Ah...(stares)
"Ahh... " Subo ng babae sa kasama nitong lalaki.
"Masarap?" Tanong ng babae. Alanganing tumango at mukhang napipilitan ang lalaking tumango. Pilit niya iyong linunok kahit labag sa loob niya.
Haay mukhang magkasintahan.
Sa pagkakaalam ko linuto ng babaeng iyon ang pagkain para sa kanya.
Tsk... Walang utang na loob. Mabuti pa nga siya kumakain eh.
Haay..
Nakayuko akong naglakad.. may mga nakakasalamuha akong mga tao na hindi ko kilala at ....
"Guuuu" tunog ng aking tiyan. Langya.
Gutom ako, hindi ko akalaing magugutom ako ng ganito. I imagine those times when there is an unending buffet set of foods in our house. Ahh mas lalo akong nagugutom.
Naglalakad ako hanggang sa napaupo ako sa isang bench. Walang gana kong tinignan ang isang astray na aso.
"Kung ako sa iyo umuwi ka na, wala kang makakain dito.." sabi ko, lumingon ito sa akin at tinahulan ako.
Napalaki ang mga mata ko.. Hindi ko alam pero natuwa ako kasi, sa wakas...
May nakakapansi na rin sa akin. Ewan ko pero natutuwa ako.
So tootoo nga nakakita ang mga aso.
"Nakikita mo ako?" Tuwang sabi ko.. pero.. agad akong napatayo at balak na lapitan ang pero sa tingin ko nagulat ito at agad na tumakbo..
"Teka sandali!!" Sabi ko sa palayong aso. Lintek naman o.. kung kelan meroon na akong makausap haay..
Nagiging desperado na talaga ako. Ilang araw na ba?
Hindi ko na mabilang..
Kailangan kong makahanap ng taong nakakakita ng tulad ko nang makabalik na ako...
Ahhhh!!
For damn Pete's sake ako si Vee Nic Velasquez isang guwapo, famous at isang mayamang tagapagmana na naging multo!
The heck!!! My reputation!
Sigurado akong pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila to.
Ahh.. I forgot.. Paano nila malalaman ni di nga nila ako makita.
Ah..
Walang hiyang matandang iyon. Pinunta niya ako sa mundong to kung saan wala akong kaalam-alam. Ughh!!
Saan ko ba hahanapin ang bagay na iyon?
Ang lawak ng mundo!!
"Paano ko hahanapin ang TRUE LOVE NA SINASABI MO!!! HUH!!! TANDA!!!"

BINABASA MO ANG
The Love Seekers
Fantasy28 yrs. old guy name Vee Nic Velasquez, famous, rich kid and an heir of their company. He has it all but he feels empty because he doesn't have that thing called Lover. He love once and her name is Samanta Cleave Tyler, a famous actress and his chil...