Chapter 24: Beach

87 4 1
                                    

Pamela's Pov.

Ang ganda ng araw na ito para saakin lalo na kahapon, dahil sa sinurprise ako ni Zach kahapon at bati na kami. Namiss ko talaga siya, Namiss ko yung buhok nyang ang napakataas, Ilong nyang napaka tangos at mata nyang kulay brown at mga labi niyang napakapula. Ang gwapo-gwapong tignan, at ang sarap titigan.

Ngayon, nauna akong nagising sakanila. Kaya syempre di ko pinalampas ang pagtitig sakanilang dalawa. Ang cute nilang tignan, yakap-yakap pa ni erika si zach na parang talagang totoong papa nya.

Iniisip ko Yung nangyari kahapon saamin. I feel so calm and I like it when he kisses me. I miss my Zachary Francisco na minahal ko, na kinainisan ko dahil sa pangungulit nya. I just love him!

Nung biglang gumalaw si erika, tumayo na ako at pumuntang cr para ayusin ang sarili ko. Nagpalit na rin ako ng shorts and Sando, para di mukhang pambahay.

Naghalungkat ako sa gamit namin kung Merong pagkain pero ang natagpuan ko lang ay isang supot ng Bacon and sandwiches. Lumabas ako ng cottage namin, para magpatulong at maghanap ng pagkain.

May nakita akong isang matandang babae na nagluluto sa isang kalan de uling. "Hmmm... excuses me po" sabi ko at tumingin siya saakin. "Pwede pong makiluto, Tsaka saan po pwedeng bumili ng bigla at pagkain ?" ngumiti siya.

"Dito iha... Pagkain at bigas ? medyo malayo iyon iha, ikaw lang ba ?" tanong niya saakin. Ang babait pala ng mga tao rito.

" Ah hindi po, natutulog pa po kasi sila baka na pagod sa byahe kahapon, Ayaw ko po sana silang gisingin kasi gusto ko po May pagkain na po sila pagising nila" sabi ko sa matandang babae.

"Ganun ba iha... pero iha, medyo malayo iyon at kailngan ng sasakyan bago ka makapunta doon"aniya.

"Ganun po ba, sige po saan po Banda yon ?" at itinuro nya, ang daan patungo roon. Agad ko namang nakuha ang sinabi niya.

Hindi ko pa rin gigisingin sila Hubby and erika. Eh sa makulit ako eh?! Kaya ko naman magdrive. Mabuti nga't hindi ito tulad ng maynila na may color coding, mga LTO or etc. Dahil wala pa akong lisensya

Nakauwi na ako sa cottage namin at hinanap ang Susi ng Hillux ni hubby. Hindi ko mahanap!

Hindi pa rin sila nagigising 8:00 am na. "Gotcha!" napasigaw ako at bigla ko nalang tinakpan ang bunganga ko gamit ang mga kamay ko.

Dumiretso na ako sa sasakyan at pinaandar na ito. Pagkalabas na Pagkalabas ko at pinaharurot ko na ang sasakyan papunta sa sinabi ng matandang babae, baka gutom na rin sila.

Hindi ko sinwitch ang aircon at nakabukas lang ang bintana ko. Nakikita ko ang mga views at bahay ng mga squatters. Mga batang walang sa plot at hinahayaang maglakad ang mga anak sa mainit.

May nakikita na akong mga tindahan, madali ako nagmaneho at pumunta roon. "Miss ? May rice kayo ? " Tanon ko at tumango naman ang babae. "Bigyan mo ako ng 10 orders okay ? And may ulam ba kayo ?" tumango ulit siya at itinuro kung saan nakalapag ang mga ito.

"2 orders of sinigang, adobo and WHat's this ?" turo ko sa isang putahe na ngaun ko lang nakita "ah eto po.. Daeng po yan best seller po dito" aniya.

"Okay... 2 orders of sinigang, adobo and that one... Pati yung Daeng na sinasabi mo" sabi ko at ngumiti siya. kinuha nya ang calculator nya at Binilang kung magkano.

"385 po lahat" madali kong binigay sakanya ang pera at nagpathankyou. "Aalis na ako" sabi ko at nagpasalamat naman sia.

Sasakay na sana ako ng sasakyan pero may biglang tumawag saakin. "Pamelaa!" OMG! "tita!!" sambit pa ng isa.

No boyfriend Since Birth (NBSB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon