Chapter 1

74 1 0
                                    

 Ako si Kristine Anne Theiss. Half German Half Pinoy. Kat ang tawag ng nakararami sa akin dahil sa initials ng pangalan ko, samantalang ang iba ay Tin. 16 taong gulang. Ako ay nakatira sa bahay ng Tita ko (kapatid ng Mama ko) Wala na ang Mama at Papa ko, iniwan na ko kela Tita bata pa lang ako. Mabait naman ang tita ko sakin, hindi naman ako sinasaktan o pinapagalitan. Yun nga lang, wala siyang pakialam sa akin, kaya feeling ko "Bed Spacer" lang ako sa bahay. Kasama ko sa bahay ang 2 anak nya, isang babae at isang lalaki. Wala ang asawa niya, nasa ibang bansa. At isang yaya.

May kuya ako! Gwapo siya :D Ang pangalan niya'y Sen Arkine Theiss. Iniwan rin siya sa Tita ko, parehas kami kaso lang simula nung nakilala ni Kuya ang barkada niya, bihira na lang siya magpakita sa bahay, dun na siya tumira sa bahay ng isang tropa nya, mabait yung magulang ng tropa nya, sobra! Kahit ako gusto patirahin dun, pero syempre nahihiya ako sa tita ko kaya dito na lang ako sa kanya.

Wala na kong pakialam sa magulang ko, since wala na rin pake si Kuya at wag na daw namin hanapin. Kaya ayun, hinayaan ko na lang. Ok naman ako eh. Pinagdarasal ko na lang sila.

---

"Tin kain na!" sigaw ni Tita habang nakatunganga ako sa bintana.

Sabay lapit sa lamesa at kumain.

"May pasok ka na bukas diba?" tanong ni Tita.

"Opo!" medyo napalakas kong sagot.

"Nakahanda na ba gamit mo?"

"Hindi pa po, ihahanda ko pa lang po pagtapos kumain :D"

"Ah osige, kumpleto na ba ang gamit mo?"

"Ballpen na lang po kulang ta! Isang red isang black"

"Osige, (naglabas ng 50) oh, bumili ka pagtapos mo kumain"

"Thankyou ta! Puntahan ko si kuya pagkabili ko ha?"

"Ok."

Pag tapos kumain at nagbihis ako at pumunta sa tindahan ng school supplies.

Pabiliiiii...

Pabiliiii poooo...

"Ano yun?" sagot ng tindera.

"Ballpen nga po, black and red"

"Anong brand?"

Kung ako'y tatanungin, Faber Castell ang paborito kong brand.

"May Faber Castell po?"

"Hmmm. Meron"

"Sige po. Magkano po?"

"12 each."

*sabay abot ng bayad at kuha ng sukli*

Nakatira si Kuya sa kabilang street, at gaya ng paalam ko kay Tita, pupuntahan ko si Kuya.

"Kuyaa Seeeeen!"

"Kuya Reeeeeeed!" (Red ang pangalan ng tropa nya kung san siya nakatira)

"Oh Tin!" sabi ni Kuya.

"Uy Kat!" sabi naman ni Kuya Red.

Tssss. Magkaibigan sila pero magkaiba tawag nila sakin -___- ang weirdo nila.

"Kuya Sen kuya Red! Hehe, wala lang. napadaan lang, ang boring sa bahay. Walang magawa, bumili lang ako ng ballpen eh, kasi may pasok na ko bukas"

"So?" sabi ni Kuya.

Hayssss. Isa talaga siyang mapang-asar na Kuya, ever since lagi niya na kong iniinis.

"So ka jan! Share lang no, hit like. Haha!"

My Friends = My Family <3Where stories live. Discover now