Chapter 1

1 0 0
                                    

"Magandang umaga po Lola! Papasok po ako ng maaga sa school may faction ceremony po kami ngayong araw." Ika ni Lyrkyra na niyakap ang kanyang lola at umupo sa hapag kainan.

"Magandang umaga din apo. Sige kumain ka na at baka mahuli ka pa. Umu---

"Umuwi ka ng maaga bawal magpagabi. Mag-iingat ka palagi."
Putol ni Lyrkyra sa kanyang Lola.

"Ikaw talagang bata ka ginagaya mo pa ako ah?" Pinanlakihan ng mata nito si Lyr.

"Lola kabisado ko na po yung linya niyong yan. Sa 20 years kong nabubuhay yan po ang lagi mong pinapaalala sakin. Huwag po kayong mag-alala never naman po akong sumuway sa inyo ei."
Sabi nito habang nagpapaamo ng mukha sa lola.

"Bye lola alis na po ako! Mamaya tutulong po ako sa resto". I love you lola!" Mabilis itong tumakbo papuntang paaralan.

"Hay nako ang batang iyon talaga. Napakasigasig. Kung alam lang niya kung sino talaga siya... Nag-aalala ako para sa kanya lalo't habang lumalaki siya hindi mawawala ang aking pangamba." Siya'y napahinto at tiningnan si Lyrkyra palayo at agad ding bumalik sa kanyang pagluluto para sa kanyang maliit na resto.

"Si lola talaga. Ganun na lang ang pag-aalala niya sakin. Parang napakaimportante kong tao? Sabagay apo niya ako mahal niya ako. Pero iba talaga. Well dapat masanay na ako kasi 20 years na kaming magkasama."

Nakasweater ako ngayon na white na may red and blue na linya sa may kuwelyo at sa baba nito. Naka black na palda ako tapos yung sapatos ko tinerno ko sa sweater ko. Nga pala yung mga damit at sapatos ko may iisang tao lang siyang pinagkukunan nun okay naman. Nilugay ko lang ang buhok ko maganda naman kasi bagsak at straight to.

Kakaisip ko sa magiging faction ko mamaya...

"AHHHHH!!! Blaaggg!
Grabe! Hindi mo ba nakita na may taong naglalakad? Muntik na akong mahagip ng kotse mo ah?! Nakakabadtrip! Huhu! Ang sakit ng mga tuhod ko!"

Biglang huminto ang puting kotse at bumababa ang isang lalaking naka long sleeves na puti at yumuko ito.

"Okay ka lang ba? Dumudugo yung tuhod mo. Tara dadalhin kita sa hospital." Sabi ng  lalaki at akmang iaabot ang kanyang kamay upang ako'y itayo.

Napahinto ako bigla grabe! Ang ganda ng kanyang mukha. May matipunong pangangatawan, mapupulang labi, singkit na mga mata, matangos na ilong. Nakakahalina ang kanyang mga ngiti.

Tinabig ko ang kanyang kamay at tumayo.

"Salamat na lang pero kaya ko na to. Ikaw nasa tamang tawiran ako tapos bigla kayong susulpot! Mag-ingat naman kayo!"
Sabi ko habang pinapagpag ang aking palda.

"Miss wala kang karapatan para pagsabihan at pagtaasan ng boses si Master ng ganyan!" hinawakan nito ng mahigpit ang aking mga braso.

Kachaaaa!! Inikot ko ang mga kamay nito at pinorkchop style para mabitiwan ako.

Agad namang bumunot ng baril ang apat na kalalakihan na mga nakatuxedo ng itim at shades at itinutok sa akin.

"Ano bang ginagawa niyo? Itago niyo yang mga baril niyo! Wala akong sinabing ilabas niyo yan!" Sigaw ng lalaking master daw nila.

"Ako na nga muntik ng masagasaan ako pa tututukan ng baril! Nice! Bahala kayo dyan!" sabi ko na galit na galit na iniwan sila sa kalsada.

"Nice meeting you Master! Tskk!" Umakto pa akong nag bow na pang babae.

"Ang sakit! Kainis late na ako! Kailangan kong umabot sa ceremony huhu! Please!

Pagkapasok ko sa loob registration pa lang per class. Hay buti naman! Umabot pa ako! Sambit ko sa aking sarili at pinunasan ang aking pawis sa noo.

Pagkatapos kong magregister umupo na ako sa upuan ko. As usual wala akong kaibigan kasi sinabi na sa akin ni lola yun na hindi puwede. Kaya sanay na akong mag-isa.

"Goodmorning and Welcome my dear students!" Ani ng Principal na si Ms. Shuta na ngiting-ngiti. Shuta kasi Japanese tatay nito.

Today is our first day which is the faction ceremony!  This one month faction activities is open from first year to fourth year! In each faction we separate all the students who excel in every category.

Faction 1- Cherubim Chariots
Faction 2- Shibury Shinetell
Faction 3- Zandalia Zecharia
Faction 4- Korojori Kaspomi

These are the names of each faction and under your chair, we put a piece of paper on it to know where you belong. Are you ready to know?

Yes!!!! Sigaw na mga estudyante.

In 3, 2, 1! Open it!

Agad kong kinuha ang papel at tiningnan ito. Faction 1 Congratulations!

Nag-ingay ang lahat at kung ano-anong pinag-uusapan. Basta ako kahit saan.

"Quiet everyone! Okay line up by each faction. Go!" Command ni Ms. Shuta.

Tumayo na ako at papunta na sa linya. 
"Tulakan mode na naman tayo oh. Hay may sugat pala ako! Lagot ako kay Lola nito pag nalaman niya."

Maya-maya nakita ko yung lalaking muntik na akong mapatay.

"Yari bat nandito to? Dito siya nag-aaral? Ngayon ko lang to nakita dito! WTH? Bat siya pumipila sa faction ko ? No wait don't tell me makakasama ko to ng isang buwan?
No no no!" Nagulat ako napakalakas ata yung sinabi ko.

Nagtinginan lahat ng tao sakin sa loob ng Function Room. At bigla siyang napatingin sa kinaroroonan ko.

"Huy! Ikaw pala yan! Anong faction mo? Tingin ako!" Sabi niya ng malakas kaya bumaling naman ang mga mata ng tao sa kanya.

"Kumusta sugat mo? Nagpadala pala ako ng doktor dito para kung sakali makita kita eh may gagamot sayo ayos ba?" Sigaw niya habang nakangiti.

Halos lamunin na ako ng kahihiyan dahil pinipilit kong huwag mapansin pero heto ako pinagpipyestahan ng mga mata ng lahat.

Tiningnan ko siya ng masama at pumila ako sa likod niya.

"Anong ginagawa mo dito ha? Hindi ako magpapagamot dyan sa doktor mo!" Sabi ko sa kanya ng mahina ang boses.

"Faction 1 ka din? Nice! Makakasama kita ng buong isang buwan! Nagpatransfer ako agad nung nakita kong dito ka nag-aaral". Sabi niya na tuwang-tuwa kala mo naka jackpot.

"What? Ano? Dahil lang nakita mo akong nag-aaral dito nagtransfer ka?Ano ka stalker na ba kita? Umayos ka ha! Huwag mo na akong papansinin pa!" Sabi ko dito habang nanggagalaiti sa inis!

"Huwag na ikaw tampo cute cute mo pa naman!" Hinawakan niya ako sa balikat.

"Huwag mo akong mahahawak
hawakan dyan! Baka gusto mong mabalian ka ng kamay!" Pagbabanta ko dito.

"Sorry sorry! Hindi ka naman mabiro". Bigla na lang itong lumuhod at nilagyan ang tuhod ko ng band-aid.

"Ayaw mo ng doktor ha? Ako na lang maglalagay sigurado mas magaling pa ako sa healing powers ng doktor". Sabay wink at flash ng ngitin sa akin.

"Tskk! Lakas mo! Kainis kung di lang ako nahihiya kanina pa kita iniwan dyan!" Sabi ko sa kanya ng pataray.

"Okay students! Line up faster!"

Bigla na lang nagmove backward yung mga estudyante at hindi na makontrol kaya bigla na lang akong natulak.

Booggshh! Bagsak ko at yung ulo ko naman ang tumama. Bigla na lang akong nahilo at pumikit na ang aking mga mata.

"Wake up Angry girl!"tinatapik-tapik ako ng lalaki at yun ang huling boses na narinig ko.

P.S. Hi mga KA-NESEY! Done Chapter 1 na! Bukas na ang Chapter 2! Enjoy Reading sana maappreciate niyo tong story ko thank you sa inyong lahat! Mwuah Hugs!




















PRINCESS RETURNS TO HER THRONEWhere stories live. Discover now