Case #4

71 3 1
                                    

CASE #4: Suppressed Feelings

ILANG minute ring sinibasib ni Blue ang labi niya bago siya nakabawi sa pagkabigla.

‘Hindi maaari!’ sigaw ng isip niya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na gagawan siya ng ganito ng matalik na kaibigan.

“Ano ba Blue! Anong nangyayari sa’yo? Lasing ka ba?”

Napangisi lang si Blue, hanggang ngayon ay nalalasahan pa niya ang tamis ng labi ng babaeng matagal niyang tinuring na kapatid.

‘Kahit kailan ay napakamanhid talaga ng babaeng ‘to.’

Lumapit siya at sinandal ito sa kotse habang ang dalawang braso ay nakaharang sa magkabila nitong gilid.

“Remember what I told you nung unang beses tayong magkakilala? Maniningil nako, Charlotte. You will pay the price of coming into my life.”

Halos magtaasan ang lahat ng balahibo sa batok niya sa klase ng pagtitig nito ngayon sa kanya. He is like a wild animal eying his prey. Pilit din niyang inaalala sa isip niya kung ano ba ang pinagsasabi nito.

8 years ago

~Ding Dong

“Blue, pakibuksan mo nga yung pinto!” sigaw ng mama niya mula sa kusina.

Kainis!” kasalukuyan siyang nasa sala at pinapanuod ang paborito niyang soccer team.

‘Sino naman kaya itong istorbo na to ng ganitong oras?’

Malakas ang ulan sa labas at malapit ng magdilim, napaisip siya kung sino ang bibisita sa kanila ng ganitong oras.

Pagbukas ng pinto ay nakita niya ang isang batang babae na mukhang manika, nakasuot ito ng pulang kapote at may bitbit na itim na maleta sa isang kamay. Kinusot niya ang mga mata kung namamalikmata ba siya? Kahapon lang sa World Literature ay napag-usapan nila ang story ni Little Red Riding Hood.

‘Sino ang batang ‘to? Wala ba siyang kasama?’

Sumulyap siya sa likod nito at napansing wala itong kasama at mukhang kanina pa nababasa ng ulan. Pulubi ba ang batang ‘to? Paano ito nakapasok sa village.

“Hoy bata! Kung mamamalimos ka lang ay wala ang magulang ko dito sa bahay.” Pagsisinungaling niya.

“Duh! Mukha ba akong pulubi sa ganda kong ‘to!” napamaang siya sa tinuran nito. “Nandito ako para makita si Tita Vivian, alam kong nandiyan siya kaya papasukin mo’ko!”

Hindi siya makapaniwala, parang matanda ito kung magsalita. Wala siyang nagawa ng itulak siya nito sa loob at pumasok ito sa loob ng bahay.

“Teka! Sino ka ba talaga!” Hindi naman siguro magnanakaw itong kutong lupa na ‘to. Isa pa ay alam niya ang pangalan ni mommy. Iniisip niya kung isa ba ‘to sa mga pinsan niya dahil medyo singkit ito pero wala siyang natatandaan na ganung mukha sa mansiyon ng mga Lu ng huli silang bumisita.

“Oh my god!” napalingon siya sa likod ng marinig ang boses ng ina na ngayon ay nakatuon ang pansin sa batang babae.

Tita Viv,”

“Charlotte? Anong ginagawa mo dito?”

So her name is Charlotte? What a cute name, kasing cute niya. Nakahinga siya ng maluwag ng kinuha ito ng nanay niya at sinuri ang kabuuan nito para malaman kung meron ba itong galos o sugat.

Anong ginagawa mo dito, Sweetheart? Napakalayo nito sa bahay niyo! Sinong kasama mo?”

Nalaman niya na anak ito ng bestfriend ng nanay niya at naglayas ito sa bahay nila. Hindi na siya nagtaka dahil mukha talagang pasaway ang bata.

Pinaliguan ito ng nanay niya at hiniram pa ang isang t-shirt at pajama nya. Hindi malaki ang katawan nya kaya kasyang kasya dito ang damit niya. Magkasing tangkad lang din sila dahil hindi pa siya tumatangkad ng mga panahong yun. Kasyang-kasya dito ang damit niya, nailang siya dahil sa hilig niya sa kulay blue ay karamihan sa damit at pjs niya ay ganun ang kulay. Nagmukha tuloy silang dalawa na sasayaw.

“Perfect! Para na akong may kambal!” di mapigilan ng kanyang mama ang galak habang sabay-sabay silang naghahapunan.

Nang mga panahon na yun, hindi pa alam ni Blue kung gaano siya pahihirapan ng mga katagang yun. Maging ang tatay niya na galing sa trabaho ay halatang giliw sa batang bigla nalang kumatok sa pintuan ng kanilang tahanan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang walang balak ang magulang niya na isauli ito.

Ilang oras pagkatapos nilang maghapunan ay may mga kalalakihang naka-itim na tuxedo ang kumatok sa bahay nila. Kasama ng mga ito ang isang lalaki na nakasuot ng traditional Chinese changshan.

Ayoko! Hindi ako sasama sa kanya! Hindi niya ako mahal! Yung asawa lang niya ang mahalaga sa kanya!”

Kahit kailan ay napasutil mo talagang bata ka, palibhasa ay hindi ka nadisiplina ng maayos ng nanay mo!” tila kulog na sabi ng lalaki. Yun ang unang beses na natakot sya sa isang tao maliban sa lolo niya. Tila kulog ang mga salita nito, dahil dun ay awtomatikong nagtago sa likod niya ang batang babae.

“Blue, dalhin mo muna si Charlotte sa kwarto mo.” Utos sa kanya ng ina.
Nang makarating sa silid niya ay parang at home na kaagad ito at naupo sa kama niya. Parang isang malaking space craft ang kwarto niya at ang bed sheet ay may desenyo ng solar system.

Tingnan mo ang ginawa mo, binigyan mo pa ng problema ang magulang ko.” Sabi niya na naupo sa harap ng computer.

“Blue ang pangalan mo diba? Nag-iisa ka bang anak ni Tita Vivian? Gusto mo ng kapatid?”

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. Wala sa kagustuhan niya na magkaroon ng kapatid at lalong wala sa plano niya ang maging kapatid lang ito.

Nang lingunin niya ito ay prenteng naka-upo lang ito sa kama niya na akala mo ay pagmamay-ari nito iyon.

“Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba talaga marunong matakot? Naglayas ka sa kalagitnaan ng gabi at nagpunta sa bahay namin. Ni hindi mo nga ako masyadong kilala pero hindi ka man lang nagreklamo at pumasok sa kwarto ko.”

Anak ka ni Tita Vivian kaya bakit ako matatakot sayo? Isa pa I like you, gusto kitang maging kapatid.”

Hindi niya alam kung bakit ngunit parang nainis siya sa sinabi nito. Sixteen na siya ng mga panahon na yun kaya hindi kaila sa kanya ang nararamdamang atraksiyon dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Savage LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon