Luigi's POV
Mabilis akong naglalakad habang nakayuko. Sinigurado kong hindi ako nasundan ng mga bodyguards ko pero kapag minamalas ka nga naman, may nakakilala sa akin. Dumami nang dumami ang nakakilala sa akin hanggang nagsimula silang habulin ako, kaya heto ako ngayon, tumatakbo na parang may atraso ako sa mga taong 'to. Ang hirap ng ganito, hindi man lang ako nagkakaroon ng oras para mapag isa.
Ayoko ng atensyon, ayoko na pinapanood ako ng mga tao at mas lalo nang ayoko na maraming lumalapit sa akin. Making it very ironic dahil kabilang ako sa pinakasikat na banda sa buong mundo sa henerasyong ito.
Flashback...
I woke up earlier than usual. Instead of having brunch since mag aalas dose na, I decided to get an ice cream. Wala lang, bigla lang akong nagcrave. Bawal kaming lumabas na mag-isa kami, kailangang nakabuntot pa rin sa amin yung mga bodyguards na kinuha ng agency. Which is I understand dahil para na rin ito sa kaligtasan namin, may mga fans din kasi kaming sobrang agresibo na gagawin ang lahat para malapitan at mahawakan kami. Minsan nga after ng concerts at fan meetings namin, umuuwi kaming may mga kalmot at pasa sa iba't ibang parte ng katawan namin. Pero this time, ayoko munang may nakasunod sa akin na bodyguards. I want to be alone this time. Kukuha lang naman ako ng ice cream.
End of flashback...
Medyo nagulat ako nang may kumalabit sa akin.
"Heto tubig oh. Okay ka lang ba?" Tanong ng babae sa akin saka inabot sa akin ang isang bottled water.
"Hingal na hingal kang umupo dito kanina tapos bigla kang natulala." dagdag pa niya.
"Ah, oo. Salamat dito." Sagot ko sa kanya.
"Bakit ka pala tumatakbo? May humahabol ba sa'yo?"
"Oo eh. Dito ako napadpad."
"Bakit ka nila hinahabol? May atraso ka ba sa kanila?"
Ang dami namang tanong ng babaeng 'to. "Wala naman akong atraso kahit kanino, medyo mahabang kwento kaya nila ako hinahabol. Dito muna ako magtatago since wala masyadong tao banda rito."
"Pareho pala tayo. Nagtatago rin ako dito eh. Hahahahaha" Sabi niya. Natawa rin ako kasi nung tumawa siya, nawala yung mga mata niya. Hindi siya kagandahan, pero hindi rin naman siya pangit. Mukha rin siyang malinis at mabait.
"Sino naman pinagtataguan mo?"
"Yung mga men in black. Ayaw nila akong lumalabas, lalo na at mag isa."
"Bakit naman daw?"
"Utos ng Papa. Lahat ng utos niya, sinusunod nila. Hindi nga sila ngumingiti eh, nakatayo lang sila. Mukha tuloy silang mannequin, buti nga hindi sila nangangawit. Kung ako siguro yun, mangangawit ako ng sobra. Tapos puro itim pa suot nila, natatakot tuloy yung ibang tao sa kanila."
Mukhang nasa early 20s na siya pero parang may pagka isip bata pa rin. Mukha rin siyang masiyahin. Nakasuot siya ng puting bestida at beige sandals.
"Alam mo, kanina ka pa natutulala. Okay ka lang ba talaga? Ang dami ko nang nasabi sa'yo pero mukhang hindi ka naman nakikinig."
"Oh, sorry. What were you saying?"
"Wala. Heto oh, may dala akong sandwich. Sa'yo na tong isa." Sabi niya saka niya ko inabutan ng sandwich. " May dala din pala akong mga sushi, kuha ka lang ha? Hindi ko rin mauubos yan e." dagdag pa niya at nilabas ang isang kahon na may lamang iba't ibang sushi.
Biglang kumalam ang tiyan ko sa nakita ko. Hindi pa pala ako kumain. Napayuko tuloy ako sa hiya.
"Oh kita mo na. Gutom ka lang talaga kaya ka natutulala e. Kumain ka na. Madami naman akong dalang pagkain. Hehehe."
"Thanks."
"Hindi mo ba ako namumukhaan?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Kasi parang wala man lang siyang reaksyon kaninang tinanggal ko ang face mask ko nang magsisimula na akong kumain. Hindi naman sa pagmamayabang pero para kasing imposibleng meron pang hindi nakakakilala sa amin lalo na dito sa bansa namin at mga dalaga.
"Hala?! Bakit? May nagawa ba akong masama sa'yo noon? Magkaano-ano ba tayo? May atraso ba 'ko sa'yo? Pero mabait naman ako a, hindi naman ako pasaway." Binulong niya sa sarili niya yung huling sinabi niya habang nakalagay sa baba niya ang kanyang hintuturo na parang nag-iisip, pero narinig ko naman. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Mukhang hindi nga niya ako kilala.
"Hindi. Hahaha. Baka lang Nakita mo na ako sa TV, sa mga newspaper, magazine or yung mga billboards sa city proper malapit sa mga malls?"
"Bakit? News anchor ka ba? Artista? Model?" balik tanong niya sa akin.
"Parang ganon... pero hindi ganon."
"Eh? Ang gulo naman ng trabaho mo." Sabi niya at pareho kaming natawa.
"Hindi ako nanood ng TV, si Papa lang din nagbabasa ng newspaper sa bahay kapag breakfast, tapos puro business magazine lang nakikita ko saka sabi ko nga kanina di ba, hindi nila ako pinapayagang lumabas? Paano ako makakakita ng billboards?" sabi nito.
Sa mga dinadaldal niya magmula kanina, ang dating sa akin parang nakakulong lang siya sa bahay nila. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.
"Eh school? Hindi ka ba pumapasok sa school?"
"Hindi e, mula nung bata ako, homeschool na ako. Kaya nga wala rin akong friends. Yung mga men in black lang palagi kong nakikita."
"Gusto mo ba akong maging kaibigan?" biglang tanong ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi sa kanya yun but I felt an urge to say so. Umaliwalas naman yung mukha niya nang sinabi ko yun, ang laki ng ngiti niya at tumayo pa na parang gustong tumalon.
"Talaga? Friends na tayo?!"
Napalakas ang boses niya kaya nakakuha kami ng atensyon, atensyon na tumapos sa mapayapang pagkain namin dahil kailangan na naming tumakbo.
"LUIGIIIIIII!!!!!!"
"SI LUIGI NANDITO GIRLS!!!!!"
"OMAYGASH LUIGI MYLAAAAABS!!!!!!!"
Nang Makita kong marami nang tao ang papalapit sa amin at kumukuha ng picture o video, hinila ko na siya at tumakbo, hindi ko na alam kung saan kami mapapadpad basta kailangan naming makalayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceLuigi, a rapper of a famous boy band fell for a stranger