SOFIA
"Where am I?" Tanong ko sa babae sa harapan ko.
Naka suot ito ng damit ng pang nurse.
Inaayos nito ang swero na nakakabit sakin.
"St. Lukes Hospital" sagot nito.
"Bat ako nandito?" nagtatakang tanong ko rito. Habang hinahaplos ang ulo ko.
Masakit ang ulo ko at pati katawan.
"Nag faint ka kanina sa harapan ng park" sagot nito.
What? So that was not a dream? Totoo lahat nang nabalitan ko? This couldn't be! No!!!!!!!!
"Where's my parents?!" Pasigaw na tanong ko rito.
At gulat na gulat siya sa biglang pagtaas ng boses ko.
Halata sa mukha niya na hindi niya alam ang isasagot sakin.
Tinanggal ko ang swerong nakakabit sakin.
Ikinagulat ito ng nurse na kasama ko.
"Ma'am hindi pa po kayo pwedeng -" sita niya sakin nang tumayo ako sa higaan.
"No!!! Shut up!" Sigaw ko rito.
Habang kinukuha ang mga gamit ko ay tulala lamang ito.
"Take this" bigay ko ng pera rito.
At walang atubili na lumabas ng hospital.
I need to see them ..
Tinawagan ko ang number ni Daddy..
"Please pick up!" Sambit ko habang balisa dahil sa tagal nitong sagutin ang tawag.
And finally sinagot na nito ang tawag.
"Hello? Dad? Where are you? Where's mom? Dad?" Bungad ko nang sagutin nito ang tawag.
"Kayo po ba yung kamag anak nila? Paki puntahan nalang po sila rito sa may Funeral" sagot sa kabilang linya.
At tumigil bigla ang mundo ko nang marinig ko yun.
At hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko.
I was in shock!
No no no. Hindi to totoo. No!
At tuluyan nang bumuhos ang luha ko.
Para akong lantang gulay sa narinig ko.
Ni hindi ko magalaw ang mga binti ko.
Nanghihina ako ..
At nanlalabo ang paningin ko..
BINABASA MO ANG
Something About You 💕
RomanceIt's all about REVENGE (paghihinganti), TREASON (pagtataksil), TRAGEDY (trahedya), at HARASSMENT. 📝NOTE 📌Minors below 13 are not allowed to read this. 📌Ihanda ang mga panyo guys. Because I make sure na sari-saring emotions ang mababasa at marara...