OwO

14 1 0
                                    

"The Untold Story of Hello Kitty"

--

"Happy birthday anak, I love you!" bati ni mama sabay bigay sakin ng isang Hello Kitty na stuffed toy.

"Thank you po ma! I love you too" ngiting sabi ko saka siya niyakap ng mahigpit

--

Naging paborito ko na ang Hello Kitty na bigay ni mama sakin nung birthday ko.

Lagi ko itong hawak hawak at dala dala san man ako magpunta, katabi ko tuwing natutulog, kasama ko tuwing kumakain, at lagi lagi ko itong nilalaro.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad ako sa kalasada pauwi ng bahay galing eskuwelahan, may nakasalubong akong isang matanda.

Titig na titig siya sa laruan ko. Ang creepy ng itsura niya, kinikilabutan ako.

"Ineng, kung maari ay itapon mo na ang laruang iyan" biglang sabi nung matanda kaya bahagya akong napa atras at tinago sa likod ko ang laruan

"Ayoko! Tsaka s-sino ka po? H-hindi po kita kilala" sabi ko sa kanya at nilampasan ko na siya

"May  nakakulong na masamang kaluluwa sa laruang iyan, kung maari ay itapon mo na bago pa may gawing hindi maganda sayo" sabi nung matanda kaya nagtigilan ako.

Lumingon ako, "Ano pong pinagsasabi--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat ng nakitang nawala na yung matanda

Lumingon lingon ako para hanapin siya pero hindi ko na siya nakita pa. Nagsitindigan ang balahibo ko pero binalewala ko nalamang iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkarating ng gabi, habang natutulog ako katabi ng laruan sa kwarto ko, nagising ako sa bilang ihip ng malamig na hangin at may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Sharene.. Sharene.." sabi ng nakakatakot na boses. Napadilat ako at nakitang gumagalaw ang laruan sa tabi ko.

Agad agad akong napatayo at lumayo sa laruan ng nakitang nag-iba ang itsura nito. Mula sa dating cute na cute na Hello Kitty ay naging kakila kilabot ang itsura nito at may matutulis na ngipin.

Nginitian ako ng manika. Halos hindi ako makagalaw dahil sa gulat at takot.

"S-sino ka? L-layuan mo ako!" sigaw ko sa laruan ng nakitang naglalakad ito papalapit sakin

"Hindi mo na ba ako nakikilala? Nakalimutan mo na ba ako?" tanong nung laruan sa nakakatakot na tono

Umiling ako habang umaatras dahil lumalapit sakin yung laruan. Nagsalita naman ulit ito..

"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka"

--

Written by: Jenny Rosé
Visit my timeline for more stories;)

UwU idk if anyone of chu can understand diz but sorry I can't translate it

RandomnessWhere stories live. Discover now