June 3
kinausap ko siya, kung ano ang maganda ilagay sa kalendaryo para maging pakipakinabang yung pananatili niya dito sa lupa... ang alam ko kasi... 40 days lang namamalagi ang isang kaluluwa dito sa lupa. so, pang 18 niya na ngayon... kailangan na din sulitin yung natitirang araw na meron siya.
so... here's the list...
June 4-10 bibisitahin ang mga magulang ni kuya Rain.
11- gusto ko makita yung libingan niya...
12- sasamahan ko ulit siya para lang mabisita ulit yung magulang niya.
13- pupunta ulit sa bahay nila kuya Rain, kukunin yung vtr na ginawa niya para sa Seniors. nasa laptop niya yun.
14- ipapakita sa lahat ng Seniors yung vtr na yun.
15- isang buwan na din. hindi ko pa alam gagawin dito.
16- 20 gusto niya daw gumawa ng mga letters eh.
21- ibibigay niya daw sa'kin yung pw nung blog niya.
22- 24 hindi kami magkasama. not sure if.........................
25- pang 39 days niya. birthday ko 'to. so... sana... andito pa din siya...
26- midnight. hindi ko alam kung handa na ba ako nito.
ibinigay ko sa kanya yung schedule na yan. sumaya naman siya kasi kahit papaano may konting plano naman.
pero, sana.... sa bawat araw niyan. nasusulit niya ang bawat pagkakataon...
I would like to take pictures sa mga araw na yan. pero, hindi naman din siya nakikita. sobrang transaparent niya talaga...
yung 25 daw... ippromise niya na yun yung araw na hindi ko kayang malimutan sa buong buhay ko.
aasahan ko yan.