KABANATA II

447 14 0
                                    

For sure sasagutin na ako ni Alisa this time baka inintay nya lang na mag two years bago nya ako sagutin eh!

Di na ako makapag-intay marinig ang mga katagang "Oo sinsagot na kita Jeyms" naks naman!!

Ang aga kong nag-ayos ah

Bumili pa ako ng flowers and chocolates.

Ngayong araw kasi na to eh pang 2 years ko na syang nililigawan.

Happy anniversary sakin!! :)

Saturday at wala kaming pasok ngayon. Pumunta ako sa bahay nila Alisa, syempre para sagutin nya! naks! haha!

Kung sasagutin nya ako ngayon!

Ako na ang pinaka masayang lalake sa balat ng lupa!!

Ang ayos ko ngayon oh, naka Longsleeves pa ako! Panis!

Papasok na sana ako ng gate ng may nakita akong may naghahalikan sa loob.

Opps may nagtutukaan pala dito, makaalis na nga muna at baka maistorbo ko pa sila hehe.

Palabas na sana ako..

Pero bigla kong nakita yung muka nung babae.

Halos madurog ang puso ko dahil sa nakita ko.

Si Alisa ko may kahalikang iba.

---

Bumagsak ako sa kama una at sadsad ng panget kong muka sa unan at patuloy ang tulo ng luha ko..

"ANG TANGA TANGA MO TALAGA!"

Sabay napahagulgol ako..

Ang sakit sakit!

Akala ko naiiba sya sa lahat ng babae, parepareho lang pala sila.

DALAWANG TAON!! DALAWANG TAON LANG NAMAN AKO NAGPAKATANGA!!

Ang sakit sa damdamin ng ganto. Parang guguho na ang mundo ko. Bakit sa tuwing magmamahal ako lagi nalang ako nasasaktan at sinasaktan?

Tapat naman ako magmahal ah!

Anu ba kulang sakin?

Tinanong ko pa ang sarili ko ah.

"SYEMPRE PANGET KA KAYA DI KA NILA TANGGAP!"

Ang sabi ko habang naka subsob ang muka sa unan.

Bwiset naman oh!

Kelalake kong tao tapos humahagulgul ako sa isang babae na ginamit lang ako sa loob ng dalawang taon!

"OO BWISET MABURA NA SANA SA MUNDO ANG MGA MANGGAGAMIT KATULAD MO ALISA!!"

Nagagalit ako sa sarili ko.

Nagagalit ako dahil ang panget ko.

Sa walang hinto kong pag-iyakan eh di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--

Buti nalang at walang pasok ngayon dahil kasing chaka na ng mata ni squidward ang mata ko -.-

"O anak what happen?" -mom Kris

"Letme guess, busted ka nanaman nuh" -kuya Jeck

"Eh diba two years mong niligawan yun" -ate Jeimi

Gustong gusto ko silang tanungin na "AMPON BA AKO? bat ako panget kayo hindi!?" -.-

Baka ampon nga talaga ako :(

Di ko nalang sila pinansin sa usapan nila at kumain nalang ako ng breakfast ko, pagtatawanan lang naman ako ng dalawa kong kapatid eh.

"Mga anak nasaktan na ang kapatid niyo pinagtawanan niyo pa!"

Buti nga sakanila at napagalitan sila!! Belat!! :P

Sige kain lang ako dito ng Bacon and egg sandwich na ginawa ko.

Gusto ko magliwaliw ngayon araw na to para mabawasan naman ang problema ko.

Pero sa tuwing sasagi sa isip ko yung nakita ko, gusto ko silang balatan ng buhay at ilublob sa alcohol na 100% solution!! mga bwiset!! pinaglaruan nila ang puso ko!! pang drama ang arte ko ah -.-

Tama sila, hindi dapat ako nag mahal ng sobra, dahil lahat ng umaapaw ay nasasayang lang! Katangahan ang magsayang!!

Pero ang balak kong magliwaliw eh hindi na tupad dahil nag kulong lang ako sa kwarto habang sinusumpa ko ang sarili ko!

Kung gwapo kaya ako mamahalin nya kaya ako? siguro.

Wala akong nagawa dahil niloko ako ng babae, bakit kami ba? hindi naman diba. So anung karapatan kong magalit? eh hamak na mangliligaw lang naman ako.

Pinatong ko yung kamay ko sa noo ko habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.

TENENENENG! Alam ko na!!

Try ko kayang mag papogi para balikan nya ako? diba ganyan yung storya sa TV o wattpad, yung magpapapogi tapos maiinlove lahat sakin, tapos hahabulin ako ng mga babae then magmamakaawa si Alisa sakin balikan ko lang sya muahahaha!

Sige try natin tong korni at kasing panget ng muka kong idea haha.

Love Story ni Panget :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon