Chapter One

63 3 1
                                    


Luna Point of View

"Lunaaa!!" sigaw ni Mama saakin . Nandito kase ako sa kwarto nanonood ng tv. 

"Bakit po Ma ?" sigaw ko pabalik ayoko tumayo e. 

"Bumaba ka nga rito marami ang bumibili " sigaw ni mama . Siguro marami ang bumibili ng almusal .

Bumaba ako para puntahan si Mama . May pasok ako ngayon pero nalipat ng hapon dahil may meeting daw lahat ng teachers .

Pagbaba ko agad akong pumasok sa karenderya . Nakita ko na marami ang bumili ng almusal , agad akong lumapit kay mama at tinulungan siya .

"Oh anak anong oras ba ang pasok mo ?"

"Uhmm mamayang 10:00 am po ma !"

"Aba'y maligo kana dahil 8:50 am na . Ako na bahala dito sa karenderya " sabi ni mama kaya umakyat ako sa kwarto ko para maligo.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Pagkatapos  kung maligo ay sinuot ko ang uniform.  Bumaba ako para kuhain yung baunan ko ng pagkain . At yung 100 pesos na pera ko para ngayong araw na ito .

"Bunso tara na baka malate tayo ng pasok " sigaw ni kuya saakin . Same kase kami ng school pero iba kami ng year and course na kinuha . Ang kanya kase ay medicine while me astronomy .

"Ito na kuya pababa na ako !" sabi ko at bumaba na dahil baka nga malate kami .

Pagbaba ko nakita ko siya na nandun nakatayo sa may pinto . Nang makita niya ako ay lumabas na siya ng bahay at pumara ng tricycle .

Malapit lang naman kase ang bahay namin sa school kaya okay lang na may tricycle .

Mag papakilala muna ako sa inyo . I'm Abigail Luna Gomez 17 years old second year collage . Kung tatanungin niyo ako kung ano ang status ng buhay ko , okay lang naman dahil kahit na hindi kami mayaman .

Naramdaman ko na tumigil ang tricycle . Bumaba kaagad kami ni kuya at binayaran yung kuya na nag drive . Pumasok kami sa loob , nakita ko na yung ibang babae e napapatingin kay kuya sabi kase nila gwapo siya parang isang model ng magazine ang mukha.

Tong school na pinapasukan namin ay pangmayaman talaga . Pero nakayanan ni mama at papa na bayaran ang tuition fee namin ni kuya , kaya kami nakakapagaral dito .

"Bunso dito na ako . Kapag may nangaway sayo sabihin mo sakin ha !" sabi ni kuya kaya tumango ako sa kanya ! . Kung alam lang niya na may iilan na mga students ang binubully ako . Pero ayoko sabihin kay kuya baka mamaya mas lumaki pa ang gulo kung ganun man ang mangyari .

Nag lakad ako papunta sa room ng biglang kumapit nag kaibigan ko na si cindy sa mga kamay ko .

"Bes may crush ako !" sabi niya saakin . Kahit kailan talaga tong babaeng toh . Mukhang hindi nawawalan ng crush , sa pag kakaalala ko yung crush niya ngayon e nasa 10 na .

"Haystt ano pa ba ang bago !"

"Pero Bes loyal ako sa kuya mo noh " sabi niya at ngumiti ng malapad .Yeah may gusto siya kay kuya matagal na , si cindy kase ay classmate ko elementary palang edi syempre nakikita niya si kuya dahil kasabay ko umuwi .

At simula nun sinabi na niya sa sarili niya na si kuya daw nag magiging future husband niya .Ewan ko sa babaeng toh kung ano ang nakita kay kuya .

"Tara na nga " sabi ko at hinila siya . Ayoko pag usapan ang tungkol nanaman sa pagiging crush niya kay kuya . Dahil araw araw niya yung binabanggit saakin , at nakakasawa na talaga . Try niyo palit tayo posisyon .

Pagpasok namin sa room ganun pa din may kanya kanya mga mundo . Pumunta nalang kami ni Cindy sa upuan namin , at saktong pag upo namin ay ang pagpasok ng teacher namin .

Nag turo lang siya ng nag turo ewan ko kung napapagid ba si Maam . Pero ngayong araw na ito napaka boring talaag ng lesson niya , wala akong ganang makinig sa mga tinuturo niya .

Ting * Ting

Tunog ng bell . Kaagad na tumayo ang mga kaklase ko at tumakbo papalabas ng room .

"Bes hindi ka pupunta ng cafeteria ?" umiling lang ako sa kanya . Paglabas niya ay tumayo ako para pumunta doon sa gilid ng building namin, may puno kase na malaki doon pero walang pumupunta dahil nakakatakot daw ang dating at itsura.  Pero para sakin hindi naman .

Nang makarating ako doon ay umupo kaagad ako at sumandal sa puno . Inilabas ko ang baunan ko na may ulam at kainin , susubo na sana ako ng may narinig akong ungol sa likod ng puno .

Tumingin ako kung saan nang gagaling yun at may nakita akong lalaki na puno ng pasa at sugat sa katawan . Agad kung kinuha ang panyo sa bulsa ko at ang tumler ko .

Pinunasan ko ang sugag niya gamit ang panyong ko na basa.  Kawawa naman siya bakit kaya may sugat ang katawan niya ??

Pupunasan ko na sana ang ilang sugat sa mukha niya ng unti unti siyang dumilat . Kaya agad akong napatayo at tumakbo .

Iniwan ko na doon ang baunan ko dahil ayoko na bumalik pa . Huhu muntik na ako doon ah kung nakita niya kaya ako ano kayang gagawin niya saakin .

Makabalik na nga sa room baka malate pa ako ......


CONTINUE

*Vote

* Comment

Enjoy reading . At sorry sa mga typo .....

Behind The Bad boy MaskWhere stories live. Discover now