Chapter II: I am Cereina

5 0 0
                                    

Luigi's POV

Tumatakbo pa rin kami hanggang sa hindi ko na alam kung liliko kami sa kaliwa, sa kanan o dederetso na lang kami ng babaeng to. Napagdesisyonan kong kumanan pero hinila niya ako at sinabing 'No! men in black', at paglingon ko nga ay may mga lalaking nakasuit ng itim na parang may hinahanap. Nakuha ko naman ang sinabi niya kaya kakaliwa na sana kami nang makita kong nandoon yung mga humahabol sa amin kanina. Kaya nawalan kami ng choice kundi dumiretso lang ng takbo. Takbo lang kami nang takbo nang sumigaw siya.

"Wait lang! Pagod na pagod na ako. Ang sakit na ng paa ko. Kanina mo pa ako hinihila e!" sigaw niya sa akin na hinihingal.

Pagtingin ko sa kanya, bumaba ang mata ko sa paa niya na wala nang sandals, ang dumi dumi na rin ng paa niya natawa ako ng konti pero nawala din nang Makita ko ang mga konting gasgas kaya bigla akong nakonsensya.

Wala na rin akong makitang humahabol sa amin, kahit yung mga men in black na sinasabi niya.

"Woah! Woah! Nasaan na tayo?"

She suddenly exclaimed, when I turned to her, her eyes seemed to be twinkling looking at the entrance of a carnival'

"Carnival. Gusto mo pumasok?" tanong ko sa kanya at parang bata naman siyang tumango ng paulit ulit sa akin.

"Okay pero hanap muna tayo ng sandals mo. Baka mapagkamalan kang pulubi at hindi ka papasukin."

"Bakit hindi pinapapasok ang mga pulubi sa carnival?"

"Kasi wala silang pambayad, yung pera nila, pambili na lang nila ng pagkain."

"Eh? Sayang naman. Mukha pa namang masaya sa loob." Mukha siyang nalungkot sa sinabi ko. Naglakad kami papasok sa isang shop na malapit.

"Oo naman. Masaya talaga sa loob, marami ring rides saka bilihan ng pagkain."

"Bakit kailangan ng pera para sumaya? Bakit yung mga may pera lang ang sumasaya?"

Hindi ko na siya sinagot kasi hindi ko rin alam ang isasagot ko, kaya tinignan ko na lang siya.

"Miss, may wet wipes ba kayo at first aid kit?" baling ko sa saleslady saka ko pinaupo tong babae sa may gitna ng mga flat shoes.

"Yes sir, kukunin ko lang po."

"Alin ang gusto mo sa mga nandito?" tanong ko sa kanya patukoy sa mga nakahilerang flat shoes.

"Kahit ano, basta yung komportable."

"Gusto mo ba ng flat sandals o sneakers na lang?"

"Sneakers na lang siguro para hindi na siya matanggal pag tumakbo tayo ulit. Hehehe." Inosenteng turan nito kaya pumunta na ako banda sa mga sneakers. Ako na rin ang pipili para sa kanya. Ilang minuto rin at napagdesisyonan kong kunin tong white chucks at kinuhanan ko na rin siya ng shades at para sa akin na rin para hindi kami agad makilala.

Pagbalik ko sa kinauupuan niya, nandun na yung wipes at first aid kit. Binigay ko na yung mga kinuha ko sa saleslady kasama ang card ko. Pagtingin ko sa kanya, mukha siyang luting. Natawa pa ko kasi medyo nakabuka pa bunganga niya. Hahaha.

Nagising siya sa pagmumuni muni nang may masagi yata akong sugat sa paa niya habang pinupunasan ko ang paa niya.

"Hala! Ako na magpupunas." Sabi niya.

"Tapos na. Wag ka na lang malikot para malinis natin tong mga sugat mo." Sabi ko sa kanya. Bago ko ibuhos tong alcohol na hawak ko, tinignan ko muna siya.

Nakapikit siya na parang nasasaktan na, kahit wala pa akong ginagawa. Nakakatawa itsura niya, mukha siyang natatae. Hahaha. Tinawanan ko siya ng bahagya saka binuhusan ng alcohol ang buong paa niya. Kitang kita ko naman ang pagpipigil niyang sumigaw sa hapdi. Hinipan ko naman ng bahagya para hindi niya masyadong maramdaman ang hapdi, saka ko tinuloy ang panggagamot ko sa kanya. Sakto namang dumating ang mga pinamili ko.

"Sandali, wrong decision yata na sneakers kinuha natin. May mga sugat ka pala sa paa."

"Ha? Okay lang yan. Mga gasgas lang naman eh. Hindi naman masakit."

"Sigurado ka ha?" tumango siya kaya ako na rin ang nagsuot sa kanya ng sapatos buti na lang may kasamang medyas 'to, inabot ko na rin sa kanya yung shades na napili ko. Saka kami lumabas na sa shop at dumiretso sa carnival.


"Pwede bang kumain muna tayo?" tanong niya sa akin.

"Sige, nagutom rin ako sa pagtakbo natin kanina e."

Pumunta kami sa mga food stalls na nandoon. Natawa pa ako nung sinabi niyang gusto niyang i-try yung mga orange na bilog-bilog saka yung mga iba pa. Kwek-kwek at fishballs lang, hindi pa niya alam? Hahaha. Bumili ako ng sa amin at kumuha ng cotton candy para sa kanya pagkatapos namin sa mga streetfoods.

"Ano? Saan na tayo?"

"Uh, hindi ko rin alam eh. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Kahit saan na lang." Nginitian ko siya saka hinila sa mga rides. Nakailang ulit kami sa roller coaster, kahit hilong hilo na ako, mukha naman siyang masaya, pinagtatawanan pa ako.

"Hahaha. Mukha kang natatae! Hahaha." Saka pa niya ko tinuro turo.

Maghahapon na at malapit nang magsunset kaya sabi ko, magferris wheel kami para mapanood namin yung sunset at pumayag naman siya. Ang gaan talaga ng loob ko sa babaeng to.

Nang nasa taas na kami, tahimik naming pinapanood ang paglubog ng araw nang may maalala ako.

"Alam mo, ilang oras na tayong magkasama, binilhan na kita ng kung anu-ano, nagkasalo sa pagkain, ginamot yang sugat mo, sumakay ng rides at iba pa pero hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo."

"Hahaha. Yan yung iniisip ko kanina, akala ko hindi mo na tatanungin pagkatapos mo akong kidnappin. Hahaha."

"Yan pa! Ngayon mol ang ako nakilala tapos sumama ka na sa akin. Pero dahil mabait naman ako, okay lang. Pero.. pero.. dahil kaibigan mon a ako, inuutos ko sa'yo na wag magtitiwala at makikipag usap sa mga hindi mo kakilala. So, pwede bang malaman ang pangalan mo miss?"

"I am Cereina."

"Hi Cereina, I am Luigi. Nice to meet you." Saka ako nakipagkamay sa kanya sakto sa paglubog ng araw.

Gabi na at papalabas na kami ng carnival nang may lumapit sa amin na mga naka black suit.

"Men in black." Biglang bulong ni Cereina kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi niyo ako nahanap kaagad ngayon a! Hahaha." Sabi niya sa mukhang leader ng mga men in black.

"Sinusundo na nila ako Luigi. Thank you for today! See you when I see you! Hehehe."

Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya kaagad kasama ang mga nasa bente sigurong men in black.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon