I'll be back

1.2K 14 1
                                    

Mabilis nagdaan ang mga araw ngunit hanggang ngayon ay wala parin ang ama ng anak ko. Nalaman ko rin na pitong linggo na akong buntis nang naisugod ako sa hospital dahil sa stress kaya nagdurugo ang gitnang bahagi ng katawan ko. Sobrang kaba ko sa araw na iyon dahil akala ko iiwan din ako ng taong nasa sinapupunan ko. SInisi ko ang aking sarili dahil sa kapabayaan ko.

Napag desisiyonan ko rin na uuwi ako sa pilipinas dahil ayaw ko namang ipahamak ang anak ko lalo na mahigpit ang bansang ito, ipinagbabawal mabuntis ang isang babae kapag walang maiharap na ama. 

Ngayon ay inaasikaso ko ang mga papeles sa pag uwi ko sa pilipinas. Nag pasa narin ako ng resign letter sa kompanyang tinatrabahuan ko. 

Iniiwasan ko ring ma stress na makapahamak sa sanggol na dinadala ko. Napa himas ako sa tiyan ko.  

Anak, sana intindihin mo si Mama dahil iniwan na tayo ng 'yong ama. Ibibigay ko sayo lahat ng pagmamahal na kaya ko. 

Hindi ko mapigilang mapaluha sa kaisipang wala akong maiharap na ama sa anak ko pag siya ay nakalabas na.     

"Ali" 

Napabaling ako kay Ethan na may dalang pagkain. Siya ang kasama ko ngayon sa apartment at laking pasalamat ko na nandiyan siya dahil baka mabaliw ako pag ako lang mag isa dito. 

"Kain kana" 

Tumango ako sakaniya at inilagay niya naman si center table ang pagkaing dala niya habang ako ay naka upo sa sofa. 

""Mukhang masarap 'yan ah" Puri ko sa niluto niya kaya na pangisi naman ito ng mayabang 

"Syempre, sino paba ang nag luto? Kundi ako" Pagmamalaki niya pa kaya napa irap nalang ako "Sige kain kana pakabusog kayo ni Baby"

Nag simula na akong kumain habang si Ethan ay umupo sa tabi ko at kumakain ng chips dahil hapon na kaya siya ay nag snack samantalang ako ay nag request ako sakaniya ng lutong bahay dahil nag crave ako bigla.

"Sama na ako saiyo pauwi" 

Napabaling ako sakaniya sa sinabi niya at kunot noong tinignan siya.

"Bakit?" tanong ko sakaniya ngunit siya ay naka tutok lang sa harapan dahil nanood kami ng tv.

"Gusto ko ring mag bakasiyon at syempre samahan rin kita sa byahe lalo na may dinadala ka" Ani Ethan kaya napa iling nalang ako 

"Kung tungkol saakin ang dahilang kung bakit uuwi ka pwes pigilan mo 'yang desisyon mo" 

"Ali, hindi lang naman din dahil sayo kung bakit ako uuwi. Assuming ka masiyado." Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya kaya kinurot niya ang pisngi ko at sinimangutan ko lang siya. "Siyempre miss ko na rin ang pamilya ko, matalaga na rin nang naka uwi ako do'n" 

"Ikaw bahala, Ethan. Desisyon mo naman iyan"  

"Kain pa ng madami, huwag mong damutan ng pagkain ang anak mo" Ani Ethan kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Habang kumakain hindi ko maiwasang maging emosiyonal dahil sa mga naiisip ko.

Sobrang nakakahiya sa pamilya ko. Uuwi ako ng pilipinas na ganito ang kalagayan ko. Alam kong hindi nag kulang ang mga magulang ko sa pangaral saakin kahit na ilang metro ang layo namin ngunit heto na at nangyare na. Hindi ko pinag sisihan na nabuntis ako dahil totong minahal ko ang ama ng dinadala ko. Ngunit isa itong kahihiyan na uuwi ko na wala man lang akong maiharap na ama sa pamilya ko. 

Dati no'ng mabalitaan o makarinig ako ng mga OFW na uuwi ng pilipinas dahil nabuntis ng kung sino man ay nandidiri ako, dahil napakatanga at ang landi nila. Iniisip ko noon na inuuna nila ang masarap kaisa isipin ang responsibilidad na pasan nila.

Ngunit ngayon ganito ang nangyayare saakin, isa din pala ako sa mga OFW na uuwi ng pilipinas sa kadahilanang nabuntis. Ika nga nila 'Don't judge the book by it's cover' dahil hindi natin alam ang mga naranasan nila. Baka nagmahal lang sila o nirape ng kanilang amo kaya nangyare iyon sakanila at sa kung ano pamang dahilan. Minsan nakakadala rin kase lalo na napaka gwapo ang iba sakanila ngunit gwapo nga demonyo naman ang ugali(Hindi lahat).   

"Okay ka lang ba?" Natatarantang tanong saakin ni Ethan dahil bigla nalang akong humahagulgol. 

"Okay lang ako" Salita ko sabay subo ng pagkain habang umaagos parin ang mga luha ko. 

"Shhhh masama 'yan sa baby" Pagpapatahan niya saakin habang hinahagod ang likod ko.

"B-bakit nangyare ito saakin?" Tanong ko kay Ethan ngunit alam kong hindi niya ako naintindihan dahil sa pagkaing nasa bibig ko.

"Ha? Lunukin mo muna iyang pagkain mo. Tsaka sabi ni mama bawal mag salita habang puno ang bibig" Pangaral niya pa saakin. 

"Nahihiya ako sa pamilya ko Ethan" Muling salita ko nang malunok ko na ang pagkaing nasa bibig ko ngunit patuloy parin sa pag agos ng luha ko.

"Shhhh mahal ka ng pamilya mo Ali maiintidihan ka nila" 

Ngunit umiling lang ako dahil wala akong maiharap sakanila na ama ng anak ko. 

"Kung gusto mo ako muna ang ipakilalang ama sa dinadala mo" 

Napa baling ako sa kaniya at agad na umiling. 

"Ayaw kong madamay ka sa problema ko Ethan" 

"Okay lang talaga saakin Ali" Ngunit umiling parin ako 

"Hindi ako papayag Ethan" 

Sa sinabi ko ay wala siyang magawa kundi ang bumuntong hininga.

"Tahan na masama 'yan sa bata" Salita nito sabay tayo "Punta lang ako sa kusina" Paalam nito bago umalis. 


Gabi na ngunit nasa sala parin kami at walang sawang nanood ng filipino movies.   

"Magpahinga kana nga anong oras na masama 'yan sa baby" Si Ethan kaya tumango ako dahil nais ko na ring magpahinga napagod ata ako kahit na wala akong ginawa buong araw. "Uwi narin ako, pupunta ulit ako dito bukas" Tumango rin ako at tumayo na at siya naman ay handa ng umalis kaya inihatid ko siya sa pintuan. "Siguraduhin mong lock ang pinto" bilin pa nito.

"Yes, Sir!" Salita ko sabay salute 


Nasa sala parin ako kumakain na ngayon ng grapes habang nanonood ng picture ng mga infant baby sa pinterest at tuwang tuwa naman ako dahil ang kokyut, excited na tuloy akong manganak, ang cute pa ng mga damit nila naimagine ko palang ang mga anak ko sobrang saya ko na. 

Ngunit bigla naman akong nalungkot nang maisip si Beau sana bumalik na siya dahil hindi naman ako galit sakaniya at ayaw ko magtanim ng galit sakaniya dahil hindi ako gano'ng tao, oo nagtatampo lang pero sobrang sakit lang na wala man lang siyang paalam na umalis.

Napaiyak ako dahil miss na miss ko na siya gusto ko maramdaman ang yakap niya, miss na miss ko na ang presensiya niya. Kahit sobrang sakit masaya parin ako dahil may iniwan naman siya saakin kaya napahimas ako sa tiyan ko at napangiti ng malungkot. 

Mabilis kong pinunasan ang luha ko dahil masama sa baby at tumayo na para ligpitin ang mga prutas at nilagay sa ref. Pagpasok ko sa kwarto dumiretso ako sa lalagyanan ng damit niya at kumuha ng isa, napatigil naman ako nang may makita akong papel na biglang nahulog kaya agad ko itong kinuha at binuksan at napaiyak naman ako sa nabasa at hindi pinansin na nababasa na ang papel dahil sa luha ko. Humiga ako sa kama at hawak parin ang papel habang ang damit niya naman ay inaamoy amoy ko, ganito ang ginagawa ko tuwing gabi para makatulog ako.

Tumulo nanaman ang luha ko at binasa ulit ang nasa papel parang ayaw ko na tuloy umalis.

Wait for me

I'll be back

-B     

'Pero bakit hanggang ngayon wala ka pa rin?' ang tanong sa isip ko bago ako makatulog. 


Being with youWhere stories live. Discover now