Bulsa ko. Tumatawag na si Lance.

"Huy! Tali late ka na naman!" sigaw niya sa kabilang linya.

"Hoy umayos ka my 5 minutes pa ako. Dito na ako sa hallway. Anung room ba tayo?"

Humalakhak siya sa kabilang linya "nababaliw ka na naman siguro. Di mo ba chenick yung room schedule natin ngayon. Planning and Design tayo-"

Naputol siya sa pagsasalita ng my narinig akong pamilyar na boses. Napamura ako ng naalala ko si Sir Adrian nga pala ang teacher namin sa Planning and Design. Bigla kung binabaan si Lance. Sabay takbo sa 1st building ng Engineering.

Hingal na hingal ako ng mapadpad ako sa dulong bahagi ng Engineering. Chineck ko kung mahagilap ko ang pagmumukha ng mga kupal kung kaklase. And then finally I saw Liam face. Parang natatae na di mapaliwanag dahil kinakabahan din siya. Time is Gold kasi ang motto ni Sir Adrian kaya ganun nalang kung matakot sa kanya ang mga studyante. Dinoble check ko pa kung tamang room ba talaga 'tong napasukan ko.

"ET08?" sambit ko sa hangin....

"Good Morning! sir, sorry nalate po ako," my ngiting aso sa mukha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Autumn Heartbreak (ON GOING)Where stories live. Discover now