Chapter 2

53 0 0
                                    

Tinignan niya ang braso kong puno ng pasa. Nang napansin ang paninitig niya, bumalot sa akin ang hiya at agad ko iyong tinakpan.

Nakakahiya. Nandidiri na siguro ito sakin.

"Hubad" ulit niya sa sinabi niya na hindi parin nag sink in sa utak ko.

"H-huh?" nalilito kong sabi. Baka namali ko lang ng rinig. Baka lang naman jusko.

"Maghuhubad ka o huhubaran kita?" sabi niya na agad bumuhay sa patay kong kaluluwa.

Agad akong nag ekis ng aking dalawang braso sa aking katawan na parang prino-protektahan ito.

Jusko. Hindi naman ako nakarinig ng malalaswang chismis tungkol sa lalaking to. Puro lang naman success sa business at listahan ng mga artistang gusto siyang makadate ang chismis tungkol sa kanya.

Hindi kaya... Manyakis talaga siya? Tapos walang balita kasi binabayaran niya? Pwede din naman yun diba?

Todo na ang kaba ko. Hindi kapani-paniwala pero virgin ako, kaya...

"Uh-uhh alam ko naman na medyo kagandahan ang katawan ko at sinabi kong gagawin ko lahat at tulad ng hula mo v-virgin ako kaya... Uhh Medyo sinsitibo ako sa mga ganyang b-bagay." tumingin ako sa sahig habang sinasabi ang katagang 'yan. Nararamdaman ko ang pagpula ng sariling mukha.

Tinignan ko siya at salubong na kilay niya ang nakita ko. Parang inis na inis siya sa sinabi ko.

Nilapitan niya ako at malakas na hinawi ang aking braso.

Pinunit niya ang natitirang tela sa sleeves ng aking damit.

"A-anong ginagawa mo?!" natataranta kong sabi at sinubukang bawiin ang aking brasong hawak niya.

Seryoso parin siyang nakatitig roon.

"Ano ba?! Bitawan mo nga-"

"Saan mo nakuha 'to?" sapaw niya sa reklamo ko.

Nakatingin na ako ngayon sa visible na peklat ko at mga bagong pasa sa kaliwang braso. Eto ba ang tinitignan niya?

"W-wala lang 'yan." kabado kong sabi at agad na binawi ang braso.

Galit na galit naman siya at seryoso akong tinignan.

"Hindi ba't sinabi ko sayong maghubad ka?" para siyang nagpipigil ng galit habang tinatanong ako. Pero kita naman na galit talaga siya dahil sa halos pag iisa ng kilay niya.

"A-Ayoko! Propesyunal akong tao, alam kong ikaw rin. Magkaiba ang personal na bagay s-sa trabaho. T-tsaka hindi mo pa tinatanggap ang alok ko kaya hindi pa ako sayo." sabi ko naman at iniisip parin ang kasunduan. Baka magback out na siya knowing na ang dumi kong tignan. Hindi kaaya-ayang tignan ang mga peklat at pasa ng latigo sa katawan ko. Alam ko.

"Damn it woman! Pumapayag na ako. Now. Strip." he glared at me.

Hindi ko sinasadya pero napangiti ako dahil sa sinabi niya. Natanggap niya na ang alok ko and Jacob is now saved.

For the first time ako naman ang nagligtas kay Jacob.

"Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo sir." I smiled genuinely, na siya namang nakapag pa-inis pa masyado sa lalaking kaharap ko.

Bumuntong hininga siya ng pagka lakas-lakas habang nakahawak ang dalawang kamay sa sariling baywang. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Hinay hinay kong tinanggal ang butones ng sariling damit. Habang ginagawa ko iyon ay hindi naman siya makatingin ng diretso sa akin.

"Tapos na." I smiled.

"Pasensya na... I just sound confident but when it comes to this, I'm not." I said, tinutukoy ang mga peklat.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at maingat na hinawakan ang braso kong may hindi kalakihan pero visible na peklat. Horizontal ang peklat, parang makapal na linya na siyang konektado sa peklat ko rin sa giliran ng tiyan.

He used his forefinger, and traced the unattractive sight. He then ran his fingers on my shoulder. He traced my upper body with sympathy and sadness in his eyes.

"I don't understand why you let him do this to you." sabi niya habang tinitignan ang mga bagong pasa ng latigo sa katawan ko.

"It's not like what you're t-thinking. M-may kasalanan ako kaya d-dapat lang ito."

"Do you really love him that much?" he said as he sadly looked at me in the eye.

"W-well, he's more than just my boyfriend. H-He saved my life." sinabi ko iyon para ipagtangol ang imahe ni Jacob pero totoo naman.

"Tell me. What happened to you... And this. Where did you get this?" sabi niya sabay himas sa nakikitang peklat.

Bata palang ako nung nakatanggap ako ng pangbubogbog sa sariling ama, simula noong pumanaw ang ina. Isang araw, nakipaglaro ako sa bago kong kapitbahay at nalaman ng kapitbahay ko ang karahasan ng sarili kong ama. Nagalit ang Papa ko nang makatanggap ng reklamo kaya itinali ako ng papa ko sa garage ng bahay namin. Dalawang araw ako roon walang makain ni dahon. Sa gabing iyon, nahimatay ako at nagising nalang na nasusunog ang bahay namin at nasa labas nako kaharap ang batang nagligtas sa akin. Hinang-hina ako nun at hindi matandaan ang mukha niya. Nakulong ang papa ko kaya hindi ko na siya nakita.

Ilang araw ang nakaraan, kinupkop ako ng papa ni Jacob. Hindi ganoon ka ganda ang trato ng mga magulang niya sa akin pero binuhay nila ako. Minsan kong tinanong si Jacob kung siya ba ang nagligtas sa akin at inamin niya naman. Ilang beses akong pinagtatanggol ni Jacob sa kanyang ama pero lalo lang lumala ang panglalatigo ni Don Ramon sa akin.

Pero simula noong tumungtong ako sa senior high, biglang nag iba ang trato sa akin ni Jacob. Siya na mismo ang nanglalatigo sa akin, lalo na pag may usap-usapang nobyo ako sa eskwela. Masakit kasi noon palang alam kong mahal ko na si Jacob. Lumala pa iyon nung nasa Colegio na ako.

Hindi ko nalang iyon inalintana at nag aral ng mabuti. Gumraduate ako with latin honors from Enderun. Agad namang nag unahan ang mga invitation sakin from big companies pero pinili kong magtrabaho sa kompanya ni Jacob. Almost 2 years na pagta-trabaho ay agad akong napromote bilang General Manager. Niligawan rin ako ni Jacob nung naging General Manager na ako at siya naman ay President.

"Uhh so... Nasunugan kami. Jacob saved me. My father got imprisoned because of abusing...me. Jacob's family, they saved me. I got these because of my incompetence and lackings." sabi ko taliwas sa dapat ko sanang sabihin.

He then locked his eyes into mine. There's longing and sadness in his eyes.

Lumapit siya sa akin at ipinulupot ako sa yakap. Gulat naman ako sa ginawa niya but I slightly felt comforted. Hindi niya hinigpitan ang pag yakap sa akin pero his hug sorrounds me... I felt protected. I've never been hugged like this.

Jacob has hugged me many times but this hug... it's warm and careful.

"A-aray" sabi ko kahit hindi naman na ako nasasaktan.

Hindi ko manlang siya naramdamang gumalaw. Instead, I heard a little chuckle from him.

Agad namang nagtayuan ang balahibo ko.

That chuckle... was hot.

"I've been looking for you but you found me, Instead. " he said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Billionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon