Chapter V

1 0 0
                                    

BLESSY KAEYE'S   POV

Mabilis natapos ang klase nagbigay lang ng mga iilang assignments mga teachers kaya diretso uwi na ako

Kapag kasi mas naunang umuwi sakin si mama, mapapalo ako nun HAHAHA kapag naabutan niya ang mga hugasin, di pa nakapagsaing, at madumi pa agad ang bahay naka auto beast mode si mader

Pagdating na pagdating ko sa bahay, nadatnan ko ang prinsesa namin na naka higa sa sofa nanonood ng tv

"waaaaw! Ang prinsesa di man lang naisipang mag walis muna bago manood ng tv" bungad ko sa kapatid ko

"ate, sobrang nakakapagod ang araw na to, hoooh! Grabe, dami pinagawa ng teacher samin! Hoooh! Di ko nga kayang igalaw mga paa ko sa sobrang sakit" may pa arte arte pang nahihirapan itaas ang paa

Haaays! Nakakainis!

Tbh. Hindi kami lumaki sa iisang bahay, may work kase si mama nung baby pa lang siya at ako naman kindergarten palang nun kaya nasa poder siya ng Tita ko samantalang ako na kay mama, at lumaki din kaming walang papa sa tabi namin, hindi dahil sa may ibang pamilya si papa haha, no no no, good boy kaya papa ko, sadyang nasa abroad lang talaga ito at nag ta trabaho

"Blessy anak, kunin mo nga tung nga pinamili ko, hooh kakapagod" rinig kong tawag ni mama, phew! Buti nalang naka sain na ako't nakapaghugas ng mga pinggan

"oh, kumusta klase?" tanong nito sa amin

Nagkwento na ng pagkadami dami ang kapatid ko mga ilang minuto pa silang nag kukwentuhan hanggang sa bumaling ang atensyon ni mama sakin

"Blessy, nag text sakin si Trainor Greg mo kanina, sasabak ka na naman daw sa meet, kelan ba start ng training?" tanong nito

"ahhh mang, kanang, di ako sasali sa meet" sagot ko

Nakita kong nagsalubong ang kilay ni mama

Sa aming magkakapatid, ako lang naman ang athlete, haha, walang interes kapatid ko sa mga ganito, mahina siya sa socializing, pero sobrang galing sa Academics, ako naman sobrang loading utak ko kapag acads na pinag-uusapan, kaya eto lang yung way ko, I mean gymnastics lang way ko to make them proud, kase yung kapatid ko effortless e, haha, pero ako kailangan pang ma tanggalan ng kuko, maka feel ng body pain, training, para lang maging proud sila sakin, pero ayos lang, basta para kay mama

"Blessy..." sabi ni mama na naka kunot noo

"yes, ma, okay, I'll compete, pero pipili pa naman si Coach kung sino isasabak, sure ako, di ako mapipili, ayaw ko lang kayo ma disappoint ma, kayo ni papa" sagot ko

"wala namang mawawala sa pagta try ah, Take risk, it's either you win or lose a chance" this is what I love about my mama, she's always been so positive na parang walang problema, always been so supportive GO lang ng GO

Akmang yayakapin ako ni mama pero umiwas ako, like hahaha ew.

Di kasi ako clingy, uncomfortable para sakin yung mga hugs, kisses, yung mga ganon

Habang naghanda si mama ng hapunan, inopen niya yung speaker tapos volume up, haha, kanta kanta, sayaw sayaw, ganito bonding ng pamilya ko

I can say that I have a not so perfect but blessed Family, yung tipong tawa dito, tawa doon, kahit minsan may problema pero makikita mo parin yung happiness. Hayyys Lord Thank you kasi binuhay mo po ako, at ganitong pamilya ang meron ako

"Huy ate, kinakausap ka di ka sumasagot, parang nasa ibang mundo" sabay batok pa ng kapatid ko

"Aray" inirapan ko siya

Di ko namalayang tulala na pala akong nakangiti

"siguro may jowa na yan kaya ganyan, parang kinikilig eh" pahabol pa ni Hannah

"Huy, anong jowa jowa, walang mag jojowa hanggat walang trabaho, naiintindihan?" ma awtoridad na sabi ni mama

Nakalimutan ko, strikta din pala mama ko, yung sobrang hirap pang magpaalam bago ka payagan, yung mga tipikal na probinsyang ina haha

Pagkatapos kong kumain ng hapunan, syempre naghugas pa ako ng pinggan ako yata official dish washer dito sa amin, agad akong nagtungi sa kwarto para magpahinga na

*Toot toot* nagvibrate phone ko kaya agad ko itong tiningnan

|from: Riah|

Ghurl, before 5 am dapat daw nasa training gym na, mag jojogging bukas at weighing, lagot na naparami kain ko siszt!!! Huhu, see you mwah :*

Hays, pahirapan na naman to bukas

---------------------------------------------------------

HELLO EVERYTHING
hehe please bare with me

Note: marunong din si Blessy Kaeye mag bisaya kasi laking bukid po siya haha










Nightmare Where stories live. Discover now