First Crush! First Love!

769 5 3
                                    

Ang Pag-ibig ay hindi nasusukat sa yaman, karangyaan sa buhay o sa panlabas na anyo, kundi ang tunay na pag-ibig ay isang dalisay na nararamdaman ng isang tao, at hinding hindi mapapantayan ng kung anong bagay.

Bawat isa sa atin ay nakakaramdam nito, lalung-lalo na pag dumating sa punto na ikaw ay magmamahal sa isang tao na nakatakda para iyong mahalin ng higit pa sa iyong buhay.

At bilang isang kabataang umiibig, Masaya na tayong pinararamdam ang ating pagmamahal na nagmula sa kaibuturan ng ating puso. Narito ang aking buhay pag-ibig na nagsimula sa maliit na paghanga hanggang mauwi sa pinakamalalim na damdamin ang “PAGMAMAHAL.”

Ako’y labing pitong gulang pa lamang na nag-aaral sa college, nakakagulat mang isipin ngunit sa edad kung ito ay wala man lang akong naging crush kahit isa. Ako’y isang simpleng babae, simple manamit, walang arte sa katawan at higit sa lahat hindi kagandahan. Ngunit hindi ko maitatanggi na may iilan din namang nagpaparamdam o nagpapalipad hangin. At sa tinagal-tagal ng nilagi ko dito sa mundo mayroong isang lalaki na nakapukaw sa aking pansin siya ay si Eduard, isang matangkad, maputi, matangos ang ilong at may pagkamisteryosong lalaki, at masama kung tumingin na tila ikaw ay tutunawin. Nakilala ko siya sa di inaasahang pangyayari at itatago ko na lamang aking sarili sa pangalang rhina. 

Isang araw ay inutusan ako ng aking mama na bumili sa tindahan ng ulam dahil hindi na kami nagluto ng araw na iyon.

“Anak! Bumili ka nga ng ulam sa tindahan at ng makakain na tayo.” Wika ng aking mama.

“Opo mama, ilang order po ba?” tanong ko sa aking mama.

“Isang order lang, tayo lang naman dahil wala ang iyong papa at mga kapatid.” Tugon ng aking mama.

“Sige po!” nakangiti kong sabi.

Tumungo na ako sa tindahan upang bumili ng ulam na luto, matagal ang pila at maraming tao, at dahil sa tagal ay napansin ko sa tapat ng tindahan ay may isang lalaki na nakaupo at nagtetext gamit ang kanyang cellphone. Napatingin ako sa kanya dahil bago pa lamang ang mukha niya sa akin at nasabi ko sa aking sarili :

“Sino kaya siya? Infairness ha! ang gwapo niya, cute rin, makapal ang kilay at matangos ang ilong, pero parang suplado! Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita? Nakakatuwa naman may gwapo rin pala dito sa lugar namin. Hoy! Rhina crush mo siya no? uyyy si rhina my crush na at nakakaaapreciate na pala ng lalaki. hahaha”  nangingiti kung sabi sa aking sarili habang nakatitig sa lalaki. nang may biglang kumontra sa aking isipan :

“Opps! teka huwag ka nga malandi dyan? Asa kapa mapansin niyan! Hindi ka kagandahan no!” napasimangot ako bigla.

At sa pagkakatingin ko sa lalaki ay hindi ko napansin na nakatitig rin pala siya sa akin, ang titig na iyon ay tila isang masamang titig, dahil doon natauhan ako at nahiya na tila lalamunin na ako ng lupa sa sobrang pagkapahiya sa lalaki, at dahil doon ay nagtago ako sa mga tao para hindi Makita ng lalaki. Pulang pula na ang aking mukha sa sobrang hiya. At tamang tama noon ay ako na ang nasa harap para bumili ng ulam.

“Manong, pabili po nang ulam!” wika sa tindera.

“Ano order mo iha?” sabi ni manong sabay ngiti.

“Adobo po isang order lang po.” Sabi ko na may kasamang ngiti.

“O sige iha sandali lamang at sasandukin ko lang ang iyong order.” Wika ng manong.

“Sige po manong maghihintay ako.” Sabi ko.

At sa paghihintay na iyon nasabi ko sa aking sarili :

“Ayan! Kung ayaw mo mapahiya huwag kang titingin sa lalaki, yan tuloy napahiya ka ng wala sa oras at hindi porket gwapo yun titingnan mo ng ganun? aba! Ambisyosa ka ha! ”

First crush! First Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon