CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Xavier , isa sa mga nerd type of guys sa Campus nila. Matalino siya academically, laman din siya ng mga school-based competitions sa school nila. He is currently a grade 10 student.

He is not really a good looking man, but he is so attractive, yon ang sabi ng karamihan.

Dahil nga sa matalino sya, karamihan sa mga girls sa campus nila ay nagkakagusto sa kanya...
The problem is, di sya mahilig makipag flirt sa mga babae, parang he wants to take more focus on study than to flirt girls.

As a matter of fact, part sya ng Student Government sa campus nila, na'elect siya bilang Vice President ng club nila.
Siya rin ay miyembro ng Journalism Organization nila, isa syang magaling na writer sa buong campus nila.

Siya rin ang palaging nangunguna sa klase nila. Dahil nga sa kasipagan at katalinuhan ni Xavier, kinagigiliwan siya ng mga guro niya.

*School

Ms. Versoza : Xavier, nabalitaan mo bang nag hahanap ng Writer ang campus natin dahil sa paparating na Essay Writing Contest sa isang Linggo. The entire campus knows that you're one of the best writers here, why you don't try to join, malay mo ikaw ang piliin.
Naku Xavier, I'm pretty sure, ikaw ang mapipili to represent our school sa contest na'yan.

Xavier: (natawa) Naku Ms. Versoza.
Pasensya na po, pero May mga mas deserving pang writers out there para sa slot na yan. Ayoko na pong sumali, mag fo'focus nalang po ako sa paparating naming exams.

Ms. Versoza: Malaki ang tiwala ko sa'yo Xavier, you're a very great writer...
Kung sakaling magbago ang isip mo, puntahan mo lang ako sa opisina ko at sasamahan kita para sa registration, okay?

(dumating ang isang kaibigan ni Xavier, na si Zac)

Zac: Hay naku , Ma'am Versoza. Hindi niyo mapipilit yang si Xavier. Kung anong desisyon niyan, di na kayang baliin yan.

Xavier: Tumigil ka nga diyan , nakakahiya ka!

Zac: Di mo ako maloloko Xavier, bitter kalang kasi wala kang lovelife.

Xavier: Wala akong panahon para dyan.

Love's ArdorWhere stories live. Discover now