LiT 1

35 1 0
                                    

A/N: hi guys sana magustuhan nyo ang chapter 1 of LiT. Comment down below kung anong opinion about sa first chapter ng love in text, sana patuloy nyong basahin ang story kong ito and bear with my mistake in this chapter. Thank you!=))

Cute crew guy. ♥♥

-----

Hoy seb! Malapit na magbakasyon may naisip ka bang magandang pwede nating pagbakasyunan? Lintek na babaitang to! Akala mo ang layo-layo ng kausap kung makasigaw samantalang nasa katabing upuan lang naman nya ako tsk. Aba! Oo nga't 2 weeks na lang ay bakasyon na namin yey! Aapaw nanaman ang katamaran ng mga estudyante sa katawan at isa na ako dun hahaha! Pero san nga ba magandang magbakasyon? Wala kong maisip na magandang pagbakasyunan namin eh.

Wala kong maisip seb. Private pool kaya tayo this time para chill lang tlga tayo hustle kase kapag sa beach resort eh. Ano sa tingin mo? Sabe ko na dahilan ng pagsimangot ng mukha nya. Obviously ayaw nya sa sinabe ko.

Ayoko ng trip mo seb! Di tayo makakapagboys-hunting kapag nag private pool tayo alam mo ba yun? KJ mo talaga kahit kelan. Tss! Sabe na nga ba yun ang dahilan eh. Kaya ayoko sa beach resort eh puro pagboboys-hunting lang ang ginagawa namin kaya di ko rin masyado naeenjoy ang pagbabakasyon sa ganung lugar. Hirap naman kase mahanap yung "the right one" kaya ayan pati tuloy ako umaasa na lang sa bestfriend kong mahilig magboys-hunting haist! Malanding nilalang.

Pwede pahinga muna tayo sa pagboboys-hunting seb? Nakakapagod kaya. Lakas pa magpa-asa tsk! Private pool tayo ngayon sama natin buong section 10 para di boring k? Sabe ko sa kanya sabay suot ng bag pack ko at labas ng classroom namin. Bahala sya dun sa buhay niya! Ayoko sa beach kaya private pool kame sa bakasyon.

End of flashback!

1 week na ang lumipas simula nung huli naming pag-uusap ni Margarette Anne Tuazon aka Mat for short. Next week na ang 3 days-2 nights na outing namin kasama ang buong section 10. Napagdesisyunan kase namin na 3rd week ng april gaganapin ang outing namin kaya ang destinasyon namin next week ay sa Pandi, Bulacan. Nakalimutan ko yung pangalan nung private pool na nirentahan namin pero hayaan na natin yun, malalaman nyo rin naman kung anong itsura ng lugar na yun kapag pumunta na kame doon. So paano hanggang dito na lang muna okay? Bukas na lang ulit. Joke! Hahahaha. Wala boring kase kaya ayan nagtitrip na lang ako pangtanggal bored, sa sobrang bored ko eh dinampot ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ko at agad na dinial ang numero ng bestfriend kong malandi.

Ring ....

Ring ...

Ring ...

PaViP ang gaga! Kelangan makatatlong rig muna bago sagutin ang tawag ko tss. Tulog pa sigurado to ng tumawag ako at nagising lang dahil sa ingay ng cellphone nya. Buti nga sa kanya! Hahahaha.

Alam mo bang istorbo ka sa tulog ko ha?! Aga-aga pa tumatawag ka na sakin tsk. Ano bang kelangan mo sakin ng ganito kaaga ashton? Hindi siguro tinignan ni mat ang caller id sa screen kaya akala nya lalake ako at teka! Sino si ashton? I smell something fishy here. Hindi pa rin ako nagsasalita dahil gusto ko pang marinig ang susunod na sasabihin ni mat.

Ano ba ashton?! Papatayin ko to kapag di ka pa nagsalita! Pinuyat mo na nga ko kagabe tapos ngayon naman tatawag ka ng napakaaga eh hindi ka rin naman pala magsasalita! Sabe nya sa kabilang linya na nagbigay dahilan sa akin para tumawa ng malakas.

Hahahahahahahaha! Oh my ghad seb. Hahahahahahaha! Tawa ko ng malakas habang nakatapat ang phone ko sa tenga na naging dahilan ng pagkagulat ni mat sa kabilang linya sabay sabing.

Oh-em-geeeeeee! Waaaaaah. I hate you seb! Kung anu-ano sinabe ko sayo sa phone dahil akala ko si ashton ka tapos ikaw lang pala! I hate youuuuuuuuuuu na talaga! Yan napapala ng babaeng mahilig makipagtext sa kung sinu-sino. Hahahaha! Buti na lang talaga ako walang hilig makipagtext sa mga taong sa text ko lang nakikilala. Masisisi nyo ba ko? Nag-iingat lang ako. Oo nagtetext ako pero kapag importante at emergency lang. Sabihin na nating for important and emergency thing lang ang purpose ng cellphone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love in Text  (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon