3rd Week na ng klase namin. Hindi pa naman nagiging ganun ka intense ang mga lessons at nangangapa pa ng kaibigan ang iba.
Nagsimula na kami sa 1st Subject namin, nag check ng Attendance si Sir.
"Mr Lim?"
"Aaaaabbseennt" sabi ng mga studyante.
"Or baka late nanaman Sir!" sabi ni Eli. Katabi ni Klein sa room.
"Oo nga baka nga" sagot ni Sir.
Thursday ngayong araw, pero lahat kami napapansin na ang pagiging madalas na pagka late ni Klein. I wonder why? O.o
Aissshh! Bat ko ba iniisip yon? Hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga semi-bully nya sakin noon no. Pero after nun hindi naman na nasundan yun at hindi ko na rin pinag papansin si Klein.
Mga 10 minutes before bell, may dumaan sa corridor.
"Uy si Klein oh" bulungan ng mga nasa likod.
Aba oo tama nga, late nanaman sya!
2nd Subject namin ang Values today, at pinapasok kaming lahat sa room dahil may i a announce daw si Mam.
"Ok class, magiging mahigpit ang school natin ngayon, dapat ay before 6:20 ay nasa loob na kayo ng school, bawal na ang malate! And, bawal na din ang may makakapal na make up, specially girls. Long hair, specially boys. So please, graduating kayo and I hope sundin nating lahat ang patakaran ng school na to. Understood?"
"Yessss Maaaammm!" sigaw naming lahat.
"Sino nga pala ang madalas ma late dito?" tanong ni Mam.
"Si Mr. Lim po!" sabi ng iba.
"Mr. Lim, why are you always late?" tanong ni Mam sakanya.
Nag nod lang siya at parang walang balak sumagot. Goodthing hindi nabastusan sakanya si Mam at hinayaan na lang siya.
"At! Nga pala class, may mga ipapataw ng parusa sa mga pasaway pa din, Sa mga laging late, magkakaroon kayo ng Detention! 3 beses kayo ma late ay katumbas ng 1 week detention. 5 beses na late naman ay kelangan na namin ipatawag ang parents/guardian nyo. Para naman sa mga pala-absent, 3 consecutive absences ay dapat may formal excuse letter kayo, at pag wala parent/guardian din ang kailangan. Understood?"
"YEEEESSS MAAMMM!"
"Grabe naman!"
"Ang higpit naman!"
"Ay feeling private ang school natin?"
-- yan ang mga narinig ko sa paligid ko. Haha! Ang plastik nila. Pa Yes yes pa sila tas magrereklamo sila. Lol! Sabagay ang higpit nga naman -____-
****
Monday nagsimula ang rules and regulations ng School.
Klein got 3 consecutive lates. At dahil dun, Detention sya for one week!
Ang detention time ng school ay 30 minutes before recess namin. At meron pa ulit 1 hour detention pag dismissal time, so goodluck sayo Klein! HAHAHA! Eto na ata yung karma mo sa ginawa mo sakin, na traffic na lang :P
LOL SO MEAN! Haha!
Sa third subject namin, biglang nag excuse na si Klein. Parang wala siyang ka rekla reklamo at tanggap nya nang may detention siya.
*RIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGG!*
Recess naaa. Hm. So hungry -_-
Nakatingin ako sa mga pagkain sa canteen ng biglang may umakbay sakin.
"Kaen tayo Kat!" aya ni Jayps sakin.
"Haha! Tara!" sagot ko naman.
Umorder na kami ng makakain at sabay kaming lumapit sa bilihan ng drinks.
Bumili si Jayps "Ate shake nga po...." sabay tingin sakin si Jayps "Ate dalawang shake ha?"
I smiled at Him. Mabait pala talaga tong mokong na to >:) Sinamahan na nga ko kumain, nilibre pa ko ng shake. Ohaaaaaaaa? :))
Inabot sakin ni Jayps ang shake, "U-hm. Thankyou Jayps!" pa cute kong sabi.
"Wala yun ano ka ba! minsa lang ilibre eh" sagot niJayps.
Paakyat na kaming madaanan namin ang Guidance Room, nakita ko nakaupo si Klein dun. Ano pa kayang ginagawa nya dun? Eh tapos na ang detention nya? Hmmm -__-
Haaaaaaaaaaaayyyy! Las subject na! Nababaliw na ako kakagawa ng plates dito sa TLE @_@
Tumabi ako sa pagitan ni Jayps at Gino.
"Uyyy! Pagawa naman! Ang dumi dumi na ng papel ko kakabura oh?" T_T pagmamakaawa ko
"Sige jan mo lang, pagtapos ko gagawin ko yan" sabi ni Jayps. Haay what a good boy :)
"Hahaha! Ang simple na lang nyan oh?" pang asar ni Gino -___-
"Wala ako sa mood gumawa niyan ngayon, tsaka ang pangit ng pencil na gamit ko" depensa ko ke Gino.
"Wehhh?" sabat ni Gino -___- Si Gino yung tipo na lagi kang babarahin hanggang sa maasar ka eh. Hays.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGG!*
Nagulat ako nung nag bell na! Hala tulala pala ako. @___@
Tumayo na ako at lumapit sa akin si Jayps."Kat napasa ko na yung plate mo" with a smiling face.
"Ayyyy! Thankyou Jayyyyps!" sabay apir ko sakanya.
"Hanep may tagagawa ng plates!" singit nanaman ni Gino.
"Tse!"
"Haha joke lang! Tara sabay ka samin uwi" aya ni Gino.
Abaaa! At biglang automatic naglakad ang paa ko at sumunod sa kanila.
Pag daan namin ng Guidance nakita ko si Klein dun, nag aantay ata ng teacher?
Haha! Kawawa naman :P
Teka? Bat ko ba laging napapansin si Klein? O__________O
YOU ARE READING
My Friends = My Family <3
Teen FictionSabi nga sa Values namin, kung ikaw ay hindi nakakatanggap ng pagmamahal panloob, ay maghahanap ka ng pagmamahal sa labas at dahil sa pangungulila mo sa pagmamahal sa loob ng bahay mo, ay naging mas mahal mo na ang mga kaibigan mo. Ako nga pala si K...