February 03, 2020 11:40 Pm
Kakatapos lang ng aking birthday party, at kaka-alis lang rin ng aking mga kaibigan na sinamahan akong mag celebrate ng aking 18th birthday, masaya ako na kahit hindi magarbo ang aking debut ay nakasama ko naman ang mga taong mahalaga sa buhay ko, 11:49 na agad kong kinuha ang aking cellphone at kinontak ka. Ikaw, ikaw na ilang araw kong hindi nakakausap. Bumabalot sa katawan ko ang lamig, kinakabahan na baka ang aking tawag ay iyong hindi sagutin,
Pangatlong ring na,
Sasagutin mo kaya?
Sasagutin mo pa ba?
Sagutin mo sana...Ginawa ko ang aking ipinangako, tatawag ako bago matapos ang kaarawan ko, siguro ay sapat na ang sampung minuto na makausap ka, ika limang ring at sinagot mo na. Tila nanuyo ang aking lalamunan sa sobrang saya at kaba.
"Hello?" rinig ko ang boses mo na inaantay ang sagot ko
"Kamusta?" wika ko, gusto ko malaman kung ano na ang nangyari sa mga araw na wala na ako sayo. Na wala na tayong komunikasyon.
"Okay lang" tanging sagot mo,
"Bakit gising ka pa?" medyo nag aalinlangang tanong ko
"Inaantay ko tawag mo, diba sabi mo antayin ko tawag mo" hindi ko maiwasang ngumiti ng pag katamis tamis, inantay mo ang tawag ko, may halaga pa ako sayo
"Namiss kita" pahayag ko, rinig ko ang bawat pag hinga mo ng malamin, "Namiss rin kita" hindi ko mapigilan na mapangiti lalo, sobrang saya ko. Nag kwento ako ng mga nangyari kanina, at halatang gustong gusto mo ako kausap, sabay tayong tumawa sa mga kinukwento kong nakakahiya, limang minuti na lang ang natitira, ikaw naman ang mag kwento, gusto ko malaman kung ano nangyari sa loob ng isang linggo na di natin pag uusap, sa ros nga pala tayo nag kakilala. Ilang araw na rin nung huli akong nag laro.
"Wala na si ally" sabi mo, si ally. Dahil sakin kailangan mo pa humanap ng iba na parang naging panakip butas, alam ko . Ang assuming ko pero yun na yon e, "In-unfriend nya ako sa facebook, denilete friend sa ros dahil lang nag my day ako ng happy birthday Avery"
"Hindi mo sinuyo?" tanong ko, nakakapag taka naman bakit parang walang pag sisisi sa boses mo
"Hindi, hayaan mo na siya" tanging sabi mo. Medyo malungkot ako sa sinabi mo pero may tuwa akong naramdaman sa ginawa mo. Alam kong mali ang ginagawa ko. Ang kausapin ka ng patago pero anong magagawa ko? Parte ka na ngayon ng buhay ko."Yung deal natin. After 5 years" pag aalangang bigkas ko
"Oo, kala ko nakalimutan mong tatawag ka. Kasi kung kinalimutan mo, tatanggalin ko na sana tong simcard" bigkas mo, halata sa boses mo ang giliw na makausap ako.
"Ako pa ba malilimutan ko ? Pinangako ko yun e" pag malalaking pahayag ko. Hindi ko naman kasi talaga malilimutan na tawagan ka bago matapos ang birthday ko
"Kamusta na kayo?" seryosong tanong mo, natigilan ako. Ayoko mag sinungaling dahil tiyak na magagalit ka lang
"Okay naman na kami" mabagal kong binigkas ang bawat salita.
"Kayo na?" muli mong tanong, huminga ako ng malalim at mahina na binigkas ang salitang "Oo",
"Gaya ng gusto mong mangyari" ngumiti ako "Sumunod lang ako sa sinabi mo na piliin ko sya"
"Ahh, mabuti" wika mo,
"Ang ganda nya talaga, sayang isang taon ko rin niligawan kaso tinigilan mo" medyo nag taka ako sa iyong sinabi. Halatang nag bubukas ka ng panibagong usapan na ako naman ang masasaktan, tinanong ko kung sino ang tinutukoy mo.
"Dati kong niligawan, di niya ko pinapansin dati, pero ngayon todo pansin na sya sakin" napangiti ako ng pilit
"Ligawan mo ulit" pilit na sayang wika ko
"Talagang liligawan ko!, pero hindi ngayon. Study first" napapikit ako at pinakiramdaman ang hangin, huminga ako ng napakalalim bago mag salita "Yup, enjoy muna tayo" magiliw kong bigkas, hindi ko alam kung naramdaman mo ba na nasaktan ako
"Isang minuto na lang pala" nakatawang sabi mo
"Oo nga, ang bilis" hindi kita pwedeng ikulong sa mga bisig ko habang nasa tabi ako ng iba
"Happy birthday" magiliw na pag bati mo,
"Thankyou, goodnight" may halong lungkot na pag sagot ko,
"Goodnight" wika mo
"I'll call next time" wika ko
"Yup" lagpas na ng sampung minuto ang usapan natin
"Bye" sabay nating wika at natawa. Lumipas ang ilang segundo at hindi parin mamamatay ang tawag
"Goodbye, I miss you" huling salita na narinig ko bago nag end ang call.
YOU ARE READING
Saudade
Non-Fictionnag kakilala sa maling pag kakataon, maaari pa bang maayos sa takdang panahon?