HNA 2 - Tuksong Dulot ni Angel

32.7K 431 38
                                    


"Pheromones are chemical messengers produced and emitted by the body that contribute significantly to interpersonal attraction. The two types of pheromones include signal and primer, each playing a distinct role in human behavior. Signal pheromones act as attractants and repellents; they are classified as short term behavioral pheromones. Primer pheromones produce long term changes in human behavior and hormone production. The vomeronasal organ is used to detect the pheromones of others. Pheromones emitted from sweat glands play a role in sexual attraction and sexual repulsion."
- Grammer, Karl; Fink, Bernhard; Neave, Nick (February 2005)

ANGEL

"Nako Angel, ikaw na bata ka, dapat kumakain ka ng marami. Tignan mo nga ang katawan mo at tila nangangayayat ka na naman. Ang hina hina mo naman kasing kumain na bata ka." Si Lola Adreal.

Abala ito sa pag aasikaso sa akin ngayong umaga dahil kanina lamang alas singko ng umaga ay umalis na papuntang trabaho sila Mommy at Daddy. Gaya nga ng sinabi nila kahapon ay marami silang aasikasuhin ngayong araw, ni hindi ko na nga sila naabutan pa dahil napasarap ang tulog ko. Mag aalas otso na ng umaga ngayon at ito nga't kasama ko na ang Lola Adreal.

Lubos at likas na maalalahanin talaga ang Lola na siyang mas lumala pa noong may mangyari sa akin na siyang ayoko ng igunita pa sa aking isipan. Lahat naman sila dito sa aming bahay ay husto ang pagbabantay sa akin. Nakakataba sa puso na alam mong may mga nag-aalaga sa iyo.

"O ito Angel, tikman mo rin itong niluto kong kakanin. Masarap iyang bibingka." Muling untag sa akin ni Lola Adreal.

" Nako naman Lola eh, tataba talaga kapag kayo ang narito sa bahay. Halos hindi ko na nga maubos itong hinain ninyo sa akin eh." Tugon ko dito na nangingiti na lamang sa kanyang pag aasikaso sa akin.

"Alam mo bang iyan ang paborito ng Mommy mo? O siya kung ayaw mong kainin iyan ngayon ay itabi mo na lamang muna. Ito pa pala ang ibang pang miryenda, sinabi sa akin ng Mommy mo na pupunta ngayon ang Teacher Joseph mo kaya naisipan kong dalhan na rin siya ng miryenda. Ihanda mo na lamang iyan sa kanya." Sabi niya habang inilapag ang ilang lalagyan ng pagkain sa ibabaw ng hapag kainan.

Napangiti naman ako ng mabanggit nito ang pagpunta rito sa bahay ni Teacher Joseph. Oo nga pala't ngayon niya ako tuturuan  dahil may mga aasikasuhin ito sa mga susunod na araw.

"Hayyy, makikita ko na naman ang cute na ngiti ni Teacher Joseph." Mahinang bulong ko sa sarili upang hindi madinig ni Lola Adreal ang pagpapantasya ko sa aking guro. Tama bang pantasya ang tawag doon? Hindi naman, siguro'y paghanga ang angkop na tawag roon.

Humahanga lang ako sakanya dahil bukod sa magandang lalaki ito ay punong puno rin ng kaalaman ang utak nito. Iyon ang pinakahinahangaan mo sa kanya.

"Angel, oy Angel..." Untag ni Lola Adreal sa akin na siyang nagpagising sa aking lumulutang na isip.

"Ay Lola, ano nga po ulit iyon?" Tugon ko naman dito.

"Ikaw talagang bata ka, kung saan saan na naman lumilipad ang isip mo. Ang sabi ko, ako ay aalis na. Aasikasuhin ko pa rin kasi ang mga tito at pinsan mo roon sa kabilang bahay. Tiyak wala pang agahan ang mga iyon." Mahabang litanya ni Lola.

Nangingiti na lamang akong tumugon sakanya at sinamahan siya hanggang sa pinto ng bahay.

"Sige ho Lola Adreal, mag-iingat po kayo sa pag uwi. Salamat po sa dinala niyong agahan." Paalam ko dito habang tinatanaw siyang naglalakad papalabas na ng aming bakuran. Kumakaway na lamang ito habang mawala na siya sa paningin ko. Ako naman ay pumasok ng muli sa loob ng bahay at naisipang maligo na muna dahil maya maya pa naman darating si Teacher Joseph.

Halimuyak ni AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon