Chapter III:Long Hidden Hatred

8 1 0
                                    


Carlisle's POV

Pagkatapos naming magbreakfast ni LA sa coffee shop ay ramdam kong bumagsak ang balikat ko sa di maipaliwanag na emosyon. Nag aalala ako na uuwi siya ng mag isa ng naka commute and at the same time nag aalala kong baka malungkot siya dahil sa tuwing may ganitong pagtitipon kami ng pamilya ko ay hindi ko siya maisama dahil hindi padin tanggap ang relasyon naming dalawa.

Aaminin kong hindi ko alam kung paano ko kukumbinsihin ang pamilya kong tanggapin ang relasyon namin dahil never naman itong matatanggap ng pamilya ko. Simula palang nung una akong magkagirlfriend ay di nila nagustuhan dahil sila lang ang may karapatang magdecide sa magiging buhay ko. Mahirap na hawak ng pamilya mo ang leeg mo at wala kang ibang kailangang gawin kundi ang sundin sila kahit na labag pa man ito sa kalooban mo.

Ganunpaman, patuloy ko padin ipaglalaban ang pagmamahal ko kay LA dahil bukod sa siya ang pinakamatagal kong naging girlfriend ay fiancé ko na din siya ngayon. Ipapangako ko na gagawin kong lahat para maibigay sa kanya ang pagmamahal na kailangan niya at pagmamahal na ako lang dapat ang magparamdam.

I was reading the proposals for the new housing projects that will be establishing a month from now in a private subdivision in Ortigas, when someone knocked on my door. "Come in" sabi ko.

Pumasok ang secretary ko ng mahinahon at saka dumiretso sa harap ko. "What is it?" tanong ko pa habang nakatingin parin sa papel na binabasa ko.

"Sir, someone's looking for you. Papatuluyin ko po ba?" tanong ng sekretarya ko.

Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtatanong ang mukha. Wala kasi akong maalala na may pupuntang investors namin ni dad, o di kaya client or guest ngayon.

"O sige papuntahin mo dito" maawtoridad kong banggit.

"Ok sir" sumagot siya at tumango ito tsaka tuluyang lumisan ng office ko.

Mamaya lang may kumatok na muli sa pintuan ko "come in" walang emosyon kong sabi.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang pamilyar na babae, porselana ang kanyang kutis, may katangkaran na bumagay sa balingkinitan nitong pangangatawan at may kolorete na umakma sa kanyang suot na kulay maroon na dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Animo'y kadikit na nito ang kayamanan dahil sa marangya nitong pagdadala sa kasuotan at sa mga alahas na nakasabit sa kanyang balat. Napamulagat ako sa nakitang presensya ng babae na nakatayo sa harapan ko at hindi nalalayo ang edad ng sa akin.

"How have you been, Mr. Sy?" marahas nitong tanong. "I'm so glad to finally meet you AGAIN after such a long time" dagdag pa nito.

Nagtataka akong sinalubong ang mga titig niya at inalala ang pamilyar niyang mukha. Napaisip tuloy ako kung sino ba ang babaeng ito na biglang humarap at nagpakita sakin.

"You don't remember me?" sa pagkakataong ito ay parang di ako makasagot dahil hindi ako sigurado sa mga naiisip ko.

Hindi kaya isa siya sa mga naging kalaban namin ni dad sa business at binabalikan lang kami para maghiganti? Madami kasing nakalaban si dad pagdating sa business namin dahil nakipagclose deal kami sa mga malalaking tao dito sa bansa at ganun na rin sa mga negosyante sa Japan, US, Dubai at China para mas mapalawig pa ang business namin.

Hahaha! I can't believe this! Hindi ko akalain na hindi mo na ako makikilala after kong umalis at magtungo sa US. And hindi ko maintindihan kung bakit ganun kabilis para makalimutan mo ako" aniya na may pang iinis na tono.

The Second WifeWhere stories live. Discover now