Case #1

271 6 3
                                    

TITLE: SAVAGE LAWYER

DATE STARTED: APRIL, 2020

CASE # 1:

Savage Queen’s Back

“I’M back!”

Halos malukot ang pagmumukha ng taong sinadya niya pa sa opisina nito para bisitahin. May dala pa siyang maleta dahil kakalapag palang ng eroplano nya sa NAIA nang mapagdesisyunang bisitahin ito.

8 years din siyang nawala and now she’s back para guluhin ang buhay ng mga taong iniwan niya dito.

“So you’re back, di ka man lang nagpasabi, sana nagpaschedule ako ng business meeting sa malayong lugar.” may pagkasarkastikong sabi ni Blue, ang self-appointed best friend niya na itinatakwil siya.

Sa loob ng eight years ay malaki na din ang pinagbago nito. Both career wise at physically. Sino nga bang mag-aakala na ang payatot na inuutos-utusan niya lang noon ay CEO at founder na ngayon ng isang sikat na luxurious jewelry brand na Black Pearl.

Hindi ko rin itatanggi na mas naging attractive siya sa paglipas ng taon. No wonder kali-kaliwa ang mga naririnig kong nalilink sa kanya na modelo.

Sino ba naman kasing hindi makakapansin sa kanya, tsinito, maputi, perfect nose, luscious lips and not to mention that his filthy rich. But I know better, mas maeenjoy ko ang assets niya bilang isang bestfriend.

“Wow ha, 'di naman halata na masaya kang makita ako.” pang-aasar ko sa kanya habang nakasalampak sa sofa ng kanyang opisina.

“My life is peace and quiet for the past eight years.”  board na sabi niya.

“Ayaw mo nun, magkakaroon na ng thrill ang buhay mo?”

“May I remind you na mula ng magkakilala tayo ay tatlong beses akong pabalik-balik sa presinto.”

“Come on, past is past na Bloom.” sabi ko.

“And don’t get me started with that stupid nickname for me. Pag may nakarinig sa’yo ay baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao.” ika nito.

“Alam mo ang init ng ulo mo. Hindi ka ba masayang makita ang bestfriend mo? Guess what? I’m a lawyer now!”

“I know, lagi kaming inuupdate ni ma tungkol sa whereabouts mo. To the point na nakakarindi na.”

“Grabe ka, di mo man lang ba ako icocongratulate? Hindi mo man lang ba ako namiss?”

Tumigil siya sa ginagawa at saka tumingin sa’kin. Parang may gusto siyang sabihin pero nag-iwas nalang ng tingin, “Never mind.”

Tuluyan na niyang iniwan ang ginagawa at kinuha ang coat na nakapatong sa likod ng inuupuan. Napansin ko ang black diamond piercing na nasa isang tenga niya. This man is really gorgeous and oozing with sex appeal. I’m really lucky na napag-pipiyestahan siyang tingnan ng ganito. I bet maraming babae ang gagawin ang lahat mapunta lang sa posisyon ko.

“What do you want? Alam kong hindi ka pupunta dito ng walang kailangan.” sabi niya na mukhang nawalan na talaga ng gana sa trabaho.

“Kailangan ko ng driver.” sabi ko.

“I will call one.”

“No. Gusto ko ikaw.”

“May I remind you that I’m not the same lackey na inuutusan mo noon. I am now a CEO of a big company.”

“Andami mo pang sinasabi, tara na.” sabi ko sabay hila sa kanya. “Nga pala iwan ko nalang diyan yung maleta ko ipadala mo nalang sa bahay ko mamaya.”

Hindi ko na siya hinayaang makapag reklamo at hinila na palabas ng opisina hawak ang isang braso niya. Walang malisya sa’ming dalawa, he has been my lackey since the start of time. And it will stay that way forever.

“Saan tayo?” tanong niya ng pareho kaming makasakay sa kanyang blue Lexus.

“Sa Uytengco Family Mansion.” sabi ko.

“You’re going home?” tanong niya.

“I guess.”

8 years na mula ng naglayas ako sa bahay namin. I used to be Charlotte Uytengco, the only daughter and princess of Uytengco Fabrics. Pero nagbago ang lahat ng mag-asawang muli ang tatay ko. I became a revel and run away from home at the age of 15.

My father who already have a new family didn’t even bother to look for me. Tumakbo ako sa kaisa-isang bestfriend ng mom ko, si Tita Vivian. Vivian Lu Matthews is Blue’s mom. Magmula noon ay ang pamilya na niya ang kumupkop sa’kin. Dun ko nakilala ang lalaking katabi ko ngayon. Sa kanila ako tumira bago ako pumunta sa ibang bansa para mag-aral.

“Kailangan mo ng kasama sa loob?” tanong niya sa’kin ng mag-park sa harap ng malaking Chinese mansion.

“No need. Antayin mo nalang ako dito.” pagkasabi nun ay bumaba na ako.

‘Im back.’ nasabi ko sa sarili ko habang naglalakad papasok ng malaking mansion.

Nang umalis ako sa bahay na ‘to, I was the princess brat Charlotte Uytengco, pinangako ko sa sarili ko na pagbalik I’m not the same anymore. Patutunayan ko sa tatay ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi nangangailangan ng tulong niya. Ang now, I am Atty. Charlotte Uytengco, one of the youngest lawyer in the country.

“Nainai!” bati ko ng makarating sa kwarto ng aking lola. Siya ang nanay ng aking ama at tanging tao na nagmamahal at hindi nakalimot sa’kin. (Nainai = grandma in Chinese)

“Xiao Mei!” tawag niya sa’kin gamit ang paborito niyang endearment sa’kin noon. (Xiao Mei = little girl in Chinese)

“I miss you, nainai!” sabi ko sabay yakap sa kanya.

“Nagbalik na pala ang magaling mong apo.” bigla kong narinig ang malamig na boses ng tatay ko.

Nang tingnan ko siya ay ang laki na ng tinanda niya mula nung huli ko syang nakita. Wala man lang kahit anong reaksiyon ang mukha niya. Parang hindi natutuwa na makita ako. Dahil sa pride ay hindi ko din pinakita na natutuwa akong makita siya.

“Bumalik lang ako para makita si nainai.” sabi ko at sabay nilagpasan siya. “Bye nainai! I’ll come back next time.”

“Ang kapal naman ng mukha mong magpabalik-balik sa bahay na’to. Anong akala mo dito, lalayas ka kung kailan mo gusto at babalik ka kung kailan mo din gusto?”

“Oo nga pala nakalimutan ko, hindi na nga pala ko parte ng pamilyang ‘to.” sabi ko na hindi pa din siya tinitingnan bago tuluyang umalis.

“Charlotte! Bumalik ka, hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Inaamin ko, masakit makita na ganun nalang ang turing niya sa’kin, isang estranghero. Kung magtatagal pako dito ay mas lalo lang akong masasaktan sa malamig na pakikitungo niya sa’kin.

Pabalik na sana ako sa kotse ni Blue ng may tumawag sa pangalan ko. “Charlie?”

Paglingon ko ay nakita ko si Sabrina, ang babaeng nagpapakasaya ngayon sa mga bagay na dating akin. Anak siya sa unang asawa ni Tita Synthia na ngayon ay asawa ng papa ko.

Kasama niya ang ex-fiance ko, si Blake Lu. Ang tanging lalaki para sakin na mula pagkabata ay nakatakda na sa’kin. Bata palang kami ay itinakda na kami ng mga nakatatanda. Wala akong ibang lalaking tiningnan maliban sa kanya, pero hindi niya ako naantay.  Kamakailan lang ay nabalitaan kong engaged na silang dalawa.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, siguro ay hindi niya inasahan na babalik pa’ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang paghigpit ng pagkakakapit ng kamay ni Sabrina sa kanya.

Tsk, ganyan talaga ang galawan ng mga mang-aagaw, takot makarma. Si Blake naman ay hindi maalis ang tingin sa’kin.

“K-kailan ka pa nakabalik?” tanong niya na nakatingin sa’kin ng diretso.
Hindi padin siya nagbabago, mukha parin siyang prinsipe na lumabas mula sa mga fairy tales. He had that same gentle smile that could swoon you out of your feet. Standing next to him is screaming peacefulness and safety. Every girl’s dream man, but this man now belongs to someone else.

Naaalala ko pa kung paano niya ako ipagtanggol noong mga bata palang kami. He treated me as a princess like I’m the most precious treasure in the world.

“Surprise, surprise! I heard about your engagement. Congrats,” sabi ko na nakatingin kay Sabrina. “You finally took everything away from me.”

Pagkasabi nun ay umalis na’ko. Alam kong magmamaang-maangan nanaman ang babaeng yun at aarteng parang siya ang biktima. Ganun niya nakuha ang loob ni dad at hindi ako magtataka kung ganun din ang act niya kaharap si Blake.

“You okay?” tanong ni Blue nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya.

“Of course not.” sabi ko lang bago niya paandarin ang kotse.

“Want to celebrate?”

“Yeah, I want to forget.”

I’m finally back, the question is… may babalikan pa ba ako?

Bigla akong napa-isip. Paano kaya kung hindi ako umalis at ipinaglaban ang pangarap ko? Ako parin kaya ang prinsesa ng Uytengco empire ngayon?

###

 Paano kaya kung hindi ako umalis at ipinaglaban ang pangarap ko? Ako parin kaya ang prinsesa ng Uytengco empire ngayon? ###

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Bale sila ang napili kong portrayer ng characters ko for this story,  choose your fighter nalang heheh)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Bale sila ang napili kong portrayer ng characters ko for this story,  choose your fighter nalang heheh)

Hello everyone! I was planning to write Duchess L's story first pero nagbago ang isip ko, si Charlie nalang pala muna.

Enjoy reading!

-little A

Savage LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon