Pagkatapos namin kumain sa canteen ni Rayah dumaan lang kami saglit sa comfort room at bumalik na rin sa klase.
"Mr. Clyde Dela Vega" tawag ni Mam Murillo
"What?" Pabalang na sagot netong katabi ko.
"Pssh. Bastos" bulong ko na mukhang narinig niya.
"Mind your own business" masungit na sagot niya at tumayo na.
"Come here in front and solve this equation"
"The answer is 5" mayabang na sagot ni demonyito at umupo na.
"You know what Mr. Dela Vega, you are getting out of hand. You have no respect to your teachers" pagalit na sabi ni ma'am which is true. Pero mukhang walang pakelam tong katabi ko at dumukmo pa sa desk niya.
"Okay, Ms Santos write the solution here in front" Wala ng nagawa si Ma'am kundi hayaan tong katabi ko at tumawag na lang ng ibang magsasagot.
Agad naman sumunod yung tinawag ni ma'am. Maya maya biglang bumaling sakin si Rayah at bumulong.
"Palibhasa anak ng may ari netong school kaya ganyan attitude"
"Kahit na. Sana man lang marunong rumespeto"
"Kaya walang kumakalaban jan" bulong niya pabalik at umayos na ng upo ulit.
"Pssh. Spoiled brat"
"Hey! I heard that" galit na bulong ni demonyito
"And I don't care" masungit na bulong ko rin
"Humanda ka sakin" bulong niya
Kinabahan naman ako kaya di ko na ulit siya kinausap at nakinig na lang kay ma'am. Maya maya pa'y
"Class Dismissed!"
Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko ganon din si Rayah.
"Susunduin kaba?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Oo. Sinabi kasi ni mommy na may pupuntahan kami pagkatapos ng klase"
"Osige. Anjan na rin sundo ko, kitakits bukas bes!" Sabi niya at tumakbo na sa kanyang service.
Kinuha ko naman ang aking phone para tingnan kung nagtext na si mom.
"Anak, Kuya Vergel will pick you up, he will be there any minute" nabasa ko sa text niya at agad naman akong nagreply.
"Okay 'my"
Maya maya nga'y natanaw ko na ang sasakyan namin at agad naman itong huminto sa tapat ko.
"San tayo pupunta kuya?" Tanong ko kay kuya Vergel habang nasa sasakyan.
"Sa hotel niyo ma'am andon na sila mommy mo, ikaw na lang po hinihintay"
"Okay kuya" sagot ko sabay sandal at pikit ng aking mata.
Di kalaunan ay naramdaman kong huminto na kami.
"Sa resto daw kayo dumiretso ma'am" sabi ni kuya vergel bago ako bumaba.
Maya maya pa'y naglalakad nako papasok sa aming hotel. Agad akong sinalubong ng secretary ni daddy.
"Ma'am Anika, bihis daw po muna kayo, eto daw po suot niyo" sabi niya sabay abot sakin ng paperbag.
Kahit nagtataka sinunod ko ang utos niya, naglagay din ako ng konting powder sa aking mukha at liptint inayos na rin ang buhok.
Maya maya pa'y naglalakad na ako papasok ng restaurant at agad na nakita si mom and dad na may kausap na lalaki.
"Hey baby" Bati ni mommy sabay halik sa aking pisngi. Humalik din ako kay Daddy at umupo na.
"This is my daughter Arthur, and also my youngest" pagpapakilala sakin ni daddy sa pamilyar na lalaki.
"Hello po" magalang na bati ko naman.
"Hello hija, you look beautiful" magiliw na sagot nito.
Nahiya naman ako at ngumiti na lang.
"Mom, why are we here?" Bulong ko
"We have some announcement to make" bulong niya
"By the way, where's your son Art? Tanong ni mommy
"He will be here any minute, Oh! There he is!" sabay turo niya sa entrance
Agad naman na nanlaki ang mata ko ng malaman kung sino ang tinutukoy niya na ngayon ay naglalakad na papalapit sa aming table.
"This is my son Clyde" pagpapakilala niya. Agad naman tumingin sakin si Clyde at ngumisi.
"Hello po, nice to meet you" magalang na pagbati ni demonyito, inirapan ko na lang ng umupo siya sa silyang katapat ko.
"So before we start with our main purpose in this evening let's have dinner first" wika ni daddy
Agad naman tumalima ang mga waiter at naglapag na ng pagkain sa harap namin.
Paminsan- minsan ay nakikita kong sumusulyap sakin si demonyito. At wala akong ginawa kundi irapan siya dahil kanina pa siya nakangisi.
"Ehem. Let's start with the announcement" sabi ni daddy
"I'm so happy that this will finally happen" sagot ng daddy ni Clyde
Nagtataka man ako ay tuluyan pa rin akong nakikinig.
"So this is about merging of our companies and also the most awaited part which is their engagement" sambit ni mommy at halos maibuga ko ang aking iniinom sa gulat.
Sinulyapan ko naman ang katapat ko at nakita kong nawala ang ngisi niya.
"Engagement of who?" Tanong niya
"You and Anika" sagot ni mommy at agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat
"What? Mom, dad you said that this will never happen" apila ko
"Anak, this for the sake of our company" si daddy
"No! You promised!" Ako na napatayo na.
"Anika!" Galit na si daddy
Agad na nagilid ang aking luha.
"Mom, you promised. Sabi niyo hahayaan niyo nako"
"Anak hindi ganon, please listen first" mahinahon na sabi ni mommy at pinaupo ako ulit.
"Dad, I don't like this" narinig kong sabi ni Clyde
"You behave Clyde!" Halos pasigaw na sabi ng daddy niya
"Anika and Clyde, hindi naman namin kayo mamadaliin magpakasal tulad niyan both of you are still studying so after you graduate. This is just a formality of your engagement" paliwanag ni daddy
"Mom please" halos magmakaawa nako kay mommy
"We already know each other. We met in the school already" Clyde said
"Oh, then thats great."