xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
R E P O R T
ni Ajanee
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Keilah! Si Kiel, paparating na siya. Sabi ng source ko! Umayos ka na!" sabi ng bestfriend kong si Kaye habang nagte-text! Shucks. Kinuha ko ang mirror ko sa bag sabay tinignan ko ang itsura ko.
Okay, maganda naman! Chineck ko yung uniform ko. Malinis at mabango! Pagkatapos kong i-check ang sarili ko, tumayo na ako sa harap ng classroom.
Nakatambay kasi kami ng bestfriend ko sa harap ng classroom kasi hindi pa naman time. At hinihintay ko ang aking LOML (Love of My Life) na si Kiel. Ang galing 'no? Kiel siya tapos ako si Keila. Hihihihi!
Tumingin ako sa hallway. Ang tagal naman yata?
"Angel, pinagloloko mo yata ako? Eh ang tagal naman ni Kiel?" tanong ko sa kanya habang siya, naka-indian seat at nagtetext.
"Hindi parating na siya! Tinext ako ng boyfie ko eh, parating na daw! Maghintay ka nalang."
"Ah, okay. Sige!" ah! Galing naman pala sa boyfriend niyang si Gab eh! Tropa 'yon ng LOML ko eh! Kaya sure 'yon. May source talaga kami. Muhahaha.
At nung paglingon ko...
Nakita ko nang naglalakad ang aking Love of My Life na si Kiel...
The moment na nakita ko siyang naglalakad sa hallway.
Parang biglang tumugtog ang My Heart Skips a Beat ni Lenka.
Parang naging boses alien ang mga boses sa paligid ko.
Parang nagslowmotion ang mga tao sa paligid ko.
Parang biglang naging camera ang mata ko at nag-zoom-in kay Kiel.
Parang nagkaroon ng frame ng hearts ang paligid niya.
Biglang umihip ang hangin sa kanya at hinangin ang buhok niya.
Habang palapit siya ng papalapit...
Palakas na rin ng palakas ang tibok ng puso ko. Tinalo na yata ng tibok ng puso ko ang intro ng My Heart Skips a Beat.
Ako naman nanatiling nakatayo at nakangiti sa kanya.
Ayan na siya...
Isang classroom na lang.
Naglalakad na siya sa harap ko at papasok na sa classroom at ako nakatingin parin sa kanya. Bigla naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko at ngumiti sabay sabi ng "Hi!" na naging sanhi ng Ear-to-ear smile ko.
"H-hi K-kiel." nauutal kong sabi sa kanya.
Hanggang sa...
Hanggang sa...
Hanggang sa...
Hanggang sa...
LUMAGPAS SIYA SA AKIN?!?!
Napatingin ako sa likod ko at...
Nakita ko si Nikki na nakangiti sa kanya. Si Nikki, sabi nila BESTFRIENDS daw sila. Sa tingin ko? Hindi.
BINABASA MO ANG
Report [Oneshot]
Romance"Tayo na." "Hindi ka pa nga nanliligaw eh?" "Tayo na... ang magrereport."