Long Hope, PhiliaThis is a work of fiction. Any names, characters, events or places are purely coincidental. Also, the medias and photos are not mine. It belongs to their original owners. Please excuse the foul words, grammatical errors, typographical errors and wrong capitalization.
This is written by an amateur.
PROLOGUE
Pagpasok ko ng auditorium akala ko marami ng tao pero kakaunti palang pala. Sa sobrang laki kasi ng school nato ang hirap hanapin ng auditiorium nila. Isa sa mga schedule ko ngayong araw kasama ang mga iba pang transferee at mga estudyante mula sa Thirteenth Grade ang pumunta sa auditorium para sa tour namin dito sa Kinsniel Academy.
Isa akong transferee.Gusto kong maging isang part ng banda, as in pangarap ko talaga. Yung mag-uunahan sa upuan ang mga tao marinig at mapanood ka lang na tumugtog at mag-perform. Kaya naman nang marinig ko ang tungkol sa school na ito nag-enroll agad ako at nag-take ng entrance exam.
Aminado akong sobrang nahirapan ako sa exam. Na halos tinanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako makakapasa. Pero mas malaki ang paniniwala ko na kaya ko. Kaya siguro hindi ako tumigil. Tumatanggap lang kasi sila ng transferee kung may bumabagsak, nae-expell o nag-drop. Nagpapasa lang kasi sila ng saktong forty students kada isang grade level. Twenty boys and twenty girls. Kaya naman kapag may natatanggal na pangalan sa records nila, ay magbubukas sila ng entrance exam at ang makakapasa ang ipapalit sa record nila. Kaya naman hindi ganun kadaling makapasok sa school na ito. Bukod kasi sa sobrang hirap na entrance exam ay swertehan lang ang mga pagkakataon na magbukas sila ng exam para sa mga transferee. Kailangan mo pa talagang ipanalangin na may malasing estudyanteng nag-aaral dito para ikaw ang pumalit.
At syempre hindi lang ikaw ang estudyanteng gustong makakuha ng spot na yun. Nung nag-take ako ng Sixteenth Grade Tranferee Exam ay mahigit eighty plus kami. At iisang spot lamang ang pinagaagawan namin. Isama mo pa ang hindi nagpapatalong mga estudyante ng Kinsniel Academy na gagawin ang lahat maka-survive lang at hindi bumagsak.
Dun siguro sa pinalitan kong estudyante, siguro sorry nalang. Baka di nya pa talaga time.
Ang Kinsniel Academy ay isang Club Academy. Ang founder ng school na ito ay si, Sir Genesis Kinsniel. He was a British professor in Europe. Also, a billionaire. Lumaki sya sa bansang Pilipinas. Kaya naman hindi na kataka-taka na nagpatayo sya ng isang eskwelahan dito sa Pilipinas. Isang club school na isinunod nya sa pangalan nyang Kinsniel. Sinabi nya ring ang Kinsniel Academy na kanyang pinatayo ay ang kanyang dream school.
Iba ang schooling nila dito. Kung sa ibang school after mong mag-senior high ay magka-college ka at kukuha ng gusto mong kurso. Sa school naman na ito ay sasali ka sa club na gusto mo. Hindi rin ganun kadali na makasali sa club na gusto mo. May exam ka ring kailangang ipasa.
Nagsisimula sa Thirteenth Grade at nagtatapos sa Sixteenth Grade ang pag-aaral nila dito. Bawat entrance exam ay may age limit depende sa grade level. Sa Thirteenth Grade ay eighteen to nineteen years old. Sa Fourteenth Grade naman ay nineteen to twenty years old. Sa Fifteenth Grade ay twenty to twenty-one years old. Samantalang sa Sixteenth Grade ay twenty-one to twenty-two years old.
Ang mga estudyante dito ay nagiging representative ng Pilipinas sa ibang bansa. Pati sa sports kinukuha silang manlalaro sa iba't ibang international games.
Marami ng natamong karangalan ang school na ito. Pati na ang mga bawat estudyanteng nag-aaral dito. Kaya naman kilalang kilala ang prestisyosong eskwelahang ito bilang pambato sa iba't ibang larangan.
At ang mga estudyanteng nag-aaral sa Kinsniel Academy ay mas kilala sa tawag na "Believer".
•shinobisui•
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Author's Note:The title of my story, "Long Hope, Philia" is the second ending song of an anime "My Hero Academia Season 3". The lyrics and message of the song is very similar and it really suites to my story. That is why I titled my story "Long Hope, Philia".
Song:
Long Hope, Philia
By: Masaki Suda
BINABASA MO ANG
Long Hope, Philia
Humor"Believe in myself." What Sammer Holland always says to herself. All her life she only wanted one thing to get that was fully supported by her mother. This is to get into her dream school. Kinsniel Academy is a prestigious club school. She wants to...